“Seriously? Why are you so heavy?!” nahihirapan kong sigaw habang hinihila ang maleta ko. Napahinto ako sa paglalakad para tingnan ang magkabilang dulo ng daan. Umaasa akong may dadaan na kahit isang sasakyan man lang. I don’t even know if I’m on the right path. I don’t know how to get myself back to Manila. Hindi ko na tanda ang dinaanan namin ni Federico. Kahit ang itsura ng pantalan ay hindi ko na maalala. My phone doesn’t even help me. Kahit ang pera ko ay walang silbi dahil wala namang masasakyan o mabibilhan dito sa kawalan. Puro mga puno lang na sumasayaw at mga maiingay na kuliglig ang naririnig ko nang huminto ako saglit para magpahinga. “Saang parte ng mundo ba ang lugar na ito?” inis kong bulong sa sarili. Ipinatong at tinali ko na lang ang bag sa maleta ko. I can’t even

