Kabanata 10

2065 Words
May pagpupulong sa loob ng palasyo habang may yabag ng mga paa ang naglalakad ngayon at patungo sa loob ng palasyo. Ang bawat paghakbang niya ay may kasamang pagtulo ng dugo na nakasunod sa kaniyang paglalakad. Lahat ng nilalang makakasalubong niya sa daan ay napapahinto, napapatingin at napapalingon sa kaniya. Iisang ekspresyon lamang ang bumakas sa kanilang mga mukha nang makita itong naglalakad habang may hawak na duguang pugot na ulo sa kaniyang kanang kamay. "Kailangan natin isagawa..." natigilan bigla sa pagsasalita ang hari nang bumukas ang dalawang tarangkahan at bumungad sa paningin nilang lahat ang prinsesang nababalutan ng pulang dugo sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan at mukha. "Hindi ba't siya si Prinsesa Adena?" usisa ng mga tagausig habang gulat na gulat silang nakatingin sa prinsesang taas noong naglalakad sa gitna patungo sa kinaroroonang trono ng hari. "Anong ginagawa niya rito? at bakit ganiyan na lamang ang itsura niya?" "Sandali, tama ba itong nakikita ko ngayon?" napuno ng pagbubulungan ang buong kapulungan lalo na nung nasaksihan nilang lahat ang pugot na ulong hawak ng prinsesa. "Prinsesa Adena," maging ang mahal na reyna ay nagulat at napatayo sa kaniyang nakita. "Mahal na hari," ani ng prinsesa sabay lumuhod ito sa harapan ng kamahalan. "Narito po ako ngayon sa inyong harapan upang ibunyag sa lahat na nahanap ko na po ang tunay na salarin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inilapag naman niya sa sahig ang pugot na ulong dala-dala niya kanina. Napahawak at napatakip naman sa bibig ang reyna gamit ang dalawa niyang mga kamay. Habang nanlaki naman ang mga mata ng hari sa sobrang gulat nang makita ang pugot na ulong inihatid nito para sa kaniya. "Hindi maaari." Ang tangging nasambit lamang ng hari matapos niyang makilala ang pugot na ulo sa kaniyang harapan. Maging ang reyna ay nagulat at hindi makapaniwala sa kanilang nakita. "Kalapastanganan!" malakas na pagsigaw ang ikinalingon nilang lahat mula sa pintuan. "Hindi ba't siya si Hyza? ang asawa ni Lik at tapat na kawal ng kamahalan?" ani ng isang tagausig sa kaniyang mga katabi nang makilala ang babaeng umagaw sa kanilang atensyon. "Hindi kailanman magagawa ng asawa ko na pagtaksilan ang kautusan ng hari," ang isinaad pa nito habang matalim siyang nakatitig sa kinaroroonan ni Prinsesa Adena. Nakayuko pa rin ang ulo ng dalaga at pasimpleng ngumisi sa kaniyang labi na hindi nahahalata ng lahat. "Kung ganoon sinasabi mo ba na gumagawa lang ako ng kaguluhan dito sa loob ng palasyo? ano ang iyong nais ipalabas?" sabay tumayo siya at mabilis na nilingunan ang babaeng nagsalita. "Alam ng kamahalan kung gaano katapat sa kaniya ang aking asawa at hindi kailanman maiisipan ni Lik na gumawa ng kamalian na ikasisira ng aming pamilya." Pagkasabi niya ay napangisi lang si Prinsesa Adena at tsaka itinapon sa sahig ang isang balot ng mga alahas na nalikom niya mula sa asawa nito. "Sandali! hindi ba't mga alahas iyan na nanggaling sa inang reyna?" ang nagsalita naman ay si Prinsesa Aurora na biglang napadaan doon matapos makarating sa kaniya ang kaguluhang nangyayari sa loob ng palasyo. "Tama ka. Kay inang reyna nga ang mga alahas na 'yan." Ang tinugon ni Adena sa kaniya. Napalingon tuloy bigla ang bathalang hari sa kaniyang asawa na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. "Mahal ko, hayaan mong makapagpaliwanag na muna ako." Nanginginig na batid ng reyna sa asawa niyang hari. "Sige, magpaliwanag ka at ipaliwanag mo kung ano itong mga nangyayari ngayon." Mainahong saad ng hari sa kaniya. "Walang kinalaman ang inang reyna sa pangyayaring ito. Bakit hindi ninyo sabihin sa kanila kung ano talaga ang totoo?" sa mga sandaling iyon ay yung reyna naman ang tinuonan niya ng pansin at tingin habang nanginginig ito sa sobrang gulat at takot. Hindi naman nakatugon kaagad ang reyna sa kaniya dahil pinagmasdan na muna siya nito at maiging tinititigan sa kaniyang mga mata. "Bakit mo ito ginagawa, Prinsesa Adena? hindi kailanman magagawa ni prinsesa Glius ang binibintang mo." Ani ng reyna sa kaniyang anak na ikinagulat ng lahat at maging si Prinsesa Aurora ay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. "Ano ang iyong ibig sabihin?" usisa ng hari sa kaniya. "Ang mga alahas na nakikita ninyong lahat ngayon ay nanggaling nga sa akin ngunit ang lahat ng 'yan ay ibinigay ko kay Prinsesa Glius." Pagkasabi ng reyna ay bigla naman napakuyom ng madiin sa sariling kamao ang mahal na hari at muling binalikan ng atensyon ang pugot na ulong nasa kanilang harapan. "At sinasabi mo ba na tinutulungan ni Lik ang prinsesa upang paslangin si Prinsipe Adonis?" ani ng hari na ikinalingon sa kaniya ng reyna. "Ganoon na nga po." Sabay niyuko ni Adena ang kaniyang ulo upang pang-sang ayon sa isinaad ng hari sa kaniya. "Sinungaling! hindi 'yan kailanman magagawa ng aking asawa!" sigaw naman ni Hyza mula sa kinaroroonan ng kamahalan at prinsesa. "Sino ka upang tawagin mo akong isang sinungaling?!" ang malakas namang itinugon ni Adena sa kaniya na ikinabigla nilang lahat. "Isa akong maharlika at makapangyarihang prinsesa ng Drima! kaya huwag mong dinudungisan ang marangal kong pangalan!" ang dinugtong pa niya habang nagpapalit ng kulay pula ang kaniyang mga mata. "Isang traydor ang iyong asawa at nilabag niya ang pinakamalaking kautusan ng kamahalan. Kaya nararapat lamang sa kaniya ang maparusahan at pahirapan. Kung iginigiit mo sa akin na mali ang aking akusasyon, sabihin mo sa akin ngayon kung papaano mo mapapatunayan sa aming lahat na inosente nga ang iyong asawa." Ani ni Prinsesa Adena na mas lalong ipinagtaka ng lahat. Iniisip nila na baka kasabwat si Hyza sa pagtatraydor na ginawa ng kaniyang asawa sa mahal na hari. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Hyza at panay lamang ang paglingon niya sa bawat paligid niya kung saan hinuhusgahan siya ng lahat. "Hindi kaya pinagtatakpan mo lamang ang iyong asawa dahil isa ka rin sa kanila?" ang sinabi pa ni Prinsesa Adena na mas lalong ikinagalit ni Hyza sa kaniya. Bigla na lamang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na hindi namamalayan at mahigpit siyang napayukom sa kaniyang kamao na ikinagisi naman ng dalaga. "Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa puntong ito, Lik. Kaya patawarin mo sana ako sa aking gagawin." Ang binulong ni Hyza sa kaniyang isipan habang matalim niyang tinititigan sa mata ang damuhong dalaga. Gamit ang kakayahan niya bilang isang lawin ay mabilis niyang narating ang kinaroroonan ng prinsesa at madiin itong sinakal sa kaniyang leeg. "Prinsesa Adena!" sigaw ng reyna na ikinabahala nilang lahat. "Ganiyan ba talaga kayo magbayad ng utang na loob matapos namin kayong pagsilbihan ng tapat?" mariin na sambit ni Hyza sa kaniyang bibig na ikinangisi lang lalo ni Adena sa kaniya. "Alam mong malaking kaparusahan ang kahahantungan mo matapos mo kong hawakan." Nakangiwing saad niya na mas lalong ikinagalit ng ginang lawin sa kaniya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasakal niya sa leeg nito. "Bitawan mo siya!" kaagad ding natigilan si Prinsesa Aurora na dapat ay aawat lamang sa kanila ngunit maging siya ay nadamay sa matinding poot na nararamdaman ni Hyza. Nagmistulang mga semento ang kaniyang mga binti at paa. Kahit anong pilit na pagpupumiglas at pagkilos ang gawin niya ay hindi niya magawang maihakbang ang kaniyang mga paa at hindi niya ito maigalaw. Napahalakhak naman si Adena sa ginawa niya kay Prinsesa Aurora at hindi niya inaasahan na ganoon na lamang ito kalakas. "Alam mong katapusan mo na kapag inalis ko ang maskara kong ito." Mahina ngunit mariin na sambit ng dalaga sa kaniyang bibig. Sa mga sandaling iyon ay si Hyza naman ang napangisi sa kaniyang labi at tila wala na siyang pakialam pa kung ano ang kasasapitan ng kaniyang buhay pagkatapos non. Sapagkat ang mahalaga lamang para sa kaniya ay ang malinis at maayos ang reputasyong sinira ng prinsesa sa kanilang pamilya. "Bakit hindi mo subukang tanggalin? alam ko naman na matagal mo ng inaasam na makalaya sa madilim mong mundo, hindi ba?" aniya na ikinatigil at ikinatahimik ni Adena. "Anong sinabi mo?" ani ng dalaga na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. Ngumiwi muli si Hyza sa gilid ng kaniyang labi at tsaka siya lumapit sa prinsesa upang bulungan ito sa kaniyang tainga. "Matagal ko ng alam na ikaw ang nakasaad sa propesiya na siyang sisira at mahihigmasik ng kasamaan sa buong kaharian ng Drima. At balangaraw, ikaw din ang siyang papaslang sa sarili mong mga magulang