Kabanata 11 : (Adena's Pov)

1594 Words
A D E N A Sumpa. Kung ituring ako ng lahat. Magmula nang isumpa ng mga Diyosa ng kadiliman ang kayayahang mayroon ako ay palagi na akong iniiwasan at kinakatakutan ng lahat. Isang mapanganib na halimaw ang madalas kong nakikita sa kanilang mga mata sa tuwing napapatingin sila sa akin. Walang mga kaibigan at hindi malaya sa lahat ng bagay. Para akong nakakulong sa mundong hindi ko naman ginusto na manirahan. Tsaka ko lamang malayang natatanggal ang maskara sa aking mukha kapag nasa loob ako ng aking silid at walang ibang imortal sa aking kapaligiran. Madalas akong napapatingin sa harap ng salamin at palaging hinuhusgahan ang aking sarili. Bakit ako? bakit sa dinarami-rami ng imortal dito sa aming mundo, bakit ako pa ang napili na magkaroon ng ganitong mapait na kapalaran? Isa lang naman akong simpleng prinsesa na uhaw sa atensyon at pagmamahal. Gusto ko rin makipaglaro nuon sa mga batang imortal sa labas at makipagtaguan sa kanila gaya ng madalas kong nakikita nuon sa iba ko pang mga kapatid. Ngunit hanggang tingin na lamang ako at sulyap sa tabing bintana. Dahil mahigpit na ipinagbabawal sa akin ng hari at reyna na makihalubilo sa kahit na sino mang nilalang. Magmula non ay nasanay na akong palaging nag-iisa at palaging nasa loob lamang ng madilim kong silid. Walang makausap. Wala man lang masabihan ng problema. Subalit magmula no'ng makilala ko siya ay bigla ring nag-iba ang takbo ng aking buhay. Nadatnan ko siyang nanunungkit at namimitas ng bunga sa itaas ng punong mangga. Ang punong iyon ay isa sa mga pinakapaboritong pinupuntahan ni Prinsipe Adonis, kaya nung una ay inakala ko na siya 'yon. Ngunit kaagad ko rin namang napagtanto na hindi pala siya si Prinsipe Adonis. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinapanuod siya sa pagpipitas ng mga bungang mangga kahit makailang ulit na siyang nahulog sa punong iyon. Hindi ko mapigilan ang aking pagtawa habang pinapanuod ko ang nakakaaliw na ginagawa niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na natuto akong tumawa at ngumiti, at iyon ay dahil sa kaniya. "Prinsesa Adena." Nagkasalubong ang mga mata namin sa isa't-isa nang mahulog siya muli sa puno ng ikalabing dalawampu't tatlong beses. Natahimik ako at nanigas na parang bato mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko inaasahan na magkakatinginan kaming dalawa kaya mabilis akong tumalikod sa kaniya at akmang tatakas sana sa kaniya nang bigla siyang lumapit sa akin at humawak sa aking kamay na ikinagulat ko naman. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Ngunit may kung anong malakas na pagtibok ang nagaganap ngayon mula sa aking puso nung siya ay humawak sa aking kamay. "Prinsesa Adena, alam kong ikaw 'yan." Aniya pa sabay binitawan niya ako. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya at hindi ko magawang matitigan siya ng direkta sa kaniyang mga mata. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman, ngunit ngayon lamang ako nakadama ng matinding kaba mula sa aking dibdib at para akong kakainin ng lupa dahil lubos akong nahihiya sa kaniya. Anong nangyayari sa akin? bakit ako natatakot sa kaniya? bulong ko mula sa aking isipan. "Natatakot?" saad niya na ikinagulat ko at ikinalingon ko sa kaniya. Oo nga pala. Nakalimutan ko na isa siyang lawin at may kakahayan siyang makabasa o makarinig ng iniisip ng isang imortal. Napapikit naman ako ng aking mga mata at nag-iisip kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, prinsesa. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo. Gusto lamang humingi ng kaunting pabor sa iyo." Minulat ko kaagad ang aking mga mata at nausisa ako sa sinabi niya. "Pabor?" ang sabi ko na ikinatango naman niya ng kaniyang ulo. "Oo, sana." Bigla siyang napayuko ng kaniyang ulo at parang nalungkot din ang kaniyang mga mata. Nakatingin lang ako sa kaniya ngunit parang naaapektuhan ako sa bawat ekspresyon niya sa mukha. "A- ano ba 'yon?" nauutal kong sambit habang iniiwasan ko siya ng tingin sa mata. Mabilis na umangat ang ulo niya at tingin sa akin. Saglit akong napasulyap sa kaniya at natulala naman ako sa malawak na guhit ng ngiti sa kaniyang labi. Ang nilalang na ito. Paano niya nagagawang ngumiti ng walang magandang dahilan? ang paglalayag sa aking isipan. "Ngumingiti ako dahil nagagalak ang aking puso sa iyong sinabi, mahal na prinsesa." Ang sinabi niya na ikinagulat ko at muli akong natauhan na naririnig nga pala niya ako. Kaya napayuko na lang ako at napangiti. "Nakakahumaling." Mahina niyang sambit na ikinabigla ko at mabilis siyang binalingan ng tingin sa kaniyang mga mata. "Ha? ano ang iyong sinabi?" usisa ko sa kaniya habang kampante lamang siya sa kaniyang sarili. "Huwag mo sanang masamain ang aking sinambit, mahal na prinsesa. Nais ko lamang ipabatid sa iyo na mas maganda ka kung may guhit ng ngiti ang iyong labi." Napakunot noo ako sa sinabi niyang iyon at tila hindi ko maitindihan ang nais