Itinaas saka ipinatong ko sa ulo ang black shade. Sagabal kasi ito sa paglalakad ko nang mabilis.
Medyo malamig ngayong madaling araw. Sakto lang ang suot ko para maibsan ang malamig na simoy ng hangin.
“Oh, holy crap!” naisambit ko sa inis nang bigla namang liparin ang scarf ko.
Kinailangan ko pang tumigil para lang balikan at pulitin ito na nasa tatlong metro ang inilipad.
Hindi ko pa nga napi-figure out kung saan ako mananalagi. Wala sa akin ang phone at card ko para makaalis sa lugar na ito.
Hindi rin aabot ang pera ko para ma-afford ang buhay na nais ko.
“N-No way,” bulong ko sa hangin.
Natigilan kasi ako sa pagpulot ng scarf nang tumama ang paningin ko sa dalawang lalaki.
Nakaitim sila mula ulo hanggang paa. Malaki ang pangangatawan na akala mo bouncer sa club.
Medyo may kalapitan na ang puwesto nila at kanina pa sila nakasunod kung hindi ako nagkakamali. Pero hindi rin naman ako mag-iisip ng kung ano-ano kung hindi sila tila nagmamasid sa akin.
Panandalian kasi silang tumigil sa paglalakad. Napatingin din sila sa akin nang matigilan ako sa pagpulot ng scarf.
Sigurado akong hindi sila utusan nila David. Kilala ko lahat ng mga nagtatrabaho sa kanila.
Hindi ko man bigkasin pero dalawa lang ang posibleng pinanggalingan ng dalawang ito. Kung hindi sila mga pulis, tiyak na isa lang sila sa grupo ng mga lalaking naghahanap sa akin.
Mabilis akong tumalikod saka hinatak ang maleta kong iniwan ko. Lakad-takbo kong tinahak ang daan patungo sa bandang main road kung saan siguradong makakasakay ako ng cab.
Hindi ko na nakuha ang scarf sa pagmamadali. Hinayaan ko na lang ‘yon kahit na importante para sa akin ‘yon.
Kusa akong napalingon sa likod nang mapansin ko ang mabilis na pagsunod sa akin ng dalawang lalaki.
Sa sobrang takot ko ay napatakbo na lang ako at halos kaladkarin ko na ang maleta ko.
Ngunit napatigil ako nang may biglang sumulpot na black van bago pa ako makarating sa intersection ng main road.
Nataranta na ako sa mga oras na ‘yon. Pero bago pa ako makatawid sa kabilang bahagi ng kalsada ay pumigil ang dalawang lalaking kanina pa ako tinitiktikan.
“Miss, sa iyo ba ito?!”
Sa salita pa lang ng mga ito ay nahinuha ko na ang nag-utos sa kanila. Hindi ko na kailangan pang manghula.
“Nahulog mo, hindi mo man lang kinuha,” saad ng isa pang lalaking nakatabon ang mukha.
Hindi ko kinuha ang nais niyang iabot na scarf. Nagpanggap ako na hindi ko sila nauunawaan.
“I-I’m sorry,” nautal kong sambit, hindi ko pa rin maitago ang kaba. “I don’t know what you’re talking about.”
Parehong nagtinginan ang dalawa sa sinabi ko. Nakasuot sila pareho ng black mask at cap.
Habang nakabalandara lang ang black van sa gawing kanan ko. Walang bumababa ro’n pero tiyak kong kasabwat ng dalawang ito ang sino mang sakay nito.
“What is your name, Miss?” tanong ng unang lalaking sinenyasang kumausap sa akin.
“Sigurado ka ba na hindi siya nakakaintindi ng Tagalog? Sabi ni Bossing?”
Mahigpit kong hinawakan ang maleta habang palihim na nililibot ang paningin ko. Iniisip ko kung paano makakatakas mula sa kanila.
