Nabasag ang bote ng alak nang maatrasan ko. Dumanak ang pulang inumin sa sahig at mas naging pula pa ‘yon dahil sa ilaw ng room.
Kinuha at sinuot ko ang isang bathrobe bago lumabas sa red room na ‘yon.
Kanina pa ako gising, sadyang wala lang ako sa sarili. Natauhan lang ako nang marinig ang kaguluhan sa labas ng silid
Bukas na ang pinto nito nang magising ako at nakita ko ang kaniya-kaniyang takbuhan ng mga tao palabas.
Hindi ko alam ang gagawin lalo pa nang mabunggo ako ng ilang taong takot na takot na mahuli.
Tila ba may tinatakasan ang lahat habang ako ay bigo ng matakasan ang kinatatakutan ko. Para bang sinakop na ako ng sarili kong takot nang mangyari ‘yon.
Tila inaasahan ko na ang pangyayaring ito kaya halos namanhid na ang lahat sa akin. Hindi lang pisikal ko kundi pati emosyon ko.
I’ve done so much. I went through all that pain. I’ve come too far to die!
“Use the back door!”
“They caught the others in the front!”
Lumiko ako patungo sa likod ng gusali nang marinig ang mga sigaw na ‘yon.
Karamihan sa mga tumatakas ay mga kalalakihan na pinakasuki ng bar na ito. Pero kasabay ko rin na tumakas ang ilang mga kasamahan ko.
Medyo hindi pa gumagana ang utak ko sa nangyayari sa paligid. Basta nakitakbo na lang din ako hanggang sa makalabas ng bar na ‘yon.
Hindi ko alam kung bakit pa ako nagulat nang mapagtanto ang oras dahil sa madilim na kalangitan.
Ilang oras lang ba ang lumipas simula nagbukas ang bar nang ala sais ng gabi? Sapagkat inaabot ako palagi ng madaling araw sa tuwing matatapos ang trabaho ko.
“Someone called the police!”
“It was just a group fight!”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng ilan sa paligid ko. Sapagkat permitted nila David ang bar na ito at iilan lang ang may alam tungkol sa illegal side ng negosyo.
Imposible ring ma-bar raid ito dahil maraming koneksyon sila David para pagtakpan ang mga illegal nilang gawain.
Napahawak ako sa bathrobe ko, na muntik nang malaglag dahil maluwag ito para sa akin.
Nakapagsuot naman ako ng damit ko kanina pero punit-punit na kasi. Kita na ang kaluluwa kung hindi ko pa papatungan ng bathrobe.
“Are we going to jail?!” dinig kong tanong ng baguhang kasamahan ko.
“No, b*tch! We’re going to hell first!” tugon ng kasama niya.
Pinanood ko silang tumakbo palayo ng gusali saka sumakay sa kotse ng kakilala nila.
Habang ako ay wala pa sa wastong katinuan. Hindi ko batid kung kakaliwa, kakanan, o aatras ako. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.
Pero hindi ako pwedeng umalis hangga’t hindi ko nakukuha ang mga gamit ko sa dressing room.
Nandoon ang phone at wallet ko. Kukunin ko rin ang bayad sa akin ngayon dahil hindi pwedeng wala!
“Heaven, where are you going?”
“Do you know me?” nagtataka kong tanong sa lalaki.
Mahigpit niya akong hinawakan upang pigilang pumasok sa bar.
“You can’t go back there! Come with me, Heaven!”
Tinulak ko siya nang hilahin niya ako. Hindi ako pumayag na isakay niya sa kaniyang sasakyan.
If only there were a place with no men. I’d be happy to live there.
I’m trying my best not to hate anyone, because I know it’s all my fault. But if I don't hate somebody, I’ll end up hating myself more!
Wala akong nagawa kundi sumakay sa cab nang magkalat na ang mga pulis sa bar.
Mukhang tumawag sila ng backer at may mga reporter na rin sa lugar.
Ayoko mang umalis do’n dahil kailangan ko pang makuha ang gamit ko ay wala na akong nagawa. Mas hindi ko lang makukuha ang dapat sa akin kung mahuhuli ako.
Naging tahimik ang biyahe ko pauwi. Nagsabi ako sa driver na babayaran ko siya kapag nakarating na sa lokasyon.
