NAYA MALIA HIndi naiwasang may nangyari sa amin dahil para siyang nanabik na hindi ko maintindihan, naging maingat naman siya at mabilisang pagniniig lang ang nangyari na hindi ko na tinutulan at mabilis lang din naman natapos… Yakap niya ako habang ang bisig niya ginawa niyang unan ko at mga braso niya mahigpit na nakayakap sa akin sa maliit kong katawan at ayaw niya akong bitiwan. Wala kaming suot na pang-ibaba tanging kamot lang ang nakatakip. HIndi ako nag-salita tulala lang na nakatingin sa may bintana at walang ni-isang nagsasalita sa aming dalawa kaya nanaig ang katahimikan nang siya na rin ang bumasag. “Nasa kwarto ko na ang mga gamit mo, mamaya lang ay doon ka na matutulog simula ngayong gabi,” imporma niya sa akin kaya dumako ang tingin ko sa wall clock. 7:00 na… Huminga n

