Dahan-dahang bumukas ang mga mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang hindi sa kama ako bumangon kundi sa kabaong.
Hindi ko alam kung namamaga ba ang talukap ng mata ko o pakiramdam ko lang. Pati utak ko ay hindi gumagana na para bang natuyo ng ilang araw.
Ang sakit ng batok ko. Hudyat na matagal na akong nakatulog. Hindi ko lang alam kung gaano katagal basta ang batid ko lang ay umaga na ngayon.
Ilang minuto akong nakasalampa sa ibabaw ng kama. Nililibot ang paningin ko sa pamilyar na kuwarto.
Subalit hindi ko mawari sa sarili ang nangyayari. Nakalutang lang ang isip ko habang nagmamasid.
Tiningnan ko ang sinag ng araw mula sa malaking bintana at hinaharangan ‘yon ng makakapal na puting kurtina.
Dumapo naman ang paningin ko sa maleta at bag na nakapatong sa upuan.
“Nightmare,” bulong kong bigkas.
Ganitong-ganito ko iniwan ang silid na ito. Pero ganito pa rin ang ayos ngayong nakabalik na ako.
Ilan sa gamit ko ay nakalagay pa rin sa puwesto kung saan ko ito mga iniwan… ayon sa natatandaan ko.
Napatingin ako sa babaeng nagbukas ng pinto at sumilip sa maliit na awang. Pero agad itong nataranta saka dali-daling isinara ang pinto bago marahil umalis.
“Keep watching me, b***h,” bulong ko muli.
Nanghihina kong inalis ang kulay rosas na kumot na nakabalot sa akin. Hindi dapat ako nagsasayang ng oras, kailangan ko na muling makatakas.
Subalit bago pa ako makabangon mula sa higaan ay pabagsak na bumukas ang pinto. Kulang na lang ay baklasin niya ‘yon.
She never changed. Ganiyan pa rin siya umasta.
“Gising ka na? Mabuti nagising ka pa.”
Sinamaan kong tiningnan si Seravien at inikutan siya ng mga mata.
Sumilay ang maliit na ngisi sa labi ko nang mapansin ang babaeng kasama niya.
Her sidekick maid. Siya ‘yong sumilip sa pinto kanina.
“Hindi ko maunawaan si Lewis kung bakit pinahanap niya pa ang tulad mo.”
Pinili kong hindi magsalita. Hindi dahil sa alam kong ayaw niyang sumasagot ako kundi mas inaalala ko na baka mabinat ako.
Wala ako sa hulog. Ayoko munang mabugbog.
“Isa kang malaking kahihiyan, Cecelia,” mariing aniya. “Heaven… is that your pròstitute name?”
Hinawi ko ang mahaba at brown kong buhok patungo sa gawing kaliwa.
“Pinauwi ka pa talaga rito. Paano na lang kung may dala kang sakit?” dismayado niyang sambit. “Kahit kailan talaga ay hindi nag-iisip ang lalaking ‘yon!”
This is what I hate about being here. This place drains me in ways I can’t explain. Kada galaw ko sa bahay na ito ay may masasabi ang babaeng ito.
Lahat din ng nagtatrabaho rito ay kaaway ko. Tanging si Seravien lang ang sinusunod nila dahil siya nga naman ang nagpapasahod sa kanila.
“Panoorin mo ang sarili mong kababuyan!”
Hindi ko dinampot ang phone niyang tinapon sa tabi ko. Pero pasimple kong tiningnan ang screen nito.
Natahimik ang isipan kong kanina pa siya tinutuligsa. Natuliro ako sa nasasaksihan ko.
Paano nagkaroon ng kopya ang phone niya sa scandal na ‘yon? Hindi kaya kumalat na ‘yon sa ibang bahagi ng internet at nakaabot dito sa Pilipinas?
Anong araw na ba? Gaano na ba katagal ang lumipas simula noong araw na nasa California pa ako?
“Hindi ba ikaw ‘yan, Cecelia?” paninigurado niya pang tanong. “Siya ‘yan, hindi ba?”
“Opo, Madame Sera,” tugon ng kasambahay saka pinulot ang phone.