at mga kapatid. Alam kong matagal mo ng pinipigilan ang iyong sarili at matagal mo na ring inaasam na makatakas mula sa sumpang nakasulat sa iyong kapalaran." Ang inilahad ni Hyza sa prinsesa na ikinabigla nito. "Nakakaawa ka." Ang dinugtong pa niya na mas lalong ikinagalit ng prinsesa sa kaniya. Nakasunod lamang ito ng tingin sa kaniya na may pagtulo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata habang paunti-unting nawawarak ang suot niyang maskara sa kaniyang mukha. "Alam ko na mangyayari ito at alam din ng aking asawa na papaslangin mo siya sa araw na ito. Kaya bago ka pa man magtungo rito sa loob ng palasyo at ipalabas sa lahat na isa siyang traydor, alam na ng hari kung sino sa inyong dalawa ang tunay na nagpapanggap lamang." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binalingan niya kaagad ng tingin ang hari na nanggagalaiti sa sobrang galit. Maging ang reyna ay nagulat sa kaniyang narinig at nalaman kung kaya't napalingon din siya kaagad sa asawa niyang hari. Hindi naman makapaniwala si Adena sa kaniyang natuklasan at halos panay lamang ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang mga mata na hindi nalalaman kung ano ba ang nararapat niyang gawin. "Nung una ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila sa akin na may kinalaman tungkol sa iyo, Prinsesa Adena. Ngunit ngayong naririto ka sa aking harapan at bitbit ang pugot na ulo ni Lik ay pinatunayan mo lamang sa akin na totoo nga ang kanilang mga sinasabi." Mahina ngunit mariin na isinawalat ng hari sa kaniya. Napahakbang na lamang paatras si Prinsesa Adena sa sinabi ng hari. Bakas sa bawat kilos at galaw niya ang lubos na pagkabalisa. Palingon-lingon siya sa kaniyang paligid at halos lahat ng mga matang makikita niya ay nakatingin sa kaniya ng masama na may bakas ng panghuhusga. "Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lamang ang lahat ng ito." Naguguluhang batid niya sa kaniyang sarili habang sinasabunutan ang sarili niyang buhok. Napaatras naman si Hyza sa prinsesa nang mapansin ang nawawarak nitong maskara sa mukha. Batid niyang magsisimula na ang malaking bangungot na ikinakatakot nilang mangyari. "Kamahalan," sabay nilingon ni Hyza ang hari upang ipaalam sa kaniya na magaganap na ang nakasulat sa propesiya. Natigilan at nahinto naman bigla si Prinsesa Adena nang mahagip ng paningin niya ang mga prinsesang kapatid niya na nakatingin at nanunuod lamang sa kaniya. Isa-isa niya itong tinititigan sa mukha at mga mata. Tila ba'y bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot mula sa kaniyang puso, lalo na ng makita niya si Prinsesa Glius na nakatingin din sa kaniya. Paano siya nakatakas? usisa ni Adena mula sa kaniyang isipan. "Pinagtangkahan mo ang buhay ni Prinsesa Glius, upang ipalabas sa aming lahat na ikaw ang nakahanap sa traydor at upang pagtakpan ang kamaliang iyong nagawa. Tama ba ako, Prinsesa Adena?" ani ng hari sa dalaga na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. "Ano?! ano ang iyong sinasabi, mahal ko? hindi kailaman magagawa ni Prinsesa Adena ang malaking kahihiyan na binibintang mo sa kaniya. Hindi ba, Prinsesa Adena? sabihin mo sa kanila kung ano ang totoo mahal ko." Pagsusumamo ng reyna sa kaniya na may pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Napakuyom naman ng madiin sa sariling kamao ang prinsesa habang tinititigan niya sa mata ang haring nasa harapan niya ngayon. Maya-maya pa ay biglang nabaling ang atensyon at tingin niya sa nilalang na naglalakad patungo sa trono ng hari. Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat nang makita si Prinsipe Adonis habang inaalalayan ito sa paglalakad ni Hyrim. Ngunit ang atensyon niya ay nakatuon lamang kay Hyrim na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Bigla naman natigilan at nahinto si Adonis nang mapalingon siya sa kinaroroonan ni Adena at nang makita ang pugot na ulo sa kanilang harapan, kung saan pagmamay-ari ito ng ama ng matalik niyang kaibigan. Natigilan din naman si Hyrim nang mapansin ang gulat na gulat na ekspresyon sa mukha ng prinsipe. At tipong lilingunin na sana niya ito nang bigla itong sunugin sa apoy ni Adena, upang hindi makita at malaman ng binata ang ginawa niyang pagpapaslang sa kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD