NAYA MALIA
Nakatulala ako habang nakaupo at nakasandal sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng munti kong silid… tanging lampshade lang na nasa ibabaw ng maliit na lamesa tabi ng kama ang nakabukas na nagbibigay konting liwanag sa akin…
Gabi na sa labas, bukas ang bintana at isinasayaw ng hangin ang kulay asul at manipis nitong kurtina habang malayo ang tingin ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Agnes na may dalang tray ng pagkain.
“Malia, kumain ka na. Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain,” nagaalala na nitong sinabi nang makalapit sa kama at inilagay sa tabi ang tray. Hindi ako nag-abalang lingunin ito.
“Wala ho akong gana…” tamlay kong sagot.
Kaninang umaga lang ako iniuwi ni Fabian matapos ng isang linggo kong pamamalagi sa ospital.
Wala na rin naman naging imik pa ito, hindi na naulit pa ang paguusap namin noong araw na iyon na ipinagpasalamat ko at hindi niya rin na rin ako ginambala at hinayaan akong makapag-pahinga hanggang ngayong nakauwi ako ng bahay niya…
Naupo si Manang sa gilid ko at tumabi sa akin. Natigilan ako nang kunin niya ang kamay ko at hinawakan kaya napabaling ako sa banda niya. Kitang-kita ko ang labis niyang pagkahabag para sa akin.
“Gusto kong malaman mo anak na wala ni-isa sa amin sa bahay na ito ang may gusto sa nangyari sa iyo…” Siya ang naiiyak para sa akin.
“Kahit si Fabian…” Huminga muna siya ng malalim at napa-iling. “Balisa at tuliro din sa nangyari… marahil nga sumobra siya pero hindi niya nagustuhan ang resulta ng ginawa niya…” batid niya ata na nagsisisi ito na ang dating sa akin pinababango niya lang ang pangalan ng alaga niya.
Natawa ako ng mapakla at pagak at napa-iling. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.
“Manang… kahit na ano pang sabihin niyo hindi rin naman ako naniniwalang may konsensya siya…” mahinahon pero puno ng hinanakit at galit kong sambit.
"Ni isang beses hindi ko siya nakitaan ng awa sa tuwing may ginagawa siyang bagay sa akin…”
“Kaya para sa akin mahirap po iyang paniwalaan.” Ngumiti pa ako. “Siguro kung ano man ang nararamdaman niya sa mga oras na ito hindi ho iyon para sa akin kundi sa anak niya na sana, kaso nawala pa.” Muli akong natawa pinipigilan maluha.
At ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na tanging pagkahabag lang ang mababasa sa mukha.
“Masakit din naman po para sa akin dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong malaman na may nabuo pala pero sa kabilang banda…”
Sandali pa akong tumigil at huminga ng malalim saka ngumiti. “Nagpapasalamat din ako sa nangyari.”
Nanlaki ang mata ni Manang Agnes sa akin. “Malia!” batid niyang mali ang ipagpasalamat iyon at bumalatay ang pagkadismaya niya sa akin. “Oo! Naiintindihan ko na galit ka roon sa Tatay pero wala namang kinalaman ang bata—”
“Alam ko ho.” Ngumiti ako muli at natigilan siya. “Nagpapasalamat ako hindi dahil ayaw ko siyang mabuhay dahil bunga siya ng pang-aabuso… kundi dahil… ayaw ko danasin niya ang mga kasalukuyang nararanasan ko.”
Natigilan ito.
“Palagay niyo ho ba… anong mangyayari sa aming mag-ina kung nagkataon?” Natawa na lang ako nang hindi siya nakasagot.
“Sigurado baka kahit na anak pa niya iyan, sasaktan niya pa rin dahil wala namang halaga iyung ina.”
“Malia, h'wag mo iyang sabihin! May halaga ka!" saway niya at hinawakan ako sa balikat pero natawa na lang ako muli.
"May halaga ho? Ako? Sa kanya?" Itunuro ko pa ang sarili ko. "Duda po ako diyan." At tumawa pa ako sabay iling.
“Manang, iyon ho talaga ang katotohanan.” Ngumiti ako. “Ganoon ho ang mangyayari kaya mabuti na rin nang nakunan ako kaysa pati siya mag-hirap baka pareho lang kami ng sapitin.”
Bakas ang pagkahabag niya sa mukha pero ipinaglaban pa rin niya ang sariling paniniwala.
“Pinangungunahan mo agad, Malia… masama oo kung sa masama si Fabian pero iba na kapag usapang anak—”
“Kahit pa anong sabihin niyo iyon na ang pagkakilala ko sa kanya, nakatatak na sa akin kung anong klaseng tao siya… kaya kahit na anong pagtatanggol niyo sa kanya, hindi ko kayang paniwalaan.”
Natahimik siya.
“Idagdag pa ho na… alila niya lang ako rito at babaeng ginagamit-gamit niya lang kapag kailangan niya pero wala naman po kaming espesyal na ugnayan...”
Nanginit muli ang mga mata ko kasabay nang pagbabara ng aking lalamunan.
“Kaya tama na ho, magiging maayos din naman ako at makakabalik din ako sa trabaho na parang walang nangyari, tapos ganoon po ulit.” Nag-kibit balikat ako at tumawa.
“Balik lang po sa dating gawi dahil kung sumuway man ako matapos ng nangyari hindi ho iyon epektibo sa kanya, pipilitin at pipilitin niya pa rin ako gawin ang mga bagay na ayoko kaya pumapayag na lang ako.”
“Malia…” tanging nasambit niya na lang.