Higit isang metro ang layo nila sa akin. At kung paano damputin ng kasambahay ang phone sa tabi ko… na para bang may nakakahawa akong sakit.
Wala akong magawa sapagkat gano’n naman ang isipan ng mga tao sa lugar na ito.
Madali silang mandiri sa ibang tao, pero sa sarili nila ay hindi. Hindi man lang sila natatakot sa ugali nilang mahilig mangialam at pumuna.
“Papunta na ang kaluluwa mo sa impyerno!” sermon ni Seravien. “Matutupok pati ‘yang pagiging mahilig mo sa katawang-laman!”
“You don’t know anything,” mahina kong bulong na hindi niya narinig.
“Sinabi ko na. Tama nga ako. Ang bunga ay ‘di lalayo sa puno nito.”
Gusto kong matawa sa narinig ko dahil ganiyan na ganiyan siya noon. Isa ‘yan sa paborito niyang sabihin sa akin.
Patay na nga ang mother ko pero hindi pa rin siya tumitigil na mas patayin ito.
“Kuhang-kuha mo ang magaling mong ina! Pareho kayong umaasa sa katas ng iba!”
Ikinuyom ko ang mga palad ko. Para bang ibinalik ako sa nakaraan nang bumalik ako ngayon dito.
Pero hindi na ako tulad noon na iiyak tuwing gabi dahil lang sa matalim niyang dila.
“I’m sure you’re mother is very proud of you! Sumunod ka ba naman sa yapak niya, Cecelia!”
Napakagat-labi ako nang alam ko na sa sarili ko na paubos na ang pasensyang binigay ko sa kaniya.
Kanina niya pa ako pinapagalitan na para bang nagpakananay siya sa akin. Binubulyawan niya ako na akala mo’y naambagan niya ang buhay ko.
“The more you speak, the less mercy you’ll get from me,” mariing paalala ko sa kaniya.
Nagkatinginan sila ng utusan niya sa isa’t isa bago siya umiiling na para bang puno ng kadismayahan.
But I don’t need her. I’m not here to impress her.
“Kuhaan mo ako ng Bibliya sa kuwarto ko… bilis!” utos niya na sinunod agad ng utusan.
Alam ko na agad ang binabalak niyang gawin. Ang basahan ako ng Bibliya sa tuwing nasasagad ko ang pasensya niya.
Natawa na lang akong napailing at muling humiga sa kama.
She was a hypocrite and ignorant. No wonder why Dad became one too.
Puro sila puna at ayaw man lang humarap sa salamin nang magkaalaman kung kaninong kaluluwa ba ang mas itim sa amin!
Hinayaan kong pandirihan ako ni Seravien habang komportable akong nakahiga.
Nakasandal pa nga ang ulo ko sa unan at pinaglalaruan ng mga daliri ko ang ilang hibla ng dulong buhok ko.
“Bilisan mo! Napakatagal mo!”
“Pasensya na po. Ito na po, Madame Sera.”
Pinanood ko silang mataranta at maging tanga sa harap ko. Nahirapan pa nga silang hanapin ang pahina na babasahin para sa akin.
Pero habang naaaliw akong pinapanood sila ay hindi ko pa rin maiwasang magtaas ng kilay. Sapagkat wala talagang pagkakaiba si Seravien noon… malala pa rin siya hanggang ngayon.
“Woe to you. You are like whitewashed tombs… beautiful on the outside, but inside are full of dead men’s bones and all uncleanness!’”
Hindi ako nagpatinag. Pinanatili ko lang sariling nakahiga habang iniikot ang hibla ng buhok ko.
“‘Wash yourselves, make yourselves clean… cease to do evil!’” malalakas niyang bigkas.
Bawat salitang binibigkas niya ay binibigyan niya ng diin. Tinuturo niya pa nga ako na para bang nais niyang patatakin ang mga ‘yon sa utak ko.
Hindi ko na matandaan kung ilang talata mula sa makapal na librong ‘yon ang binasa niya para sa akin. Tipong nawala na ang sikat ng araw mula sa bintana… gano’n katagal niya akong binasahan.