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa orasan na nasa taximeter ng taxi. It’s only midnight.
Dinaig ko pa ang naalimpungatan dahil pakiramdam ko itong gabi na ang pinakamahabang gabi. Kaya paanong mga limang oras pa lang ang nakakalipas?
“You are not forgotten.”
Napalingon ako sa driver na binuksan ang radyo ng sasakyan. Kaya ang tahimik kong biyahe ay nauwi sa malalim na pag-iisip.
“God’s answer doesn’t always come wrapped in the package we expect. When we ask for flowers, He gives us rain… sometimes, a storm.”
Napalunok ako nang malalim. Walang araw na hindi ako malungkot subalit ang gabing ito ang pinakamalungkot sa lahat ng nagdaang panahon.
I lost everything. But I asked heaven before it all happened… I asked for signs to stop me from escaping that day.
No one stopped me. I always feel like I’m all alone.
But it’s okay. I don’t need anyone to fight for me… I've been fighting alone since I was young.
“In Isaiah, ‘As the heavens are higher than the earth, so are His ways higher than your ways, and His thoughts than your thoughts.’”
Inabutan ko ng cash ang driver nang makababa ako galing sa hotel room ko. Hindi ko na rin hiningi pa ang sukli.
Binaybay ko ang daan patungo sa malapit na convenience store. Balak kong bumili ng pagkain dahil kaninang umaga pa ang huli kong kain.
Pumasok ako sa gusali na bilang lang sa daliri ang mga tao. Kasama na roon ang mga trabahador ng store.
Napaiwas ako ng tingin nang tingnan ako ng mga taong nasa paligid ko. Pero hinayaan ko sila na mag-isip sa malaking pasa kong natamo sa mukha.
Napabili na rin ako ng gamot para sa mga sugat at pasang nakuha ko.
Mabuti na lang din ay nag-hoodie at pants ako dahil mas marami pang pula at lilang nakaimprinta sa ibang parte ng katawan ko.
“Good morning. Anything else?”
Umiling ako sa employee na tumango saka ini-scan ang mga binili ko.
Siya lang din ang tanging available na mag-aasikaso dito sa counter. Kaya may dalawang customer pa ang naghihintay sa likod ko na para bang nagpa-panic buying.
“A group of men suddenly attacked the bar. The police received a call from an unknown source. But it wasn’t just an attack… the authorities uncovered the bar’s illegal activities.”
Hindi ko tiningnan ang television kung saan naka-flash ang headline news.
Hindi ko na kailangang makita pa para kumpirmahin na ang bar na pinagtatrabahuan ko ang ngayong binabalita na.
“Séxual trafficking and drug abuse were confirmed by the police. They even obtained footage from a hidden camera capturing interactions between a client and a séx worker.”
“No offense, but you look like her.”
Napatingin ako sa babaeng nasa likod ko nang magsalita. Ako pala talaga ang kinakausap niya.
“I’d probably say the same… or maybe, is this you?”
Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang customer sa likod ko. Hindi sila sa television nakatingin kundi sa kani-kanilang cellphone.
Nilingon ko agad ang screen sa gawing likod ko nang ituro sa akin ng isa sa customers na kahawig ko raw ang babae.
I froze. I stopped breathing when I saw what they were talking about.
Hindi ako makapaniwala sa naka-flash sa screen. It’s a recording of me and that aggressive man who choked me!
I have no idea what’s happening. I don’t understand how they said the woman looks like me when the face is blurred in the news.
Ikinuyom ko ang mga palad ko nang manigas ang katawan ko sa takot. Bigla na lang ding nanghina ang mga tuhod ko at tuluyang nawala sa sarili.
Pinilit kong hindi ipahalata ang pagkabigla ko bago isinuot ang hoodie sa ulo ko upang maibsan ang kahihiyan.
“H-How much?” mabilis kong tanong sa kahera.
Hindi siya sumagot at katulad ng dalawang customer ay hindi siya makapaniwala. Para bang pumatay ako ng tao sa mga tingin nilang nanghuhusga.
Hindi ko na lang kinuha ang mga binili ko. Sa halip ay mabilis akong lumabas ng store at tumakbo nang tumakbo hanggang sa makalayo ro’n.
Tumulo ang luha ko at napatakip ng bibig upang pigilang humagulgol.
Pakiramdam ko na ang ilan sa nakakasalubong ko pabalik sa hotel room ay namumukaan ako. At hindi ko alam kung bakit naiisip ko na tatawag sila ng pulis at ipapadampot ako.
I’m scared. My life was ruined in just one night.
“He f*cking recorded me?” nawawala sa sarili kong bulong. “Hindi kaya alam din ni David ito? Is this the setup those assholes were talking about?”
Pumasok ako sa hotel room ko habang buong sikap na iniiwasan ang mga nakakasalubong ko.
Wala sa katinuang kinuha ko ang maleta saka ipinagsasalpak ang mga gamit ko. Todo salpak lang ako at wala na sa sariling pag-iisip.
Karamihan sa gamit dito sa unit ay pagmamay-ari na ng hotel. Tanging mga personal na gamit lang ang akin at nagkasya naman ‘yon lahat sa maleta.
Hindi ko alam kung nanginginig ba ang mga palad ko sa takot matapos mai-ere ang record na ‘yon o mas dulot ito ng kawalan ng laman sa sikmura ko.
Bahagya akong natigilan sa paghatak sa maleta nang makita ko ang sarili sa salamin.
Hindi ko na mailarawan ang sarili ko. Malayo na ako sa dating ako.
I can’t even deny the fact that I pity myself. Sometimes I wonder if anyone from my past would still recognize me after all these years.
But part of me is glad they wouldn’t. I know I’m not myself anymore, and I don’t know if I’ll ever become the best verson of me in this life.
Tonight feels like the worst day of my life.
“Everything will be fine tomorrow,” bulong ko sa hangin habang tinatago ang marka sa leeg ko mula sa pagkakasakal, pati ang ilang kagat sa ibang bahagi ng katawan ko.
Sinigurado kong matatakpan ng white scarf at jacket ang buong katawan ko. Nagsuot din ako ng mahabang pantalon at black shade kahit na madilim pa rin naman sa labas dahil madaling araw pa lang.
Muli akong natigilan sa paglabas ng room nang tumunog bigla ang landline telephone.
“Sh*t… this isn’t from the police, right?”
Kulang na lang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dulot ng pangamba. Nagdadalawang-isip akong sagutin ang tawag dahil baka mas madagdagan pa ang krimen ko.
I can’t help it since sometimes the truth just spills out of my mouth. I’m also always rude.
Pikit-matang inangat ko ang telephone at inilapat sa kaliwanag tainga ko.
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang kabilang linya na unang magsalita.
“Cecelia, where the hell are you, huh?!”
Kusang napaikot ang mga mata ko nang mabosesan siya.
Pakiramdam ko rin ay umakyat sa ulo ang dugong dapat nasa talampakan ko lang.
“You have no idea of what’s happening! Everyone was taken by the police, even Aurora!”
Hindi ako kumibo. Sa sarili ko pa lang kasi ay sahid na ang awa na mararamdaman ko sana para sa kanila.
“Everything is f*cked up! My boyfriend will definitely kill me now that his bar got raided!”
Halos mabasag ang eardrum ko sa kakasigaw niya sa kabilang linya.
“Why are you so quiet, Cecelia?! Tandaan mong kasalanan mo ang lahat ng ito!”
Hindi ko napigilang tumawa nang isigaw niya ‘yon, na kulang na lang ay maputulan siya ng litid sa kaniyang leeg.
Siya naman ang natahimik sa aming dalawa. Boses ko naman ang nanaig sa linya.
“Sayang at hindi ka pa nila nahuli,” natatawa kong banat. “I think it’s better for all of us if you stayed in jail! We keep working hard just for your f*cking business!”
“You’re not grateful, Cecelia Amora…”
“Should I be f*cking grateful after everything that happened? I know alam mo ang setup na ginawa nila sa akin!” galit kong sigaw.
“What are you talking about, you b*tch?!”
“You know exactly what the f*ck I’m talking about, David!” nangangalaiti kong sigaw. “This is all your fault… you played me with your words!”
I was too young back then… and innocent. Kung kaya ko lang ibalik ang limang taong lumipas, hindi ko na siguro pipiliin ang buhay na pinili ko ngayon.
Siguro hahayaan ko na lang na manirahan sa puder na ‘yon. Papalagpasin ko na lang ang lahat at tatanggapin na ang tulad ko ay hindi kailanman tatamasa ng tunay na kalayaan.
Marahil tama na naman ang iba at mali na naman ako. Ang mga anak na tumataliwas sa kanilang mga magulang ay walang patutunguhan kundi kapahamakan.
“Whatever’s happening to you right now… that’s your f*cking choice, Cecelia!”
Natigilan ako nang husto. Hinayaan ko ang malamig na luha kong tumulo.
“O-Okay… I’m also tired of blaming you too,” mahina kong sambit. “But don’t blame me either for whatever happens to you.”
Sinabi ko na rin sa kaniya na nais kon ng tapusin ang kontrata. Hindi ko na kukunin ang porsyento ko lalo na sa dapat kita ko sa una at pinakahuli kong client kagabi.
I’m sure David already took everything. Pero sana naman bayad na ang kesyo utang na loob ko rin sa pamamagitan ng limang libong ‘yon.
“You are in generational debt to us, Cecelia Amora Sinclair!”
“You took everything from me… my freedom and dignity. Ang paa mo ang nakalubog sa lupa dahil bayad ko na ang lahat at malinis pa rin ang konsensya ko.”
“Don’t talk about cleanliness… you don’t have it,” seryosong aniya.
Pinaluwagan ko ang scarf na suot ko bago pa ako maputulan ng hangin sa buong katawan.
Hindi ko alam kung bakit tila mas nakakasakal pa ang naririnig ko ngayon kaysa sa aktuwal na pagkakasakal sa akin kagabi.
“Don’t you dare hang up on me, and I want to see you later at my place,” mariin niyang utos. “Huwag mo ring tatangkaing tumakas dahil mahahanap at mahahanap pa rin kita. At isa pa, alam mong wala kang mapupuntahan.”
Napalunok ako habang bahagyang napasulyap sa maletang hinanda ko.
I tried to run once before… but I failed.
“This wouldn’t have happened if no one reported that to the police… pero mas walang ire-report kung wala ang mga grupo ng lalaking ‘yon, Cecelia!”
Hindi na ako dumepensa sa paninisi niya dahil sanay naman ako sa gano’ng pagkatao niya.
“You keep blaming me for this, when you’re the one who should be blamed…”
Mabilis akong natigilan nang agad siyang nagsalita.
“Do you know who those men are looking for?!” mariin niyang tanong. “They’re looking for a girl named Cecelia Amora!”
Literal akong hindi nakagalaw. Bigla na lang akong binalot nang malalim na pag-iisip.
Naiwan sa ere ang telephone habang si David ay may isinisigaw na hindi ko na maiproseso pa.
Sino naman kasi ang hahanap sa akin? It’s either that f*cking asshole I met last night… or it could be someone from my past?
Pero limang taon na ang nakararaan. Bakit ngayon lang ako nagawang ipahanap ng sarili kong ama?
“Don’t mess with me… you already have tons of enemies, Cecelia!”
Ibinaba ko ang tawag nang hindi kumikibo. Panandalian pa akong napatitig sa kawalan bago dali-daling hinatak ang maleta paalis ng hotel na ‘yon.
Simulang napadpad ako rito sa California ay sa mga hotel na ako naglo-long stay.
Hindi naman ako pwedeng magtungo pa sa New York dahil wala akong kahit ano ro’n.
Hindi ko rin alam kung saan pupunta. Tama si David na wala naman akong mapupuntahan. Subalit hindi pwedeng wala akong gagawin sa gayong dinaig ko pa ang kriminal sa dami ng naghahanap sa akin.
Hindi ko alam kung sino ba ang tinatakbuhan ko ngayong gabi. Kung ang mga pulis, grupo ng mga lalaki, o sila David.
Naghintay ako ng masasakyang cab sa harap ng hotel subalit napagpasiyahan kong lumakad na lang palabas sa main road.
Kanina pa ko pinagtitinginan ng ilang tao sa hotel na ‘yon. I don’t know if I’m just losing my mind… or if everyone’s really glancing at me and judging me.