“Sige na ho, gusto ko na po magpahinga… pakidala na rin nitong pagkain masasayang lang at hindi ko rin naman makakain,” malumanay ko nang pagtataboy sa kanya sa kagustuhan ko nang mapag-isa.
Tumayo na rin siya na may naaawang tingin na lang sa akin at kinuha na nga ang tray para ibalik sa kusina at ibinalik ko na rin ang tingin ko sa labas ng bintana, sa kawalan at doon ko na lang itinuon ang isip ko.
Pumikit ako siyang bagsak ng butil sa magkabila kong pisngi at narinig ko na ang pag-sara ng pintuan hudyat na tuluyan na nga akong iniwan ni Manang Agnes kaya napahugot ako ng malalim na paghinga na may panginginig ng labi at lalamunan…
Yumuko ako at napa-hikbi. Nagasungot ko na lang ang kumot na nakabalot sa akin hanggang tiyan at muling napapikit ng mariin sabay napamulat rin ako nang muling bumukas ang pintuan at ang akala ko si Manang Agnes na bumalik ulit pero hindi…
Napaatras ako sa sulok ng headrest ng kama at nayakap ko ang dalawa kong tuhod nang sundan ko ng tingin si Fabian na walang abi-abisong pumasok at napansin ko agad ang hawak niya, ang tray na dala ni Manang kanina.
“Why don't you eat? Can't you swallow?” he asked while walking closer and he stopped beside my bed at dumako ang tingin niya sa hawak niya. “The foods brought for you since lunch why you didn't touch them?”
HIndi ako nakasagot at mas niyakap ang mga binti at tuhod ko. I heard him sighed and he seems like he's controlling his temper.
“Naya…” he now used his cold and tough tone which made me stiff. “Come here.” He offered his hand for me to hold kaya nabigla ako at natigilan.
"Let me feed you,” he sounds like he’s trying to be soft spoken and his two eyebrows raised waiting for me to hold his hand patiently.
“Don't make me repeat myself,” he simply warned me which leave me no choice but to hold him at marahan niya akong hinila kaya nagpatangay na ako at pagapang na lumapit sa kanya.
“Kailangan ba puntahan pa kita?” tanong niya nang maupo siya at binitawan na ang kamay ko para kunin ang platong naglalaman ng hapunan ko mula sa tray na inilapag niya rin sa katabi niya sa kama.
Umayos naman ako ng upo at muling sumandal sa headrest at pinanuod ko siyang ayusin ang pagkain. Hindi naman talaga ako kakain, mapipilitan lang dahil dinadaan niya ako sa pananakot.
Sumulyap sa akin ang may talim niyang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin.
“You are threatening me… so I will eat even I don't want to,” I said being rational kaya sinamaan niya ako ng tingin batid na h'wag ko siyang sagut-sagutin.
“Be thankful you're still injured, because if you are not… you see this spoon?” Tinaas niya ang kutsarang hawak niya at ipinakita pa sa akin. “I'll make you swallow this,” he added, which made my eyes heat up again.
I anxiously swallowed my own saliva. “Sorry,” I apologized in my soft and weak voice.
He just ignored me and scoop the food from the plate using the spoon and he put it closer to my mouth. Natigilan ako at nagulat na literal siya pala ang magpapakain sa akin.
“Open your damn mouth,” he said like he’s not used to being sweet but just being forced to do this.
I didn't open my mouth but I spoke. “You don't have to this—”
“I won’t f*cking repeat myself.” This time he started to look pissed.
Kaya ngumanga na lang ako kaya ganap na niya akong nasubuan pero pagalit pa na kulang na lang isungalngal sa akin kaya napaatras ang mukha ko at nasapo ang bibig ko habang pilit pa ang pag-nguya habang pinapanuod siyang pagalit na sumandok ulit at dinala muli sa bibig ko.
“NGANGA,” mariin at pagalit niyang utos kaya wala nang pagdadalawang isip na muli kong ibinuka ang bibig ko at isinalampak niya muli ang pagkain sa akin na agad ko rin nginuya at napaluha na lang.
Hindi uso ang pagiging malumanay sa lalaking ito, kung ganito rin lang ang susuyo sa iyo parang dibali na lang parang nakakasama lalo ng loob at halata naman napipilitan lang dahil sa pagka-guilty sa nangyari…
At sa pangatlong subo na sana niya ng kutsara sa akin sandali siyang tumigil at tumagal ang tingin sa platong hawak niya habang ang isang binti nakatiklop at nakasampa sa kama nang tingnan niya ako.
“Did you regret you had my baby because you thought I might hurt it?” he seriously asked like he took advantage of this moment to ask this, which made me stop. Napatitig ako sa mukha niyang nakatagilid. I can see he’s in deep thought.
“What are you expecting me to think after all the abuse?” Ibinalik ko sa kanya ang tanong na puno ng pait at unti-unti niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.
“Don't expect me to be happy…” Umiling ako at mapait na natawa. “And you don't have to do this and act good in front of me just because you're just guilty about the child.”
Yumuko ako at humawak sa kumot at nagasungot ko ito.
“Who told you I'm acting good in front of you?” he asked coldly. “I am just feeding you to regain your strength and continue your job as my slave,” he added like a spitfire hitting my chest kaya natahimik ako.
Oo nga pala, you assumed things, Naya... nanumbalik bigla sa isip ko kung ano nga lang pala ako rito…
He's just showing a little bit of gentleness just because I'm injured but it doesn't mean he cares, and it does not change the fact that my only purpose here is to serve him, nothing else.
He is also helping me to regain my strength so I can be useful to him again...
I just took a deep breath and smiled to cover what I really feel. “Tama kayo... kailan man, hindi kayo magiging mabuti."