niyang iparating sa akin. "Paano mo nasasabi ang mga salitang 'yan sa aking harapan? hindi ka ba natatakot sa akin?" tila nagulat naman siya sa sinabi kong iyon at bigla na lamang lumingon sa aming paligid. "Ako ba ang iyong tinutukoy, Prinsesa Adena?" turo niya sa kaniyang sarili na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. "Bukod sa ating dalawa, sino ba ang iba nating kasama natin dito?" sarkastikong turan ko sa kaniya na pagtango sa aking ulo. Sa hindi malaman na kadahilanan ay napangisi lamang siya habang nakatingin siya sa lupa. Napakunot noo naman ako at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Galit ba siya o natatawa? "Kung may dapat man akong katakutan ang kamahalan po 'yon at hindi kayo, mahal na prinsesa." Magalang nitong tugon sa akin na ikinatalon naman ng aking puso. Hindi ito ang inaasahan kong tugon mula sa kaniya. Subalit nang dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla ako nakaramdam ng kasiglahan at tuwa mula sa aking puso. Siya ang kauna-unahan na nilalang at siya lamang ang nakapagsabi sa akin ng ganoong nakakagaang salita. Hindi siya natatakot sa akin. Ang paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan at pandinig. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko na isa akong ordinaryong imortal na gaya ng iba. Pinilit kong basahin ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit wala akong nahanap na kahit ano mang pag-aalinlangan, kasinungalingan o pagpapanggap sa kaniyang kalooban. Tunay ngang may pagkabusilak ang kaniyang puso, kaya hindi maipagkakaila kung bakit isa siya sa mga paboritong mandirigma ng hari at reyna. At kung bakit malapit ang lahat ng nilalang sa kaniya. "Prinsesa, tungkol sa pabor na hinihiling ko sa'yo. Maaari bang ilihim mo kay Prinsipe Adonis ang mga nakita mo kanina?" nahihayang batid niya na may pamumula sa magkabilaang pisngi niya. Napangiti naman ako at napatango sa aking ulo. "Sige. Hindi ko ipapaalam sa kaniya ang mga nasaksihan ko kanina pero ipangako mo sa akin na mag-iingat ka na sa susunod." Pagkasabi ko ay muli siyang napaangat ng tingin sa akin habang namimilog ang mga mata niya sa sobrang gulat. "Kung ganoon kanina ka pa nariyan?" mahina niyang turan na ikinabigla ko naman. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at naisipan kong tumalikod na lamang sa kaniya. Napapikit ako saglit sa aking mga mata at kinuyom ang dalawa kong kamao dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman ko sa aking sarili. Bakit ko ba 'yon nasabi sa kaniya? baka isipin pa niya na kanina ko pa siya pinapanuod doon. Teka, totoo naman talaga. Kanina pa ako nakatayo rito at kanina ko pa siya pinapanuod. Ang paglalayag sa aking isipan. "Ano?! ka- kanina mo pa ako pinapanuod?" gulat na sabi ni Hyrim mula sa aking likuran. Nanlaki naman ang mga mata ko sa aking narinig. Tila paulit-ulit nabablangko ang aking isipan at nakakalimutan ko na isa nga pala siyang Lawin. Hindi ako lumingon sa kaniya. Bagkus ay siya pa ang nagkusang lumapit at humarap sa akin. "Umamin ka, Prinsesa Adena. Totoo ba ang aking mga narinig?" aniya sa seryosong mukha. "Alam mo, Lawin. Hindi lahat ng iyong naririnig ay totoo at hindi lahat ng iyong nababasa ay dapat mong paniwalaan!" pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay binilisan ko na lamang ang aking paglalakad hanggang sa makalagpas at makalayo ako sa kaniya. "Hindi kaya siya nangalay sa kakatayo rito kanina? hindi kaya sumakit ang mga binti niya?" ang isinaad ni Hyrim sa kaniyang sarili. Ang buong akala ko ay nakalayo-layo na ako sa kaniya. Ngunit paglingon ko sa aking likuran ay napasigaw at nagulat na lamang ako nang makita ko siyang nakasunod sa akin. "Prinsesa!" aniya nang kamuntikan na akong matumba mula sa pagkakabigla ko sa kaniya. Subalit bago pa man madagdagan ang kahihiyang ginawa ko sa araw na iyon ay kaagad naman niya akong nasalo at nahawakan sa aking kamay. Pagkatapos non ay hinatak naman niya ako papunta sa kaniya, dahilan para mapahawak ako sa matipuno niyang dibdib at magtama ang mga tinginan namin sa isa't-isa. Halos nabitawan niya yung isang supot ng manggang pinitas niya kanina sa puno at gumulong-gulong pa ito sa kung saan. Pareho kaming natigilan at natahimik habang nakatitig pa rin kami sa mata ng isa't-isa. "Ang ganda ng 'yong mga mata prinsesa." Mahinang sambit niya sa kaniyang bibig. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad o nakagalaw man lang dahil parang nakadikit ang aking katawan sa kinatatayuan naming dalawa ngayon at parang nalunok ko rin ang sarili kong dila. "Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa? hindi ka ba nasaktan?" saad pa niya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Ang nilalang na ito, papaano niya kaya nagagawang patibukin ang aking puso ng malakas at mabilis na parang pagtakbo ng mga kabayo? ang binulong ko sa aking sarili habang nakatitig pa rin ako sa kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD