Nakababa na ang mga gamit ko nang gisingin ako ng personal guard ni Dad. Muli kasi akong nakatulog ulit marahil sa anong oras na rin ako natulog kagabi.
Sino ba namang makakatulog kung marahang inaalon ng dagat ang barko? Para lang akong binabáyo.
Wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan nang buksan niya ang pinto sa tabi ko.
Bahagya pa akong nabahala sa paligid. Marami kasing puno lalo na sa kabilang gawi ng kalsada. Mukhang may gubat sa kabilang dako roon.
Wala akong makitang bahay na malapit kundi isang mahabang kalsada lang at mga puno na.
Malamig ang simoy ng hangin ngayong papalubog na ang araw. Marahil may dagat sa hindi kalayuan.
Everything here makes me sick. I won’t lie… hindi ko gusto ang ganito paligid.
Sigurado akong hindi ko magugustuhan ang buhay dito. The vibes feel like a cage, and I hate every second of it.
Sana pala tumakas na ako kahapon pa. Sana hindi ko tinanggap ang tulong na sinasabi ng magaling kong ama.
“Hindi kayo nagkakamali, Miss Cecelia. Dito na kayo maninirahan simula ngayon.”
Halos mawindang ako nang tumambad sa harapan ko ang isang haunted house.
It’s made of old stones, with a bell and a cross on top. Parang gusali lang noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
“Tell me… mali ka lang ng nahintuan?” pangungumbinsi ko habang paulit-ulit na umiling. “I would not live in that haunted house!”
Matatakasan ako ng bait kung dito ako mananalagi. Wala nga kahit mga bahay sa paligid o kung mayroon man ay baka ayon iyong nadaanan pa namin kanina.
At kahit tao ay wala akong makita bukod sa aming dalawa. This isn’t the kind of province where I could relax… it’s a damn ghost town in the middle of nowhere!
“Hindi ‘yan haunted house, Miss Cecelia,” tugon niya na muli kong ikinatingin sa gusali. “Simbahan ‘yan ng Eastern.”
Napakunot-noo ako sa narinig ko. I have no idea what he's talking about. Ganito na ba ako kawalang alam sa ilang bagay?
“It looks like a haunted house to me,” mariin kong sambit.
Kinuha ko ang mga gamit kong ibinaba niya. Nais kong buhatin ang mga ‘yon upang ilagay ulit sa trunk.
I’m not crazy. I’m not agreeing to this crap. This isn’t the kind of worst I was expecting to wait for.
“Miss Cecelia.”
Hinarangan niya ako upang hindi makaatras. Parang handa siyang gawin ang lahat hindi lang ako umatras.
“Ayon kay Mr. Lewis. Makakatulong na maayos ang reputasyon n’yo kung sa simbahan kayo mananalagi.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Kung may buhok lang siya ay baka sinambunutan ko na siya dahil kahapon niya pa ako kinokontrol.
“No one knows better than me what is good for me,” diretso kong saad. “At malay ko ba na baka hindi lang ako maninirahan diyan? Mamaya ay plano n’yo ring gawin akong madre!”
Halos umakyat ang dugo ko nang hindi ko magawang buksan ang pinto. Mukhang sinara nito ang sasakyan gamit ang susing hawak niya ngayon.
“Open this, bastard… or I’ll show you exactly why I’m not meant to be a nun!”
Agresibo kong binubuksan ang pinto sa back seat sakaling kumalas ito at makasakay na ako.
Kung mabibigo kasi akong makasakay ay tiyak na hindi na ako makakaalis sa lugar na ito. Wala ngang taong dumadaan, ibang sasakyan pa kaya?
At hindi ko alam kung parte pa ba ang lugar na ito sa mapa ng Pilipinas… o baka saang parte na ng mundo ako napadpad.
“Federico ang pangalan ko, Miss Cecelia.”
“I don’t care! Just open this damn door, Federico!” utos ko sa kaniya. “Kakausapin ko si Dad about this… ako na ang bahalang kumausap doon kung takot ka!”
Pinanood niya lang akong makipag-tug of war sa hawakan ng pinto. Pero napatigil ako at mas nainis nang ipasok niya ang mga gamit ko sa loob ng gate ng haunted house na ito.
Hindi kasi ito mukhang simbahan. Iba ang istilo nito sa karaniwang simbahan dito sa Pilipinas.
Mukhang kakagaling lang ng lugar sa pagkakaabandona o baka naman abandonado na ito noon pa.
Mga damo nga nila rito ay hindi pa natabasan. It really looked like a cursed house in the middle of nowhere.
“Do I look like some kind of beast, meant to live in a place like this?” mabilis kong tanong kay Federico.
Hindi ko iniapak ang paa ko sa loob ng lugar na ‘yon. Nanatili akong nakatayo rito sa pinakadaanan sa labas.
Napapaligiran ng mga halaman at puno ang simbahan. May mga pinagtagping kahoy ding nagsisilbing gate ang lugar.
