Si Hyrim ang kauna-unahang imortal na nakasundo ko sa aming kaharian. Gayunpaman ay hindi pa kami gaanong kakomprotable sa isa't-isa, ngunit kapag kasama ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko at para akong palaging ligtas sa tabi niya.
Madalas ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin at kung minsan ay nakatulala pa nga. Napapangiti na lang ako sa tuwing napapalingon at napapatingin ako sa kaniya, pagkatapos non ay bigla na lamang siyang yuyuko o 'di kaya naman ay tatalikod sa akin.
Hanggang dumating sa punto na parang paunti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Habang lumilipas ang panahon ay para bang mas lalo pang lumalalim ang pagtingin at turing ko sa kaniya.
Naging magkaibigan kaming dalawa na walang ibang nakakaalam. Ako ang humikayat sa kaniya na itago sa lahat ang tungkol sa pagkakaibigan naming dalawa. Ayokong pag-usapan siya, iwasan o saktan ng ibang mga imortal nang dahil sa akin.
Ayokong mapahamak siya ng dahil sa akin.
Nang dahil sa palihim na pagkikita at pag-uusap naming dalawa ay unti-unti kong nakakalimutan ang lungkot na nakasanay ko na nuon.
Madalas akong umuuwi na may guhit ng ngiti sa aking labi at hanggang sa aking pagtulog ay dala-dala ko pa rin ang magandang memorya na pinagsamahan naming dalawa.
Masaya siya kasama at nakakaaliw. Madalas niya akong pinapatawa at madalas din niya akong dinadala sa pampublikong lugar. Nang dahil sa kaniya ay nakakapunta ako sa lugar na maraming imortal. Nakikita ko ang mga bagay na malayo sa palasyo. Nasasaksihan ko ang mga pangyayari na hindi ko madalas nakikita sa loob ng aming kaharian.
Bayan, kung ituring ito ng ilan. May mga namimili at nagbebenta ng kung anu-anong klase ng mga pagkain at gamit.
Pagtatawanan, kuwentuhan at pakikipagtawaran. Lahat ng iyon ay nakita ko sa araw-araw naming pamamasyal doon ni Hyrim.
Nakatakip naman ang aking mukha ng blusang itim kaya walang nakakakita sa maskarang suot ko ngayon at wala ring makakakilala sa akin kung sino ako.
Pero naisip ko na kahit ilantad ko sa kanila ang aking mukha ay hindi nila malalaman na isa akong maharlikang prinsesa.
Abala sa pagtitinda, pagnenegosyohan at paghahanap-buhay ang mga ordinaryong nilalang doon. Mahalaga ang bawat segundo para sa kanila dahil doon nakasalalay ang buhay nila at ng kanilang pamilya.
"Ngayon naiitindihan ko na kung bakit mo 'ko dinala rito." Ang sinabi ko sa kaniya habang naglalakad kaming dalawa sa bayan.
"Ano ang iyong ibig sabihin?" sabay tingin niya sa akin.
"Dinala mo 'ko rito dahil gusto mong ipaalam sa akin ang ibang mundo ng mga nasa labas ng palasyo, tama ba ako?" ang tinugon ko sa kaniya na ikinangisi naman niya.
"Bakit ka tumatawa? may nakakatawa sa sinabi ko?" ang sinabi ko sa kaniya na bigla niyang ikinatahimik.
"Ipagumanhin mo, mahal na prinsesa." Napayuko siya ng kaniyang ulo at naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Hindi ba't sinabihan na kita na huwag mo 'kong tatawaging prinsesa kapag nasa labas tayo ng palasyo?" mahinang saway ko sa kaniya sabay natigilan siya sa paglalakad.
"Kung ganoon ayos lang ba sa'yo na tawagin kita sa'yong pangalan?" napatitig ako sa sinabi niyang 'yon.
"Ano?" ang tangging nasambit ko lamang sa aking bibig.
"Adena?" aniya na may nakakaakit na ngiti sa kaniyang labi na ikinahinto at ikinatulala ko na lamang sa kaniya.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sa aking pangalan na hindi itinuturing na isang maharlikang anak ng hari.
Alam kong napakalapastanganan ang sinabi niyang iyon at maaari siyang mapahamak nang dahil sa pagbanggit niya sa aking pangalan. Ngunit parang kay sarap pakinggan sa tainga ang marinig ang kaniyang boses habang binibigkas ang aking pangalan.
"Ano nga ulit ang iyong sinabi?" Mahinang saad ko sa kaniya habang tinititigan ko naman ang kaniyang labi.
"Adena?" nakangiwing tugon niya na ikinangisi ko na lang din.
"Kalapastangan. Hindi ka ba natatakot na baka ikabuwis 'yan ng iyong buhay?"
"Natatakot siyempre." Mahina niyang turan sa seryosong mukha, kaya bigla ring naglaho ang kaninang guhit ng ngiti sa aking labi. —"Pero kung dahil naman sa'yo ay handa kong ibuwis ang sarili kong buhay." Ang dinugtong niya na ikinabigla ko at saglit akong napatitig sa kaniyang mga mata.
"Ha?" nagtatakang saad ko sa kaniya habang panay naman ang pag-ngiti niya sa kaniyang labi.
Tumaas tuloy ang isang kilay ko at maigi ko siyang pinagmamasdan sa kaniyang mukha. Nang bigla niya akong hapitin sa aking bewang at hinatak papunta sa kaniya na mas lalo kong ikinabigla sa kaniya.
"Kamuntikan na." Aniya habang sinusundan ng tingin ang karong dumaan sa aking likuran na kamuntikan na rin akong matamaan kanina.
