Mabilis akong napabalikwas sa higaan nang magising ako sa silaw ng araw.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pinagpapawisan din ako. Nanaginip na naman kasi ako subalit mas masama kaysa sa huli kong panaginip.
I dreamed about a guy… a priest, to be exact.
He’s weird in my dream. I approached him, asking for a simple prayer. But instead of praying for me, he looked me in the eye and started reciting what sounded like a wedding vow.
I’m sure hindi blessing at lalong hindi preach ang natatandaan ko ayon sa bangungot na ‘yon.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Sobrang sakit nito na para bang sasabog anumang oras.
Hinilot ko ang magkabilang sintido ko. Umaasa na mawawala ang bigat ng ulo ko.
Pero napatigil ako nang mapadapo ang paningin ko sa high heels kong nasa lupa.
And that’s so strange kasi ang hotel room ko ay naka-tiles naman. Unless na tinanggal nila at balak ipa-renovate ulit.
“Ugh, my head hurts so bad,” reklamo kong bulong.
Napangudngod na lang ako ng mukha sa tuhod ko. Napayakap na lang kasi ako sa binti ko habang nakaupo sa kawayang papag.
Agad akong napatayo nang mapagtanto ang kinahihigaan ko ay hindi pala kama na may kutson. Nawala na pati ang puti kong sapin at kumot.
“What the f*ck?” gulat kong sambit nang mapagtanto ang paligid ko.
Maliit na kuwarto lang ito. Walang halos gamit at kung mayroon man ay gawa naman sa kawayan tulad ng kabinet.
Wala kahit bintana ang kuwarto. Tanging pinto lang na nakasarado.
Puro luma sa paningin ko ang lahat maliban lang sa maleta at ilang bag kong nakapatong sa kabilang side ng papag.
Lumapit ako sa mga gamit ko saka minadaling hinanap ang phone ko. Pero nainis ako nang magbukas ito at wala man lang mahagap na signal.
“Where the hell am I?” bulong ko na lang sa sarili. “Nahuli ako ng pulis at kinulong nila?”
Ayon pa lang ang klaro sa isipan ko. Tumakbo ako nang magkaroon ng raid sa bar nila David.
But I think this jail is worse than hell. If hell burns, then this jail rots. Hindi ako mabubuhay dito kahit ilang oras or even 24 hours pa.
Naglakad na lang ako palapit sa pinto habang hinahawi ko ang magulo kong buhok.
Nagbabalak akong hanapan ng signal ang phone ko. I need to know where the hell I am… and how I can get out of here.
Iniisip ko pa rin pala ang nangyari kahit na ikinapipintig pa ‘yon ng sintido ko. I don’t know what really happened… or how I even got here.
Mukhang naalimpungatan ako. Hindi ko pa kasi naisasaisip ang nangyayari. Parang lumalakbay pa ang isip ko pabalik sa utak ko.
“Is this hell?” bulong ko habang natigilan sa tumambad sa akin.
Pagkabukas ko kasi sa pinto ay may madilim na sala at karugtong nito ang isang kusina. Malaki ang espasyo rito kumpara sa loob ng kuwarto na maliit lang.
Tiningnan ko ang isang pinto malapit sa kusina. Mukhang bathroom ‘yon dahil makikita mula rito sa pintuan ng kuwarto ang parang timba sa loob.
Dumapo naman ang paningin ko sa isa pang pinto. Nakapintura ng itim ang pintong ‘yon na wari sa kawayan.
I don’t know what’s behind that door. But I’m sure it’s the room of whoever kidnapped me.
“I’m in the haunted house,” naalala kong sambit. “I thought I was in hell.”
Hinuli at pinauwi nga pala ako nila Esteban ayon sa utos ng magaling kong ama. At ngayon ay nandito ako sa simbahan marahil sa kabaliwan ni Seravien.
Iniwan pala ni Federico at pinaubaya sa lalaking nagngangalang Andres.
“I-Is not a dream?” naitanong ko agad saka mabilis na tinahak ang huling pinto palabas ng bahay na ‘yon.
No way. I’m sure nakatulog ako matapos iwan ni Andres sa loob ng simbahan.
It’s not true that I met a crazy priest who made a wedding vow to me. How could a priest even get married?
Walang paring kinakasal. A priest must remain celibate. They cannot marry and even engage in any s*xual activity.
“I’m going out my mind. Ikakabaliw ko talaga mga panaginip ko,” nasambit ko na lang nang makahinga ako nang maluwag.
Sobrang nakakakilabot ang panaginip kong ‘yon. His look dominated me. I was scared… lalo na nang magbigkas siya ng mga salita tulad ng mga taong kinakasal.
Nang ilibot ko ang paningin sa paligid at masigurong walang tao ay saka ko muling kinalikot ang phone ko.
Pero bahagya akong natigilan nang mapagtanto ang likod na bahagi ng simbahan… actually small chapel.
Luma rin ito tulad ng itsura sa harapan nito. At kung ang pinto na pinasukan ko kahapon ay nasa gitna nakapuwesto, subalit ang pinto rito sa likuran ay nasa gilid at nag-iisa lang din.
I’m sure doon dumaan si Andres nang iwan niya ako mag-isa sa loob. Nakatulog tuloy ako at binangungot.
May maliit na parang eskinita ang gilid ng simbahan. Mukhang pwede rin do’n dumaan palabas ng lugar mula rito sa likuran.
Iba pa ang daan na ‘yon sa harang malapit sa isang kamalig. Ang daan na ‘yon ay patungo sa kagubatan.
But that’s not the way I should escape. Wala akong alam sa lugar nila. Baka malagay lang sa alanganin ang letcheng buhay na ito.
“No signal pa rin?” problemado kong sambit.
Lumakad ako sa daan patungo sa harapan ng simbahan. Pinipilit kong iangat ang phone ko sa ere para lang makahagap ng hangin.
Pero hindi ko alam ang gagawin sakaling makakuha ako ng signal. I don’t know who I should call for help.
I can’t call Dad. He’s the one who put me here.
Paano magagawa ng simbahang tulungan ako sa scandal, huh? Lilibutin nila ang buong internet at pagbuburahin ang lahat… o magtatayo sila ng ritwal para pigilan ang kumalat ng scandal ko?
This is nonsense! My life is already f*cked up. I can’t even do anything to fix this, sila pa kaya?
“Gumana ka na!” umiinit na ulo kong sigaw sabay hampas sa screen ng phone. “Pati ba naman ito ay ayaw makisama.”
Agad akong pumatong sa mga batong pinagpatong-patong ko pa. Inangat ako ng mga bato para maiangat ko pa ang phone sa kawalan habang nakaalalay ang kaliwang palad ko sa bakod.
Nakabakod nga pala ng kahoy ang buong paligid. That’s why I nearly believed it was a haunted house.
“Miss Cecelia?”
Agad akong nahulog mula sa pagkakapatong. Muntik pa akong gumulong patungo sa kabilang bakod.
Walang anumang gusali ang nakatayo sa paligid ng simbahan. Malawak na lupain na agad at mukhang abandonado o ‘di lang naalagaan.
Lahat din ng halaman dito sa simbahan ay walang mga dilig. May ilang bulaklak na nalanta na lang.
“Anong ginagawa n’yo rito?”
Sinamaan ko ng tingin si Andres bago sariling sikap na tumayo mula sa pagkakasalampa sa lupa.
I thought he was just a caretaker. But now I think he’s the one I’m meant to stay with… if I choose to stay here, which I don’t.
“Okay ka lang? Nahulog ka kasi bigla,” dagdag niya.
Mas sumama pa ang timpla ko sa sinabi niya. Hindi man lang niya sisisihin ang sarili kung bakit ako nahulog?
I hate being blamed. But when I point fingers, it’s definitely their fault.
“Oh, yeah… thanks to you,” sarkastika kong saad habang napapagpag ng mga palad kong naputikan.
Mukhang umulan o baka hamog sa madaling araw. Medyo basa kasi ang lupa pero ang mga halaman ay hindi naman.
“Huh? Ah, welcome.”
Tiningnan ko siya nang mapataas ang kilay ko.
I’m sure… he’s hopeless.
Naglakad na lang ako pabalik sa bahay. Kukunin ko muna ang mga gamit ko nang makaalis na.
Hindi ko iiwan ang mga gamit ko. Ayon na nga lang ang tanging kasama ko sa balikong buhay na ito.
“I want to ask…” sambit ko nang mapatigil sa pagpasok sa loob ng bahay. “Is there any store where I can make an international call?”
Napaisip siya. Marahil tulad din ng iniisip ko na wala talagang mga call booths dito, hindi tulad sa California na may ilan.
“Or is there any transportation here that could take me back to Manila?” dagdag ko at pilit na ngumiti.
I need to be kind to him… or he might stop me again from leaving, just like he did last night.
“Pwede po bang mag-Tagalog na lang kayo, Miss Cecelia?” tanong niya imbes na sumagot. “Masyado pang mataas ang araw para mahimatay sa Ingles n’yo.”
Napangiwi ako nang marinig ang sinabi niya. Natatawa pa siya kahit na hindi naman ako nakikipagtawanan.
I’m dead serious. I don’t care if he’s just some happy-go-lucky guy.
Pareho sila ni Federico na nagpapairita sa akin. Ang pinagkaiba lang nila… si Andres ay may buhok at ‘di hamak mas bata kaysa rito.
“Uhm, okay… gusto kong malaman kung may tindahan ba rito na pwede kong puntahan para makatawag ako?” tanong ko ulit. “Kung wala, saan ako pwede pumunta para makabalik ng Maynila?”
I don’t know if Andres cannot really understand English… or if he’s just pretending not to?
Kahit ilang taon pa akong nawala rito sa Pilipinas. I can stil speak my language… though sometimes I forget some of the words.
Kung may nawala man sa akin matapos manirahan sa ibang bansa. Marahil ang kaalaman ko pagdating sa religion context at iba pang mga bagay.
“Hindi rin ako tuwid mag-Tagalog. Bisaya kasi talaga ang unang wika ko.”
Napatitig na lang ako sa kaniya. Kung paano ko siya titigan ay parang wala na itong pag-asang huminga.
I can’t tell if he’s just trying to get on my nerves… or if he’s really dumb.
“Mas maganda kung mag-Cebuano na lang kayo. Maiintindihan ko nang husto at masasagot ko nang detalyado.”
“You're a hopeless guy,” sambit ko na lang.
“Sayon ra diay siya mo-surrender (Madali lang pala siya sumuko).”
Narinig ko ang huling saad niya pero hindi ko naintindihan. Pumasok na lang din ako sa loob ng bahay.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin. Pero hindi ko siya sinungitan do’n dahil mukhang siya ang may-ari ng kuwartong may itim na pinto.
“Miss Cecelia, naisaayos mo na ba ang mga gamit sa kuwarto mo?”
Napahinto ako sa pagpasok sa kuwarto ko nang itanong niya ‘yon.
Hindi kaya nakakaramdam siya na tatakas ako? Maybe it’s much better to escape at night once he’s fallen asleep.
“At bakit mo naman natanong?” tanong ko.
“Baka kasi kailanganin n’yo ng tulong sa pagsasaayos. Nandito naman ako.”
“I don’t need you, Andres. Kaya ko ang sarili ko… so worry about yourself.”
Napatango-tango siya. Hudyat na nakakaunawa talaga siya ng ibang wika, sadyang hinahadlangan niya lang akong makaalis.
“Abandonado na ba ang lugar na ito?” tanong ko agad. “Because I haven't seen anyone since I met you yesterday.”
“Wala ako kahapon rito, Miss Cecelia.”
Napakunot-noo ako lalo na seryoso ang boses niya.
Kung wala siya kahapon, sinong Andres pala ang kausap ko? Kambal niya o baka naiwang kaluluwa niya?
“What do you mean? May kambal ka pa ba na pwedeng magdala ng mga gamit ko sa kuwartong ‘yan?” nagtataka kong tanong.
“Nakaraang araw yata ang sinasabi n’yo…”
Mas nagtaka ako. Hindi ko makuha ang sinasabi niya.
“Lagpas isang araw na ang lumipas nang dumating kayo rito.”
“What? No. Dumating ako rito bago pa gumabi…”
“Buong araw kayong tulog kahapon,” aniya na ikinakurap ko at iniisip ang mga nangyari. “Nahimatay marahil kayo sa tindi ng pagod sa biyahe.”
Sinundan ko ng tingin si Andres na naglakad palapit sa kusina. Binuksan niya ang isang takip sa lamesa na tumatakip sa mga pagkaing nakahanda na at kakainin na lang.
“Kaya pinagluto ko kayo tulad ng bilin sa akin,” dagdag niya. “Hindi ka na ginising dahil hindi ka rin naman magising.”
“I-I fainted yesterday? For what reason?” napapaisip kong tanong. “And you didn’t even take me to the hospital?”
Kung totoo ngang nahimatay ako. Hindi man lang niya ako dinala sa pagamutan? Paano kung hindi talaga ako nagising? Diretso baon na lang sa lupa at gawin akong pampataba sa bulok nilang mga halaman dito?
“Malayo ang pagamutan dito, Miss Cecelia,” tugon niya. “Mayroon sa bayan o ‘di kaya sa sentro pa.”
Napahawi ako sa buhok ko. Hindi ko maisip na pinatulog lang niya ako pagkatapos mahimatay.
Eh, kung siya kaya ang mahimatay at pabayaan kong mabulok sa higaan niya?
The reason doesn’t even make sense. Palagay ko nga, hindi ako mahihimatay kahit subukan ko pa ang threes*me na ‘yan.
That’s how strong my body is… I’m fit and flexible in every way.
“Wala naman ding nabilin sa akin na dalhin kayo sa ospital,” saad ni Andres.
“Sinong magbibilin?” tanong ko agad.
“Mabuti pang kumain na lang kayo,” aniya imbes na tumugon. “Baka bumagsak muli ang katawan n’yo kung hindi pa kayo kakain ngayon.”
Tiningnan ko siya na mabilis na hinanda ang mga kagamitan sa pagkain. Pero imbes na umupo sa may hapag-kainan ay pinili kong pumasok sa kuwarto kung saan ako nagising kanina.
“Miss Cecelia, sandali lang! Kumain muna kayo!”
Kinandado ko ang pinto bago bumalik sa papag at naupo.
Napahinga ako nang malalim at napapikit na lang din. I need to think about my escape.
I’m not safe here. But I know there’s no place that is safe for me.
Pero ang kaibahan sa buhay ko sa California… ay pinili ko 'yon. Ngunit ang maparito… I didn’t ask for this.
I know why I’m here… to do something with my scandal. But I still don’t understand what my purpose is.
Bakit dito pa? Bakit sa malayong simbahan pa ng isla… sa gitna ng tila kawalan ako dinala? Sa gayong sobrang dami namang simbahan sa Manila.