“Nakita mo ‘yan… wala siyang anumang naintindihan,” hindi makapaniwalang saad ni Seravien sa kaniyang utusan.
Natatawa akong napangisi habang problemado siya. Akala mo naman ikakamatay niya ang masalimoot kong kalagayan, sa gayong siya pa nga ang una sa listahang hinahangad na mapariwara ako.
I remember how she used to wish I would turn out like my mother, and she even wants me to change my surname someday.
“Bilisan mong buksan ang mga gamit niya…”
“Do not ever touch what is mine!” mabilis kong sambit saka dali-daling tumayo.
Hinayaan ko na nga silang agrabyaduhin ako, tapos papakialaman pa niya ang mga gamit ko?
I let them waste my time… and now they try to invade my privacy too?
“Bakit, Cecelia? Bakit aligaga ka?” hamon ni Seravien nang harangan ako. “Did you steal something from us, huh?”
Hinawi ko ang bisig niyang nakaharang sa akin. Pero hinila niya ang braso ko palayo sa mga gamit kong nasa upuan.
“I didn’t steal anything!” sigaw ko, sabay tingin sa utusan niyang walang-awang hinalughog ang mga gamit ko. “Stop f*cking touching my things!”
Mas hinila ako ni Seravien palayo habang tinapon lang na parang basura ang laman ng bag pati maleta ko.
And at that point… I was really mad.
Tinulak ko si Seravien nang marahas kaya napaupo siya sa lapag. At dali-dali ko namang hinablot ang braso ng utusan saka hinawi siya.
Pareho silang hindi makapaniwala sa tinuran ko. Pero kanina ko pa sila binabantaan subalit binabalewala lang nila.
Mabilis kong pinagsasalpak ang mga gamit ko pabalik sa bag at maleta.
Imbes na makaalis ako agad ngayong umaga ay kakailanganin ko pang ayusin ang mga gamit ko. Hindi kasi ito kakasya kung isasalpak lang lalo na ang iilang dala kong damit.
“Son of a b*tch…”
Nabigla ako nang marinig ang malutong na mura ni Seravien kasunod nang panghahablot niya ng buhok ko.
Sobrang sakit ng pagsabunot niya na para bang natanggal niya ang anit ko. At pakiramdam ko rin tuloy ay malalagasan na ako nito ng buhok.
“I’m still giving you respect only because of my stepbrothers! Even when you disrespected my mother… I stayed silent!” galit kong sigaw.
May dalawang anak na lalaki si Dad kay Seravien. Pero minsan ko lang makasalamuha sila noong nandito pa ako.
Ayaw na ayaw ni Seravien ang alagaan ko ang mga kapatid ko. Kaya hindi ko alam ngayon kung mababait pa rin sila tulad noon o tuluyang nalason na rin ng mom nila ang kanilang mga utak.
Parehong nanlilisik ang mga tingin namin sa isa’t isa. Puno ng galit ang bawat damdamin namin.
This isn’t what a home is supposed to be. That’s why I couldn’t stay here.
Napahawak ako sa labi ko nang sampalin niya ako. Hindi ko na naman mapigilang maluha sa sakit no’n.
“Para sabihin ko sa’yo… they’re not your stepbrothers! Walang kapatid na sutil ang mga anak ko!” sigaw niya rin sa galit.
“Naku, Madame Sera, baka tumaas po ang dugo n’yo.”
Nakakalokong napangisi ako dahil kaysa lang siya pinigilan ng utusan niya kung kailan nabugbog na ako.
Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko. I’m so strong… but my tears are sometimes shallow.
“Hindi ako makakapayag na rito ka ulit maninirahan kasama naman! No way!” nangangalaiting sigaw ni Seravien.
“You f*cking, b***h!” sigaw ko sabay hablot din ng buhok niya.
Hindi niya kasi binitiwan ang buhok ko kahit binilangan ko na siya. Binalak niya pa akong sampalin ulit.
At saka lang umawat nang husto ang utusan kung kailan babawi na ako. Kanina kasi ay hinayaan lang niya si Seravien na walang takot akong sinugod.
Huwag lang nila hintaying mabanas ako kundi may kalalagyan sila pareho.