“Manahimik ka nga, pwede?” suway niya sa kasamahan bago ako muling hinarap. “Are you Ms. Cecelia Amora Sinclair?”
Hindi ako sumagot kundi nagpanggap ako na puno ng pagtataka. At kahit hindi ako tumugon, mukhang alam na nila ang sagot ko.
“Gago ka, pre. Iba yata ang nasundan natin.”
“Uhm, you’re not Ms. Cecelia?” pagkukumpirma ng lalaking kumakausap sa akin.
Bahagya akong umiling.
Mukha silang matatapang na aso pero maayos naman pala sila kumausap at hindi nanghaharas.
“My name is Zarela,” sambit ko na lang.
Pareho silang napatango saka nagsisihan sa kanilang kabiguan.
“Tangina, sabi ko na ayon ‘yong babaeng nakuha ng mga pulis, pre!”
“Anong gagawin natin? Itakas ‘yon sa kulungan?”
Hindi na ako nagsayang ng segundo at tumalikod na sa kanila para tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada.
Sobra ang pintig ng puso ko na kulang na lang ay humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko.
Pinanatili ko ang sariling nakataas-noo na naglakad palayo. Hindi na ako lumingon pa sa likod sa gayon ay hindi nila ako paghinalaan.
Unti-unti na ring bumagal ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang ko palayo.
I don’t know what they need from me. I have nothing left… and it makes me even more confused.
Kilala ko ang dad ko. Hindi niya ako pinahanap sa loob ng limang taon dahil para sa kaniya ay wala naman akong silbi.
I’m sure natuwa sila sa pag-alis ko sa pamamahay na ‘yon lalo na ang asawa niya. Sapagkat wala ng pabigat sa bahay nila.
And that’s my father, when you become invisible, it means you’re useless to him.
Kaya binubulabog ako ng isang tanong. What the hell does he need from me?
“F*ck this life,” napamura kong sambit nang mapatigil ako sa pagtawid.
Napansin ko ang mga hayop sa kabilang intersection na kakababa lang ng sasakyan. Hindi ko lang alam kung kasama nila si David.
Pero siguradong inutusan sila nito na hanapin ako. Hindi malabo na sinabi ni David ang lugar na pinapalagian ko.
Ikinuyom ko sa galit ang mga palad ko. Matalas na tingin ang ginawad ko kanila River Lon at kung kaya lang pumatay ay baka nakabaon na sila sa kinatatayuan nila.
He’s just standing there with his friends. Mukhang nagtataka sila sa mga lalaking nasa likod ko kaya hindi nila magawang makalapit.
And bullsh*t, hindi lang isa kundi dalawa pa ang tatakasan ko! I’d rather die than choose between them!
Bilang lang sa daliri ang dumadaan dito sa main road. Puro private car pa at wala man lang kahit isang cab.
“What kind of life do you have?”
Mabilis na nalihis ang atensyon ko. Nilingon ko ang pamilyar na boses mula sa likod ko.
Pinagmasdan ko ang matangkad na lalaking sakto lang ang katawan at may kaunting balbas sa mukha.
He’s so familiar for me. Pero hindi ko mawari kung bakit siya pamilyar. Isa ba siya sa mga naging client ko?
Subalit kasama niya ang dalawang lalaking sumunod sa akin kanina. Hindi kaya tauhan siya ng dad ko noon?
“Excuse me?” nagtataka at natataranta kong sambit.
Hindi ko mapagilang kabahan dahil halos nasa limang lalaki ang nasa loob ng black van.
Pero kusang tumigil ang tingin ko sa hawak na bag ng pamilyar na lalaking ito. He’s holding my handbag… the one with my phone and card in it.
“I guess I’d be lucky in life if you really became my wife,” ngisi niyang aniya. “I won’t lie… you still look young, even more beautiful, Cecelia.”
Hindi ako nakapagsalita sa gulat. I know now who the f*ck he is!
He was the guy I almost married. It’s Esteban Lucien Zulueta.
“I-I’m not Cecelia… I’m not the person you’re looking for.”
“We confirmed your identity through your personal belongings… and the s*x scandal that’s circulating online, is that you?”
Pinilit ko ang sarili na kumalma. Alam kong walang katotohanan ang sinasabi niya.
Hindi kumalat ang record na ‘yon sa internet sapagkat kagabi lang nang mangyari ‘yon! Hindi rin pwedeng ipakalat ng news ang scandal ko!
No one should know about it… unless someone leaked it online!
Puno ng takot at galit kong niligon ang hayop na ‘yon sa may intersection.
Nanonood lang sila sa akin mula ro’n at tila hinihintay akong mapag-isa upang malapitan nila.
Alam kong hindi nila magawang makalapit dahil mas marami ang kasamahan ni Esteban kaysa sa kanila na tatlo lang.
Binitiwan ko ang pagkakahawak sa maleta para lang pisilin ang mga palad ko. Buong lakas kong kinokontrol ang emosyon ko.
Pero bigo pa rin ako dahil unti-unti nang tumulo ang kanina pang nagbabadyang luha ko.
Tanging paghagulgol lang ang napigilan ko. Subalit ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang mahina sa harap nila.
This is so much worse than the first day I had a client. I don’t know what to do… I can’t even breathe.
“Huwag mo ng itanggi pa ang sarili mo, Cecelia Amora Sinclair.”
Bumagsak sa lupa ang mga laman ng bag kong hawak niya. Hindi ko alam paano ‘yon napunta sa kaniya o marahil nakuha niya nang lusubin nila ang bar.
“So this is the life you ended up with after running away?” natatawa niyang saad. “You’re very impulsive, Cecelia. Pinagpalit mo ang maganda mong buhay para lang maging isang bayaran?”
“That’s really a message from my father, Esteban?” galit kong bigkas. “You finally sound just like him!”
Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaking kumausap sa akin para patigilin sila. Balak pa kasi nilang kunin ang maleta ko at halughugin ‘yon ayon sa utos sa kanila ni Esteban.
“Limang taon lang ang lumipas pero kung titingnan sa itsura mo, parang limang dekada na,” pambabatikos ko. “Tumanda ka na, pero ‘di ka pa rin nagkakaroon ng sariling pag-iisip.”
Tingnan natin kung masikmura niya sa bawat araw ng kaniyang buhay na magkaroon ng asawang tulad ko.
Tipong pagkagising niya pa lang mula sa kama, sira na agad ang umaga niya.
At marahil kaya nga ako muling pinatunton ng ama ko upang ituloy na ang naudlot na kasal noon? Sa gayong mapalawig niya pa ang negosyo sakaling maging parte siya ng pamilya ni Esteban?
It makes sense. My father owned a weapons business… a perfect partner for the Zulueta family’s logistic company.
“What do you need from me?” mariin kong tanong matapos kong madampot ang mga gamit ko. “I’m f*cking asking you, Esteban!”
Mabilis niyang sinenyasan ang mga tauhan na huwag akong aawatin matapos ko siyang hampasin ng bag sa dibdib.
“Ito ang sabihin mo sa magaling kong ama!” halos pumiyok kong sigaw sa galit. “I won’t obey him. I won’t let him use force against me. Limang taon akong nabuhay ng ako lang… I received no care, no help from him!”
Halos manginig ang boses ko sa kakasigaw. Pero ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa gayon ay matinag sila at hindi ako puwersahin.
I’m too weak to fight… and no one will save me from all of this. Kung hindi ako tututol, sino ang gagawa para sa akin?
If I can’t protect myself… no one will do it for me.
“I-I’m not his f*cking puppet… and I don’t have a father!” umiiyak kong sigaw. “I’m not his daughter anymore! Tinakwil niya naman na ako kaya tinakwil ko na rin siya!”