The sun is going down. I think in just a few minutes… everything will be swallowed by darkness.
Hindi ko maiwasang matulala sa ganda ng kalangitan. Naging kahel na kasi ang langit.
“Akala ko ay hindi na kayo darating.”
Tiningnan ko mula sa aking kinatatayuan ang lalaking halos kasing tangkad ko lang.
Who the hell is he? He looks about my age.
He’s handsome in a simple blue shirt and black shorts… but there’s nothing’s special.
“Dumating kami ayon sa napag-usapan.”
Agad na tumindig ang pandinig ko. Hindi ko namalayan ang sariling lumapit na sa kanilang nasa tapat ng malaking pinto ng simbahan.
Tiningnan ko si Federico upang ipaliwanag ang sinabi niya.
Anong usapan ang tinutukoy niya? Nag-usap na sila ng lalaking ito bago pa kami dumating dito ngayon?
“Siya na ba ‘yon?” tanong ng lalaki sabay alanganing tumuro sa akin.
“Si Miss Cecelia, ang anak ni Mr. Lewis.”
Hindi ko pinansin ang usapan nila nang buksan ng lalaki ang pinto ng simbahan.
Natuon ang paningin ko sa loob na malayo sa panlabas na itsura ng gusali.
Maaliwalas ang buong paligid dito sa loob habang pilit na pumapasok ang huling liwanag ng araw bago magtakipsilim.
“Ako na ang bahala sa gamit niya. Pwede mo na siyang iwan.”
Hindi ko sila nilingon habang wala sa sariling naglalakad ako sa pasilyo. Dinaig ko pa ang ikakasal sa bagal kong lumakad patungong altar.
It’s my first time inside of the church. Kaya siguro medyo nangingilala ako sa paligid.
I don’t know bakit ganito ang simbahan dito. Nakatakip ang ilang mga gamit at bintana gamit ang puting kumot.
Pero ang bintana sa magkabilang gilid ay walang tapal. Doon pumapasok ang liwanag ng papalubog na araw.
Mahahaba rin ang mga upuan at nasa mga sampu ‘yon magkabilaan.
Kung titingnan mula sa labas ay aakalaing abandonado ang lugar. Ngunit dito sa loob ay tila nire-renovate lang.
“Andres Luciano nga pala.”
Napalingon ako sa likod. Hindi ko namalayan na nakasara na ang pinto sa dulong bahagi.
Tiningnan ko siya na hila-hila ang maleta ko at bitbit na ang ilang mga bag ko.
“Where’s Federico?” nataranta kong tanong.
Pinigilan niya akong humabol sa sasakyang mukhang paalis na.
Sinabi ko ng hindi ako magpapaiwan dito. Wala ring magagawa ang simbahan sa scandal na kinasangkutan ko.
“What the hell is wrong with you?” inis kong sambit sa kaniya na hinarangan ako.
Para kaming naglalaro ng patintero at siya ang taya.
Pero imbes na lumayas siya sa harapan ko ay itinuro niya ang gawing likod ko. Isinenyas niya ang altar doon.
“Bawal magmura sa sagradong lugar.”
Napalunok na lang ako saka pinilit na kinuha ang mga gamit ko sa kaniya na ayaw pa ngang ibigay.
“Ano ba… just give me my stuff! Sa akin ito!”
“At bawal sumigaw sa sagradong lugar,” aniya na hindi isinuko sa akin ang mga gamit ko. “Bawal magalit. Bawal magwala. Sa madaling salita, bawal ang lahat.”
Binitiwan ko sa pagkainis ang mga gamit ko. Muntik pa siyang mawalan ng balanse.
I knew it… a holy place that looks like this, one that forbids everything!
Is this Seravien’s idea? Sinabi niya sa dad ko ang kabaliwan niya kaya ngayon nandito ako?
Siya lang kasi ang bukod tanging relihiyosa sa buong pamilya. Kung makaasta ay aakalaing banal.
“Relax, Miss Cecelia. Ligtas kayo rito.”
“I can’t say I feel safe here. You think you look like a good guy… but I’m sure you’re not,” prangka ko.
Napakamot siya ng ulo. Para bang nahihirapan na agad siyang sabayan ang ugali ko.
“Siguro dadalhin ko muna itong mga gamit mo sa magiging silid mo, Miss Cecelia.”
Hindi ko maiwasang magtaray. Hinayaan ko na lang din siyang gawin ang anumang gusto niya. Mukha niya pa lang ay mahirap ng pilitin lalo na ang utuin.
At tingin ko ay hindi naman siya mukhang utusan ni Dad. Mas mukha pa nga siyang caretaker ng lugar.
“Dito muna kayo. Mabuting maupo muna kayo.”
I was confused by what he said. What does he mean by kayo? It’s just mere here!
Napatikhim ako lalo pa nang nagtakipsilim na pala. Madilim na tuloy ang bawat haligi ng lugar.
“I need that bag. My phone’s in there… and everything else. Honestly, I don’t want to trust that to you.”