Paulit-ulit akong kinukumbinsi ng utusan niyang tumigil dahil kesyo matanda ito sa akin.
“Okay, fine!” pagsuko ko saka unang bumitaw.
Hindi lang buhok namin ang sumabog pati na ang tila tinanim naming galit.
“Dapat lang talaga na ihiwalay ang mga itim na tupa sa puti…”
Hindi niya natapos ang pagpuna nang pare-pareho kaming napatingin sa pintuang biglang bumukas.
“What the hell? Seravien, what is happening here?”
Tumambad ang presensya ni Dad na nagtataka sa nangyayari lalo na nang makita niya ang mga gamit na nagkalat.
Limang taon lang ang lumipas pero hindi ko na halos makilala ang itsura niya. Kung titingnan sa mukha niya ay parang kargado na niya ang buong mundo.
Kung hindi pa siya nagsalita ay baka hindi ko malalaman na siya ang magaling kong ama.
“This is not what I told you to do, Sera,” mariin niyang sambit nang makalapit sa asawa.
Kasal sina Dad at Seravien kaya legal wife niya ang babaita. Nagmumukha tuloy ako pa ang sampid dito at ang ina ko pa ang kabit.
Hindi naman kasi kinasal ang mga magulang ko. Nabuo lang ako dahil sa kapusukan nila noong kabataan.
“What do you want me to do, huh? Kausapin mo ‘yang tarantado mong anak!” wika ni Seravien sabay turo sa akin.
Napaikot ang mga mata ko habang inaayos ko ang magulo kong buhok.
“I would like you to leave us for now,” suhestiyon ni Dad sa utusan na nagmadali namang lumabas ng silid.
Hindi nawala ang matalas kong tingin kay Dad habang sinundan niya ng tingin ang utusan at sinigurong nakaalis na ito pati naisara ang pinto.
Napahinga ako nang malalim at umiwas ng tingin nang tingnan naman nila ako pareho.
This is my father’s fault. Pinapulot niya ba naman ako kanila Esteban! Para ano? Para gumawa ng giyera sa loka-loka niyang asawa?
I have so many questions. Hindi pa kasama ang galit ko kung bakit niya ako pinahanap at sapilitang pinauwi rito.
Wala naman kasi akong silbi sa buhay ni Dad. Hindi ba’t binibigyang-atensyon niya lang ang sino mang magiging kapakipakinabang para sa kaniya?
“I’m sorry, young lady…”
Napaiwas ako muli ng tingin nang manghingi siya ng paumanhin. Pero hindi ako natinag dahil sa nakaramdam ako ng guilty or what… kundi sa gano’ng paraan niya pa rin ako tinatawag.
I don’t know why he never calls me through my name. Maybe, he just never wanted to.
“Can your apology put me back right now in California?” tanong ko na ikinatahimik niya.
Para sabihin ko lang… I fed and clothed myself for five years. Wala akong nakuhang suporta ni singkong-butas! So what the hell am I even doing here?!
“I’m so sorry… but I have my reasons, young lady.”
Natawa ako at napahawi sa buhok ko.
“Yes, you do… but that reason is only for you,” sagad sa inis kong tugon.
“Huwag mong kausapin nang pabalang ang asawa ko…”
“Seravien…” pigil ni Dad. “Just shut up. You’re not helping.”
“Sinasabi ko sa ‘yo, Lewis… hindi ako papayag na babalik ‘yan dito,” galit na saad ni Seravien na sa akin nakatingin. “You know what kind of woman she is. Hindi lang sakit sa katawan ang maihahawa niya kundi pati ‘yang ugali niya.”
“As if I have a plan to stay here,” bulong ko sa sarili.
Akala nila sila lang ang natatakot sa akin? I’m even scared I’ll end up as crazy as they are!
Lumabas na lang din ako ng kuwarto nang sabihan ako ni Dad na sa office room niya kami mag-uusap.
Muntik na naman kasi kami mauwi sa pagbabangayan kanina. Panay kasi sabat ang magaling niyang asawa.
Pero hindi ako agad dumiretso sa opisina niya na nasa kabilang hallway. Inilapat ko muna ang aking kanang tainga sa pinto.
I want to know what they will say about me.
“Cecelia doesn’t like me, okay? Hindi na kaya ng pagkatao kong makipag-ayos pa sa kaniya, Lewis.”
His name is Lowell… but everyone calls him Lewis.
And it’s true, I don’t really like Seravien… just as much as I don't want my father. Sadyang binibigyan ko pa rin sila ng kaunting respeto.
Pero sa nangyayari sa pagitan ko at sa kanila. Hindi ko kasalanan ito dahil noong bata ako ay sinubukan kong pakisamahan sila.
But what did they do? They treat me like I’m worthless!
“Listen to me first. She’s still my daughter.”
Napaigting ang pandinig ko nang marinig ang boses ni Dad.
“I don’t want you to talk to her the way you did earlier, Seravien. I’m also fully aware of what I’m doing to her.”
“Miss Cecelia?”
Agad akong napatayo nang tuwid nang sumipot ang personal guard ni Dad.
I know who he is… but I don’t know him personally.
Hindi ko rin alam ang pangalan niya. Pero naabutan ko siya noon na nagtatrabaho pa kay Dad bago ako tumakas.
“Anong ginagawa n’yo?” tanong niya.
Naiwan ang tingin ko sa ulo niyang walang buhok at makintab. But I tried to think of a reason… anything, but my mind went blank.
Lahat pa naman ng nangyayari ay sinasabi niya sa father ko. Gano’n ko siya naaalala noon.
“None of your business,” sagot ko na lang.
Nagmadali akong nagtungo sa office room dahil sa wala akong maisip na rason. Hindi naman din ako nito sinundan dahil mukhang pumasok siya sa kuwarto ko.
Wala akong dalang gamit nang makiusap si Dad na kausapin nang sarilinan ang babaeng ‘yon. Ipapasunod naman din ang mga gamit ko kaya sumunod akong lumabas.
Naupo ako agad sa upuang nasa harapan ng office table. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko at manghusga.
Everything’s still the same as it was five years ago. I didn’t notice even a single upgrade in the house.
What the hell is going on? Are they actually poorer than me now?
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Dad. Muli rin siyang humingi ng paumanhin sa inasal ng asawa niya kanina.
And that’s strange… because asking for forgiveness isn’t in his nature.
“Young lady, I don’t want to waste your time,” aniya saktong pag-upo niya sa swivel chair.
Isinandal ko nang komportable ang likod ko sa upuang yari sa mamahaling kahoy. Napadapo rin ang tingin ko sa bintanang nasa likod at kaliwa niya banda.
The window is open and there’s no any curtain. Masasabi kong malapit na magtanghalian ayon sa liwanag ng kalangitan sa labas.
“You already did… you wasted my time.”
Hindi man lang siya nangamusta simula kanina kung anong nangyari sa akin. At hindi niya pa rin tinatanong ang tungkol sa pagtakas ko. Seems like the past doesn’t matter to him anymore.
He keeps apologizing for his wife’s attitude earlier… but he never says sorry for what happened before.
“I want to help you.”
Hindi ko mapigilang tumawa. Napatakip pa ako ng bibig dahil sa natawa talaga ako sa biro niya.
“Very funny… but I don’t need one,” napangisi kong tugon, ilang minuto matapos mawala ang tawa ko. “Do I look helpless to you?”
“I know you need help…”
“Sinabi ko na… hindi ko kailangan ng tulong lalo na mula pa sa inyo,” sumeryoso kong boses. “Kung binabalak mong ipaksal ako sa mokong na ‘yon… or what was his name again?”
“Esteban.”
“Yeah, I don’t want to marry that f*cking guy,” diretso at mariin kong saad. “Kung gusto mong maging manugang ang gagong ‘yon, subukan mong ipaksal ang asawa mo.”
Natahimik siya sa ideya ko. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang talim ng dila ko.
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko sapagkat sayang na sayang ang oras ko rito. At para bang bigla na lang umakyat ang dugo sa bunbunan ko.
“I’m not your daughter,” buong tapang kong sambit sa kaniya. “Nagawa kong mabuhay nang maayos for five years… na walang hinihingi na kahit ano mula sa inyo.”