Natulala na lamang ako sa kaniyang mukha at para akong biglang nabingi na walang marinig na kahit ano mang ingay mula sa aking paligid.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa ngunit wala man lang akong nararamdaman na pagkakamali sa mga oras na ito.
Alam kong malaking kasalanan ang ginagawa niya sa akin ngayon lalo na ang paghawak niya sa akin ng ganito. Ngunit hindi ko naman siya maitaboy o maitulak man lang papalayo sa akin dahil wala akong nakikitang masama sa kaniya.
Ang lahat ng ginagawa at pinapakita niya sa akin ay sadyang bahagi na ng kaniyang pagkatao. Kaya hindi ko siya masisisi kung makalabag siya ng maraming kautusan ng kamahalan.
Gusto ko sanang manatili pa ng ilang minuto sa ganoong posisyon, subalit kaagad din niya akong nilayuan at binitawan.
"Ayos ka lang po, mahal na prinsesa?" nag-aalalang sambit niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
Nakayuko lang aking ulo at parang nag-iinit ang magkabilaang pisngi ko. Hindi ko siya magawang matignan ng direkta sa kaniyang mga mata at para akong nalulusaw na kandila sa bawat pagsilip niya sa aking mukha.
"Prinsesa? tama ba yung narinig ko?" napalingon na lang kaming dalawa sa estrangherong lalaki na nasa aming likuran.
"Ano raw? prinsesa?" ang sabi naman ng nagtitinda ng prutas na hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.
Nagpalitan kami ni Hyrim ng tinginan sa isa't-isa at parehas kaming kinakabahan ngayon. Lalo pa nung mapatingin at mapalingon silang lahat sa aming dalawa.
"Totoo bang tinawag ka niyang prinsesa?" pangungulit ng lalaki sa akin.
Bigla naman lumapit si Hyrim sa akin at hinawakan ako sa aking kamay na hindi ko naman inaasahang gagawin niya.
"Oo, tinawag ko nga siya prinsesa." Ang sinabi niya sa lalaki na ikinanlaki ng aking mga mata.
"Dahil para sa puso ko, siya lang ang prinsesa." Ang sinabi pa niya na mas lalo kong ikinagulat ko sa kaniya.
Teka, ano ba ang sinasabi ng lalaking 'to?
Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo? paano niya nasasabi ang mga salitang 'yon sa harap ng isang prinsesa? hinahanap ba talaga niya ang sariling kamatayan? ang paglalayag sa aking isipan habang panay naman ang pagtitig at pag-ngiti niya sa akin.
"Hay naku, Eres! nagmamahalan lang naman sila sa isa't-isa pero hinuhusgahan mo na kaagad. Nakarinig ka lang ng salitang prinsesa, ang akala mo talaga ay isa siyang prinsesa. At tsaka napakaimposible namang magpunta ang mga 'yon rito sa napakababang uri ng lugar na katulad nito! sino ba namang dugong maharlika ang lalakad sa maputik at maruming daan, hindi ba?" ang sinaad ng tindera sa kaniya na ikinangisi at ikinatawa na lamang ng lahat maliban sa kaniya.
"Pa- pasensya na." Matamlay niyang sambit sabay tumalikod na siya at lumakad papalayo sa amin.
Sinundan ko siya ng tingin at tila nauusisa ako sa buong pagkatao niya.
Bakit siya naghahanap ng prinsesa at ano ang totoong pakay niya?
Isa ba siyang kalaban o kakampi ng hari? ang binulong ko sa aking isipan habang nakatanaw pa rin ako sa kaniya.
"Huwag mo na lang siya gaanong pagtuonan ng pansin." Rinig kong sabi ni Hyrim kaya nabaling ang tingin at atensyon ko sa kaniya.
Doon ko lang naalala na nakahawak pa rin siya sa aking kamay, subalit kaagad din niya itong binitawan nang mapatingin ako sa kaniya.
"Kilala mo ba siya?" usisa ko sa kaniya.
"Hindi at parang ngayon ko nga lang siyang napansin dito." Ang tinugon niya habang nakasunod siya ng tingin sa misteryosong lalaki kanina.
"Nga pala, tungkol sa sinabi ko kanina." Natigilan siya saglit sa pagsasalita at bumaba ang tingin niya sa lupa.
"Tungkol sa'n?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, wala. Kalimutan mo na lang." Sabay naglakad na siya na hindi tinatapos ang nais niyang sabihin sa akin.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at sumunod din ako kaagad sa kaniya.
Saglit muna akong sumulyap sa lalaking lumapit sa amin kanina at nagkataong nahinto ito sa paglalakad.
Natigilan tuloy ako at para bang nauusisa akong malaman ang tunay niyang pagkatao.
Sa hindi malamang kadahilanan ay parang nararamdaman ko na may konektado kami sa isa't-isa. Kahit anong pilit kong balewalain siya ay parang may humihikayat sa aking isipan na kilalanin siya.
Lumingon ka. Lumingon ka. Ang binulong ko sa aking isipan habang nakatingin pa rin ako sa kaniya.
Tipong gagalaw na sana siya mula sa kinatatayuan niya nang biglang sumulpot sa aking harapan at paningin ang mukha ni Hyrim.
"Halika na at bumalik na tayo sa palasyo, mahal na prinsesa." Nakangiting sambit niya na ikinabigla ko naman, lalo na nang mapagtanto kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Tumango na lamang ako sa aking ulo at muli naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad. Sa huling pagkakataon ay napalingon ako sa kaniya ngunit wala na siya ro'n, hindi ko na siya nahagilap pa sa aming paligid.
Bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.