Kabanata 6 - Simbahan

2457 Words
Hindi na ako nakapag-ayos ng sarili. Inabisuhan kasi ako ni Dad na sumakay agad sa sasakyan matapos kong hindian ang tulong niya. Sinundan niya pa nga ako pababa para lang masiguro na makakasakay ako at hindi muling tatakas. Hindi ko alam kung tulong ba ito o isa na namang kabaliwan ng ama ko. Sinabi ko naman na sa kaniya na kaya ko ang sarili ko. I know I can get out of this scandal. Hindi ko kailangang magtago sa isang isla o probinsya para lang mabaon sa limot ang eskandalo. Pero naunawaan ko naman na damay pala pati pangalan nila Dad sa nangyari sa akin. Kaya sinabi niyang nakatanggap ng ilang pambabatikos ang kompanya niya. But I never told anyone I’m his daughter. So how do they know? How does the internet know? Ayon kasi ang sabi ni Dad kanina na may ilan na silang natanggap tungkol sa nangyaring scandal sa akin. At kung hahayaan ay baka maapektuhan ang income at investment niya. I cannot say that he’s just blaming me. Totoo naman na hindi malabong malaki ang pinsalang nadulot ng scandal na ‘yon. Hindi ko na tinangkang buksan ang phone ko simula kaninang umaga. Gusto ko muna ng ilang araw na pahinga para makakuha man lang ng katiting na lakas ng loob. “I’ll make sure that everything is provided there, young lady,” saad ni Dad na nakasilip sa bintanang nasa gawing kanan ko. “I want you to behave, okay? Para sa’yo rin ito at kahit papaano ay makakapagbakasyon ka rin.” Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Medyo wala pa rin ako sa hulog dahil kung nasa buong katinuan lang ako ay hindi talaga ako papayag. But can’t lie… he’s got a point. Saan naman kasi ako pupunta kung hindi ko tatanggapin ang sinasabi niyang tulong? I can’t even go back to California. Wala akong maisip na pwedeng mapuntahan sa ngayon. “Sisiguraduhin ko pong makakarating siya roon,” dinig kong saad ng personal guard niya. “I don’t want any trouble,” dagdag na abiso ni Dad dito. “Yes, Mr. Lewis.” Tiningnan ko sila na maikling nag-usap. Pero kung pagbabasihan sa mga tingin nila ay mukhang marami na silang napag-usapan. “Don’t wory. He’ll tell you everything while you’re still on the way, young lady.” Tahimik kong sinuot ang black shade bago pinindot ang closing button ng window. Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero masyado na akong na-overwhelm para pakinggan pa ang mga ‘yon. Hindi pa nga tapos ang tanghalian ay busog na agad ang utak ko sa daming ganap. “What are you waiting for?” seryoso kong tanong sa personal guard na maghahatid sa akin. “I said, let’s go.” “Yes, Miss Cecelia.” Isinandal ko ang sarili sa upuan habang inaaninag si Dad sa side mirror. Nakatayo pa rin siya roon habang sinusundan ng tingin ang sasakyan naming papalayo. Nanahimik ako sa mahabang biyahe. Hinayaan ko ang sariling subaybayan ang mga nadadaanan namin dito sa sentro. I would say… nothing’s changed in this country at all. Kung hindi laganap ang kahirapan ay kasamaan naman. Napadapo ang tingin ko sa bag na nasa tabi ko lang. At kahit nakailang paalala ako na ayoko munang buksan ang phone ko ay namataan ko na lang ang sariling binubuksan ito. I have many notifications from different applications and websites. Hindi ko masyadong tiningnan ang lahat ng ‘yon na may mga kasamang video link. I know what it is. Hindi ako baliw para pindutin pa ‘yon at panoorin. Inihagis ko ang bag sa tabi ko nang maipasok ko ang phone ro’n. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman… kung matatakot ba ako o magagalit. Nagising na lang ako matapos kong makatulog mula sa malalim na pag-iisip. Isang malakas na ugong ang nagpagising sa diwa ko. Tiyak ako na mula ‘yon sa malaking barkong nakahimpil dito sa may pantalan. “Oh, God… where the hell am I?” napapahikab kong sambit habang sinisipat ang buong paligid mula rito sa loob ng sasakyan. My neck hurts so bad. Marahil sa matagal na biyahe mula sa bahay patungo sa kung saan mang lugar ito. Pero ang mahalaga ay nakarating na kami sa wakas. Sa gayon ay makakapagpahinga na rin ako mula sa nakakapagod na araw na ito. “Nasa Batangas na tayo, Miss Cecelia.” Mabilis akong sumilip sa bintana nang maibaba ko ang bintana. At gano’n na lang ang silaw ko sa sobrang aliwalas ng buong paligid. Naglalakihan ang mga shipping container na inaaangkas nila sa mga barkong nakadaong sa tubig. At may mga tao ring naglalakad pasakay naman sa isang pampasaherong barko. It’s my first time seeing a boat, so I can’t believe how huge it is in person. Kahit na mayaman kasi ang pamilya ko ay hindi naman ako. Bilang nga lang sa daliri na nakasakay ako sa eroplano. Lagi lang akong naiiwan sa bahay tuwing may family trip sila Dad noong bata ako. Hindi ko pa nga ma-experience ang ilan noon tulad ng pagba-bar or club kung hindi dahil kay Viola. Hindi ko nga pala naitanong ang tungkol sa pinsan kong ‘yon. Hindi dahil sa nakalimutan ko na siya, sadyang ayoko muna malaman nila Viola o kahit sino man na nandito na ako ulit sa Pilipinas. My life right now isn’t something to flex about. I just want everything in my past to stay in the past. “What are we doing here?” tanong ko. “Don’t tell me I’m getting on that boat? Akala ko ito na ‘yon… ang pupuntahan natin?” Hindi siya agad sumagot. Bagkus ay bumaba siya ng sasakyan para maibaba ang mga gamit ko mula sa trunk. Kinausap niya rin ang lalaking nagagalak na lumapit sa kaniya. Mukhang trabahador ito rito sa pantalan dahil sa suotan nito. “Wait, saan niya dadalhin ang mga gamit ko?” mabilis kong apila. “I don’t like anyone touching my things!” Kinuha kasi ng lalaking lumapit kanina ang mga gamit ko saka niya dinala ‘yon patungo sa kung saan. Hindi ko alam. Wala akong ideya sa nangyayari o ginagawa nila. “Miss Cecelia, isasakay niya lang sa barko ang mga ‘yon,” tugon niya saka inaya akong sumunod sa kanila. Napahinga akong malalim. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng bwesit na ito dahil una, alam kong wala kaming probinsya. I don’t even know where the hell that province is that I’m supposed to go to. Sapagkat sa Manila lumaki si Dad at unknown naman ang kamag-anak ng mom ko. Pero hindi kaya sa probinsya kung nasaan pinauwi si Viola noon ako pupunta ngayon? Kasi kung gayon… it’s like the best kind of worst, but at least it’s not the absolute worst. Maitatago ko naman kanila Viola ang masaklap na sinapit ko sa California. I can pretend… I can play along. “Wait, am I really riding a private boat?” naitanong ko sa kanilang dalawa. Nakarating kami rito sa bandang gilid ng pantalan. Malayo na sa mga naglalakihang barkong nakadaong sa kabila. Akala ko nga ay sasakay ako kasabay ng mga container or ‘di kaya ng mga local passenger kanina. Pero mukhang private trip ang mangyayari sa akin. Ano bang nangyari ngayong umaga? Sa ibang direksyon ba sumikat ang araw? Because my dad would never do this… to spend a lot of money on me. “Opo, Miss Cecelia. Ayon ang bilin ng inyong ama para kahit papaano ay ma-relax kayo,” tugon ng lalaking humatak ng mga gamit ko kanina. “How did you know my name?” direkta kong tanong na ikinatigil niya. “Sinabi ko sa kaniya dahil siya ang makakasama natin sa mahabang biyahe, Miss Cecelia.” Hindi ako napanatag sa paliwanag ng personal guard ni Dad. Hindi rin ako bobo para hindi isipin na utusan din ni Dad ang lalaking makakasama namin at hindi lang basta ordinary worker dito sa pantalan. And I don’t think I'll feel relaxed on this trip. Para akong pugante na tumatakas at magtatago sa isang probinsya o isla. Kasalukuyan akong nakahiga sa mahabang upuan dito sa boat deck. Pinapanood ko ang paglayo namin mula sa daungan ng Batangas. Puti ang interior design ng private boat. Hindi ito simpleng bangka para sa pangingisda. It looks like it belonged to someone rich. I know this can’t be from my dad. He’s been struggling with the family busines… unless he’s not anymore. “Tell me about La Isla de Amore. I want to know everything,” utos ko sa personal guard ni Dad. “Anong lugar ‘yon? Ano namang mga gagawin ko roon?” I can’t stop myself from overthinking. Para bang nakaayon ang lahat sa mangyayari ngayong araw pati na ang magandang panahong umaayon din ngayong hapon. Sobrang dami kong tanong. Hindi sapat ang buong araw para masagot ang mga ‘yon. “Why aren’t you saying anything? Si Dad na mismo ang nagsabi kanina… sasabihin mo sa akin ang lahat.” Tumango siya habang nakatayo sa gilid ng deck at nakahawak sa bakal ng railing. Nandiyan na siya kanina pa simulang magpahangin ako rito. I’m sure sinabihan siya ni Dad kung gaano ako ka-unpredictable. Kaya hindi ko siya masisisi kung iisipin nilang kaya kong tumalon sa tubig para lang tumakas. Kahit pa hindi ako marunong lumangoy... If I want to do something, I’ll do it. “Hindi ko alam masyado ang isla na ‘yon, Miss Cecelia,” panimula niya. “Pero malayo ‘yon mula sa pinanggalingan n’yo. Aabutin pa tayo ng bukas bago tayo makarating doon.” Mabilis akong napabangon sa narinig ko. “Where the hell is that place? Is that even farther than f*cking hell?” galit kong tanong. “Uhm, may kahabaan ang biyahe kapag bangka ang gamit. Kaya mas mabuting magpahinga muna kayo sa cabin, Miss Cecelia.” Napahawi ako ng buhok sa sobrang inis. Pero kinumbinsi ko pa rin ang sariling huwag madaling mainis. “I’m resting here, okay? Mukha ba akong sumasayaw dito?” prangka ko na lang. Sinenyasan ko siyang lumayas dito sa deck. Ayokong binabantayan ako dahil hindi naman ako hayop at hindi ako tatakas. Pero hindi umalis ang personal guard na ‘yon. Nanatili pa rin siya kung saan siya nakatayo habang pinagmamasdan ang asul na paligid. At kaysa makipag-away dito ay inutusan ko siyang sabihin na ang lahat tungkol sa islang ‘yon. Sa gayon ay alam ko ang gagawin ko… makakapagplano ako sa madaling panahon. “Hindi kasama sa sinabi sa akin ni Mr. Lewis ang tungkol sa pagtitirhan n’yo sa isla. Ang sinabi niya lang sa akin na sasabihin sa inyo ay ang mga rason kung bakit kailangan ninyong sumunod at masiguro kong hindi kayo tatakas o ano, Miss Cecelia.” Napaikot ang paningin ko sa pagpapalusot niya. Ang sabihin niya ay takot siyang mawalan ng trabaho. “Okay, fine… just tell me about the reasons, then,” nabuburyong utos ko. “Hindi pa ba nasabi sa inyo ni Mr. Lewis ang rason, Miss Cecelia?” Napahinga ako nang malalim dahil bukod sa ang pangit niya kausap ay alam kong hindi ito ang nais kong mangyari. I didn’t even think I’d be here again. Ang bumalik dito sa Pilipinas na hindi kayang tuparin ang pangarap ko bilang modelo. But here I am… stuck between two terrible options, trying to choose the one that’s slightly less awful. “Nakausap na ni Mr. Lewis ang mangangalaga sa kaligtasan n’yo at aayos ng reputasyon n’yo habang nandoon kayo.” “How long would I stay there?” naitanong ko. Hindi siya agad sumagot. Para bang bawat itutugon niya ay iniisip niya muna. Gano’n siya kaingat na kausap ako. “Wala akong ideya, Miss Cecelia,” pagsisinungaling niya. Muli akong humiga sa mahabang upuan. Ibinaba ko na lang din ang black shade na nakapatong sa ulo ko. Tumahimik na ako kaysa naman ma-badtrip pa nang todo. Kinumbinsi ko na lang ang sarili na maayos din ang lahat. It’s not a bad idea to stay on wherever that island is… rather than go back to California today. Baka ano pang mangyari sa akin kapag nagkabuno kami nila David. And maybe a week is enough time to stay on that island. After that… I don’t know. I’ll figure out later what to do with this messy life of mine! Dinalhan ako ng dinner food dito sa cabin nang sumapit ang gabi. Wala ring anumang espesyal sa buong araw na ito. Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako dahil sa nangyayari ngayon. Hatinggabi na rin pero hindi pa rin ako makatulog. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang nakatunghay sa bintana rito sa cabin. I watch the endless sea, and the stars… barely shining, but surviving… just like me. But the big difference between me and the stars… is that they have companions in life, while I don’t. Sinubukan ko na lang bilangin ang mga bituin sa langit. Mabilis talaga akong mainip at kung ano-ano na lang ang pinaggagagawa ko hanggang sa makatulog. “Ayos lang ba kayo, Miss Cecelia?” Hindi ko pinansin ang personal guard ni Dad na kasalukuyang minamaneho ang sasakyang maghahatid sa akin sa mismong pananalagian ko. Hindi ko masyadong maisautak ang itsura ng paligid nang makarating kami sa isla. Basta dumaong kami muli sa isa pang pantalan at may puting sasakyan ang naghihintay sa pagbaba ko sa private boat. May isa pang lalaki ang sumalubong sa amin. Ayon ang nagbigay ng susi sa personal guard ni Dad kaya nagawa niyang mamaneho itong sinasakyan namin ngayon. “Miss Cecelia, may problema ba?” tanong niya ulit. “Yes, it’s you… when you keep asking,” prangka ko. Nanahimik akong nakaupo sa back seat habang iniinda ang masakit kong ulo. Nanahimik na rin ang personal guard ni Dad nang mapagtantong wala ako sa hulog. Marahil naalimpungatan ako kanina matapos kong managinip nang masama. Pero hindi ko na maalala nang husto ang panaginip ko at kung kaya ko mang maalala. I don’t have anyone to talk to about it. I never told anyone about every bad experience I’ve encountered… not because it’s really a secret kundi wala lang akong mapagsasabihan. Magkakahilerang matatayog na puno ang nadaanan namin ngayong hapon. Mahaba ang daan at probinsya talaga ang dating ng buong paligid. Ang mga bahay na napansin ko kanina ay hindi tulad sa mga bahay sa Manila or California. Gawa lang sa mumurahing materyales ang mga tirahan nila na para bang mga kubo. May ilang mga tao rin akong nakitang naglalakad kanina sa parang city nila. Lahat sila ay simple lang manamit at hindi katulad ko na bulgaran. Napababa ang tingin ko sa suot ko. I’m wearing a white off-shoulder top and denim shorts. “Nandito na tayo, Miss Cecelia…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD