Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Ang ilang laman ng ng bag ay pinagkasya ko pa sa iisang bag na lang.
Sinalpakan ko pa ng marami ang maleta kaya halos hindi na ito magsara kung hindi ko pa pipilitin.
Mahihirapan kasi akong tumakas kung marami akong bitbitin. Mabuti ng dalawa lang ang dadalhin ko.
“Nandito pa rin siya?” naibulong ko nang marinig ang ingay mula sa kusina.
Mukhang nandoon pa rin si Andres. Wala yata siyang balak umalis o umuwi man lang kung saang lupalop man siya galing.
Gabi na kasi pero nandito pa rin siya. Kanina pa ako naghahantay na umalis siya sa gayon ay makaalis na rin ako.
I think it’s just me and him in here. Hindi ako mahihirapang tumakas dahil mag-isa lang naman siya.
Matapos kong maayos ang gamit ko ay lumapit ako sa pintuan at sumilip sa pinto.
At hindi nga ako nagkakamali, sapagkat nandoon pa rin si Andres.
Abala siya sa pagsasaayos ng kung ano sa kusina. Pansin ko ay kanina pa siya naghuhugas doon… o baka naman binabantayan niya talaga ako?
Simulang pumasok ako rito sa kuwarto ay hindi pa ako nalabas. Kaya isang araw na naman akong walang kain at tulala.
Inis kong kinuha ang damit na inilabas ko mula sa maleta.
Mas mabuti pang magpalit na ako ng damit saka magpahinga muna kaysa naman maghintayan kami ni Andres kung sino ang unang susuko.
“Miss Cecelia, akala ko tulog ka na?” nagulat niyang tanong nang lumabas ako ng kuwarto.
Pinakita ko sa kaniya ang damit kong pamalit. Sumenyas rin akong magtutungo sa banyo nila.
“Hindi pala kayo tulog kanina?” dagdag niyang tanong.
“I just woke up… I heard your noise all the way from here,” tugon ko na lang.
Nagmadali na akong pumasok sa banyong nandito sa kusina. Ibinaba ko ang damit at pamunas sa sampayang nasa likod ng pinto.
At imbes na magbihis na ay panandalian kong inilibot ang paningin sa maliit na espasyo ng banyo.
Pagkapasok kasi ay may toilet bowl na agad at sink. Wala man lang shower room saka maputla pa ang ilaw nila. Malapit na mapundi siguro.
I don’t know how to take a bath in this small bathroom, so I decided to just do a half-bath and change my clothes.
Napatigil ako sa pagto-toothbrush nang mapansin ko ang itsura ko sa pink silk chemise.
I smiled when I found the cloth still looked perfect on me. Para bang ginawa ang damit para sa sukat ng katawan ko.
Hanggang gitna ng hita lang ang haba ng damit at hindi naman kita ang transparent lace na brassiere ko.
Inikot ko ang tuwalya sa ulo ko bago lumabas ng banyo. Pero nagulat ako na nandito pa rin si Andres na walang pag-aatubiling tumalikod sa akin.
“What’s wrong with you?” nagtataka kong tanong.
Tinigil niya kasi ang pag-aayos ng mga gamit sa kusina nang makita ako. Tumalikod lang ito sa pader na parang nagbibilang ng alikabok o ano.
“Nandito ka pa rin?” napapailing kong saad na lang. “But that’s right… guard the house and protect me from anyone.”
Hindi siya sumagot. Sa halip ay nakatalikod lang siya sa akin at para bang lalaking nawalan ng bayag habang tahimik siyang nagdarasal.
“Still hopeless,” dismayado kong sambit na lang.
Pumasok na ako sa kuwarto para makapag-ayos na ng sarili. I always do a skincare routine before going to bed.
Hindi ko alam kung matutuloy pa ba ang pagtakas ko ngayong gabi kung nandito pa rin si Andres.
I’m sure na pipigilan ako niya akong umalis. Halata naman din kasing binabantayan niya ako.
Marahil ay ipagpapaliban ko muna ang pagtakas. Siguro mamayang madaling araw o bukas ng umaga na lang.
Humiga na lang ako sa papag matapos kong mag-skincare at magpatuyo ng buhok. Ilang oras na lang ay malapit na ring sumapit ang kalahati ng gabi.
Inayos ko ang kumot saka handa na sanang humiga nang may biglang kumatok.
“Name yourself,” utos ko.
“Miss Cecelia…”
Napahinga akong malalim na diretsong humiga. I know it’s the voice of Andres.
“Hindi pa kayo natutulog?” dinig kong tanong niya mula sa labas ng pinto ko. “Malalim na ang gabi at mabuting matulog na kayo kaysa maghintay.”
“That’s what I’m doing!” malakas kong tugon.
At ano ang sinasabi niyang maghintay? Ako maghihintay? Nahihinuha niya ba na hinihintay ko siyang umalis?
Napakalakas naman pala ng pakiramdam niya. Dinaig pa ang mga kababaihan.
Agad akong napabangon sa higaan nang marinig ang sumunod na sinabi ni Andres. Parang may kung anong pag-asa ang namutawi sa dibdib ko.
“Diyan lang ako sa loob ng simbahan, Miss Cecelia,” pag-ulit niyang paalam. “Iiwan na kita at kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako.”
Hindi ako kumibo. Hinayaan ko ang mga minutong lumipas bago lumapit sa pinto saka sumilip doon.
I’m just making sure that Andres has already left.
At mukhang nakaalis na siya dahil katahimikan ang bumungad nang sumilip ako. Wala na ang presensya niya sa kusina o kahit sala man.
“It’s my time to escape,” bulong ko saka pasimpleng ngumiti.
Kinuha ko agad ang bag at hinatak ko naman ang maleta. Pero imbes na lumabas na mula sa bahay na ‘yon ay lumapit muna ako sa lamesa upang uminom man lang ng tubig.
I’m starving, but I’m full of pride. Dapat kumain na ako kanina at hindi nagkulong sa kuwartong ‘yon.
“Where on earth is my food?” napangiwi kong tanong.
Wala na kasi ang mga lutong pagkain sa lamesa. Marahil ay kinain na ng lalaking ‘yon ang lahat at hindi man lang ako tinirhan.
Uminom na lang tuloy ako ng ilang basong tubig para maibsan ang gutom na nararamdaman. Hindi ko na hinalughog pa ang buong kusina para lang hanapin ang pagkain.
Mamaya ay masabihan pa akong patay-gutom. Mabuti na sigurong mamatay sa gutom kaysa naman ay masabihan ng gano’n.
Nanghihina kong binuhat ang maleta para hindi ito gumawa ng ingay kapag gumugulong sa lupa.
Tinahak ko na ang daan palabas. I’m making sure Andres isn’t wandering around. I believe he’s in the chapel, as he said he would be.
Kaya rin ako siguradong nasa loob siya dahil bukas ang back door ng chapel. Marahil ay nagsawa siyang mag-ayos sa kusina’t sala kaya lumipat naman siya sa loob ng simabahan.
My heart is racing… and it only stops when I get far away.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa tila makasaysayang simbahan na ‘yon. Pero hindi nawala ang kaba ko nang mapagtanto ang paligid na mas madilim pa kaysa sa kinabukasan ko.
I’m just walking through a ghost town. No people… not even cars.
“Seriously? This is gonna take forever!” reklamo ko habang nahihirapan sa paglalakad.
Puro ako reklamo sa kawalan habang iika-ikang maglakad. Kumikinang pa ako sa gitna ng kawalan dahil sa suot kong silk dress.