Iniabot niya ang bag kong ‘yon. Akala ko ay hindi pa siya papayag kasi ang kapal naman ng mukha niya kung hindi.
“Babalik din ako, Miss Cecelia,” wika niya habang akay-akay ang mga gamit ko. “Hintayin n’yo lang din… mayamaya ay parating na ‘yon.”
Napakunot ang noo ko habang sinundan siya ng tingin na pumasok sa pintong nasa bandang gilid ng altar.
Pero bago siya mawala sa paningin ko ay pinagbubukas niya muna ang ilaw ng chandelier at ilang puting ilaw sa bawat pader ng gusali sa gilid.
“Sino naman ang darating?” nagtataka kong bulong.
Nilibot ko muli ang paningin habang nakatayo sa harapan ng altar. Hindi ako gumalaw dahil pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin… o sadyang nababaliw lang ako sa nangyayari.
Tiningnan ko ang mataas na heels kong suot. Maayos naman ang sarili ko at dala ko naman ang hiningi kong bag.
Pero hahayaan ko na lang ba iwan ang mga gamit ko rito… sakaling tumakas din ako ngayon?
Inihakbang ko ang mga paa ko para ituloy ang kanina ko pa binabalak. I need to escape tonight.
Subalit napatigil ako nang bumukas bigla ang pinakapinto ng simbahan. Napatingin ako sa dulong bahaging ‘yon mula rito sa kinatatayuan ko sa may altar.
I can’t see his face, but I’m sure it’s not Andres.
Hindi ko maaninag nang maayos ang lalaking mas matangkad pa kaysa sa akin. Ako na naka-high heels na ng apat na pulgada.
Umatras ako nang mas bumilis ang paglalakad niya patungo sa akin. He looks sweaty… I can even hear his heavy breathing!
Is he staring at me? Is he coming this way? What should I do?
Lumihis ako ng tingin nang halos lamunin ako ng presensya niya. I don’t know why I'm acting strange tonight.
He’s attractive… definitely. I won’t lie about that.
His presence feels dark… or maybe it’s just the black cassock.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan siyang makalapit. Sakto pa siyang tumayo sa harapan ko at tanging isang metro lang ang layo niya.
“Daughter of Mr. Lewis?”
Hindi ako nakakibo. Aminado akong nagulat sa malalim at nakakahumaling niyang boses.
It sounds like music to me… his accent is better than mine.
“Cecelia Amora?”
Hindi ko alam kung tatango ba ako or what. But I felt something special when he mentioned my name.
Kung ibang tao ang nakaalam ng pangalan ko ay pinagtaka ko na. Pero sa kaniya ay hindi ko man lang pinagdudahan.
May kung anong tuwa sa dibdib ko na binanggit niya ang pangalan ko. Hindi ko mapigilang ngumiti at pakiramdam ko namumula na pati pisngi ko.
“I-I do… I mean, yes!” kinakabahan kong tugon. “Are you the priest of this chapel?”
Napansin ko kasi ang hawak niyang libro. I think it’s the Holy Bible.
“I’ll be really quick, Cecelia.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Masyado pa naman akong dirty-minded.
“By the grace of the Holy Spirit and the blessing of the Church. In the name of the Father and the Son…”
Hindi ko alam kung matataranta ako o matatakot.
Bigla na lang kasi niyang binuksan ang libro at hindi tumitinging bumibigkas ng mga salitang karaniwan ko lang naririnig tuwing may kasal.
I don’t know what’s happening… what’s real anymore. Is this a f*cking nightmare?
Hindi ako makagalaw. I can’t even move my fingers.
Diretso rin siyang nakatingin sa mga mata ko habang nagsasalita.
“I take you… not in holiness, but also in hunger, in ruin, in sickness and in health.”
“What the hell are you saying, Father?” natatakot kong tanong habang nakatitig sa mga mata niyang pinagbabawalan akong gumalaw.
“I bind myself to you… not as an ordained priest, but as your man.”
Napakurap ako. Pakiramdam ko binabangungot ako ngayon.
Hindi ko na maintindihan ang mga sumunod pa niyang sinabi. Nahihilo na rin ako, pero alam kong wedding vow niya ‘yon.
But… to whom? Me? Is he really saying his vow to me?
Agad akong napahawak sa dibdib niya nang balakin niya akong halikan sa labi. Marahil ayon ang paraan niya para maging ganap ang kasal at hindi tulad ng karaniwang na magpapalitan ng singsing sa isa’t isa.
Napansin ko ang mabilis na t***k ng dibdib niya o baka naman pintig ‘yon ng pulsuhan ko.
“Who are you?” halos pabulong kong tanong habang unti-unting lumalabo ang paningin ko.
Hindi ko na makita ang kabuuan ng mukha niya. Dumidilim na kasi ang paningin ko marahil sa pagkabigla.
Naramdaman ko na lang ang ngiti niya sa pamamagitan ng paghalik niya sa likod ng palad ko.
“I am yours, Cecelia.”