NAYA MALIA Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak at hindi ko man lang naramdaman na binitawan niya ako dahil magdamag niya akong yakap na para bang ano mang oras ay mawawala ako. Nauna siyang magising sa akin kinabukasan at akmang babangon na sana ako nang lumabas siya mula sa banyo nang nakatapis lang at tumutulo pa ng panaka-panakang tubig sa kanyang katawan. “Saan ka pupunta?” Kung makatanong ito akala mo tatakas ako. “Sa baba… maghahanda ng umagahan—” “Stay here, hindi ka bababa,” mariin niyang utos kaya natigilan ako. “Pero ang agahan mo ihahanda ko—” "Let the maids do their job.” Muli na naman akong natigilan. “Mahiga ka at magppahinga.” Nag-tungo siya sa closet niya at kumuha ng casual niyang damit. Biyernes ngayon hindi siya papasok sa trabaho? “A-Ayos na ako, kaya ko nang