Hindi sila nagsalita at pinanood lang akong maging mukhang tanga.
Wala man lang isa sa kanila ang naawa sa akin. Lahat sila ay para bang nababagot sa kaartehan ko.
Ano pa bang aasahan ko sa mga katulad nilang sumusunod sa utos para sumahod? At mas lalong wala akong aasahan kay Esteban… na mas bayaran pa kaysa sa akin.
Susundin niya ang lahat ng naisin ng mga magulang niya. That’s how submissive… and incompetent he is!
I don’t like a guy who lives according to the will of others. Ang lalaking walang sariling buhay ay paano bubuo ng sarili niyang pamilya?
My life would definitely become hell if I were with him!
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko saka nagmadaling tumalikod sa kanila.
“Cecelia! Ano mang mangyari ay sasama ka sa amin pabalik ng Pilipinas!”
Kumukulo ang dugo kong hinarap at nilapitan muli ang gagong Esteban na ito.
Bungol ba siya? Sinabi ko na, hindi ako susunod sa ano mang inuutos sa kanila! Hinding-hindi ako babalik sa lugar na ‘yon!
“Hindi ako pupunta kahit saan!” pagtaliwas ko. “At kung gusto niya akong makausap, siya ang magkusang pumunta rito!”
Sinamaan ko ng tingin ang lahat ng kasamahan ni Esteban lalo na ang dalawang lalaki. Para silang nakakita ng multo nang mapagtantong nagsasalita ako ng sariling wika.
Tuluyan akong tumalikod at tumakbo na palayo. Binantaan ko sila na huwag akong susundan kundi may kalalagyan sila.
Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagsalubong ng dalawang lalaking ‘yon kanila River Lon nang magbalak silang lumakad sa gawi ko.
Pakialam ko kung magpatayan pa sila. Pero mabuti nga ‘yon sa gayon ay mabawasan ang mga taong kailangan kong takbuhan.
Nagmadali akong sumakay sa yellow cab na mukhang kakaparada lang dito sa gilid ng main road.
Balak kong itabi sa akin ang maleta ko rito sa back seat. Ngunit hindi pumayag ang driver at nagpresenta na siya na lang ang maglalagay nito sa trunk.
Ayoko ng bumababa ng sasakyan dahil mamaya ay sumunod nga sa akin sila Esteban. Matigas pa naman bungo no’n at makapal ang pagmumukha.
“Drive me to the farthest place you can reach,” saad ko agad sa driver nang makasakay siya.
Pero hindi ko siya narinig na kumibo at marahil nagtataka ito sa ikinikilos ko.
Ang buong atensyon ko rin ay nasa laman ng bag ko. Sinisigurado ko kasi na walang kulang at walang pinakialaman sila Esteban sa gamit ko lalo na sa phone ko.
“Uhm, where exactly is that, Miss?”
Parang bumata sa pandinig ko ang boses ng cab driver… o marahil marami lang akong napapansin na hindi na dapat.
“Okay, just drive me anywhere… wherever your fuel runs out, that’s where I’m going.”
“How about going back to the Philippines, Miss Cecelia?”
Bago pa ako makatingala sa kaniya ay may kung anong usok ang bumalot sa loob ng sasakyan.
Pero bago pa kumapal ang usok ay napansin kong hindi na pala ang driver ng cab ang nakaupo sa driver seat.
Isa siya sa tauhan na kasama ni Esteban. Nakasuot pa rin siya ng mask at gloves habang hawak niya ang isang bote kung saan nagmula ang nakakasilaot na usok.
Agara kong tinakpan ang ilong at bibig ko subalit huli na dahil mukhang nakalanghap na ako.
Nahirapan akong makahinga bago ako tuluyang nahilo. At ilang segundo lang bago lumabo ang paningin ko at parang naninigas ang buong katawan ko.
I don’t know what’s happening. I lost track of everything just seconds after I collapsed.