“That kind of work won’t give you a good life.”
“Eventually… it was!” prangka kong tugon. “Mas mabibigyan pa ako ng magandang buhay sa pagiging bayaran kaysa sundin ang lahat ng naisin n’yo.”
Natigilan ako sa paglabas ng opisina nang magsalita siya agad.
“I’m ready to help you… just to rebuild your reputation,” tumayong saad niya saka lumapit nang bahagya. “You know you can’t go back to California, or anywhere… your scandal is all over the internet.”
“Are you blackmailing me?”
“No, young lady. I’m trying to help you… because I’m still your father.”
Naikuyom ko ang mga palad ko. Iniisip ko nang maigi kung ano namang makukuha niya sakaling pumayag nga ako.
“I don’t want to get married to Esteban…”
“He already has a fiancée,” mabilis niyang saad.
May kung anong tinik ang nawala sa lalamunan ko. Pero hindi ibig sabihin no’n ay susunod na ako sa anumang naisin niya.
I’m not sure… but it might be a lie. Lahat ng sasabihin niya ay baka kasinungalingan lang.
“Don’t tell me na agawin ko siya sa fiancée niya?” natatawa kong sambit. “Kahit ano pa ang sabihin mo… I don’t have any interest in dealing with it.”
Muli akong tumalikod ngunit napatigil ako sa paglabas nang magsalita siya.
“I dreamed about your mom,” aniya na ikinatigil ko. “Napanaginipan ko siya nitong mga nakaraang araw lang. She asked me about you… and she wanted me to take care of you.”
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin sapagkat hindi ko siya kailanman narinig na magsalita tungkol sa mother ko.
“I hope it's enough reason for why I want to find you,” dagdag niyang saad. “I know it’s very hard to believe… but I want to help you as my daughter.”
Ni hindi man lang ako nakakibo sa mga narinig ko. Natinag kasi ako at napaisip na… what if he changed?
I remember what Ate Ella said before. Nothing in this world is constant, because everything changes… and even the people change over time.
“I know that before, you didn’t want to marry Esteban… and you didn’t want to stay here either,” nauunawaan niyang saad. “Kaya handa akong suportahan ka sa lahat… but you need to come with us.”
Agad kumunot ang noo ko. Napaisip ako sa maaaring mangyari.
“I’m not going anywhere… unless I know what it is first,” alanganing sambit ko.
Tiningnan ko siyang sinagot ang tawag sa telepono nang mag-ring ito. Pero binaba niya agad ‘yon na wala pang ilang segundo.
“Your things are ready… they’re already packed.”
Dali-dali akong lumapit sa bintanang bukas nang makarinig ako ng makina.
Sinilip ko mula rito sa ikalawang palapag ang itim na sasakyan sa harapan ng bahay.
Nandoon ang kaninang personal guard na kanina lang ay tinakbuhan ko. At mukhang kakababa lang niya ng phone na wari ko ay siya ang kausap ni Dad sa telepono.
Napapikit na lang ako sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Lalo na nang makita ko ang maleta at bag pati ilan pang mga gamit sa car trunk.
Kaya pala pumasok ang personal guard na ‘yon sa kuwarto para kunin ang mga gamit ko. At akala ko pa naman dito sa office room ihahatid ang mga ‘yon.
“Wala akong matandaang pumayag na ako,” mariin kong saad saka galit na hinarap siya.
“For now, you’re going to stay in the province for a while,” sambit niya na binalewala ang sinabi ko. “I want to personally take you there… but I still have work. Kaya ang personal guard ko na ang bahala sa iyong maihatid ka nang ligtas doon.”
“Doon? At saan naman ‘yon?” paninigurado ko.
Panandalian siyang natahimik at siya namang ikinabahala ko nang husto.
Pakiramdam ko tuloy ay nag-back to zero ako. Parang naging walang saysay ang pagtakas ko noon… dahil sa babalik lang din pala ako sa puder ng mga taong isinuka ko.
“Where the hell am I going?” nababahala kong tanong.
“You’re going to La Isla de Amore.”