Kabanata 29

1554 Words
"Sinusubukan mo ba talaga ako?" mahina ngunit mariin na sinambit ni prinsesa Adena sa sariling bibig niya nang tutukan siya ng espada ni Balati sa kaniyang leeg. Nabigla naman ito sa kaniyang narinig at kaagad na inatras ang hawak niyang espada. Mabilis nitong tinungo ang kaniyang ulo at humingi ng tawad sa mahal na reyna. "Ipagumanhin niyo po ang kahangalan na aking ginawa, kamahalan. Marahil ay bigla lamang ho akong nawala sa aking tamang katinuan at nararapat lang ho na mahatulan ako ng mabigat na kaparusahan." Ani ng binata sa kaniya na ikinangisi lamang nito. "Magkukunwari na lamang ako na wala akogn nakita at wala akong nalalaman. Papalampasin ko ang iyong kahangalan ngunit hindi ibig sabihin non ay pinapatawad na kita. Malayo-layo pa ang ating lalakbayin at hindi dapat tayo nag-aaksaya ng oras para sa mga walang kabuluhang bagay." Ang tinugon ni Adena sa kaniya. Pinili na lamang nitong balewalain ang agresibong ginawa ng binata sa kaniya kanina kesa sa patulan ito at pag-aksayahan ng oras, sapagkat alam naman niya sa kaniyang sarili na kahit pagtulong-tulungan pa siya ng mga ito ay sa huli siya pa rin ang magwawagi. "Humayo na tayo bago pa man sumikat ang araw." Dugtong niya. "Subalit paano po si Veles?" isang gerero ang nagsalita mula sa kanilang likuran na ikinalingon ng ilan. Huminto sandali si prinsesa Adena at tsaka bumuga ng malalim na paghinga. Hindi siya lumingon dito bagkus ay tumingala lamang siya sa langit. "Hindi mo ba narinig ang aking isinaad kanina? nang dahil sa walang kasaysayang tanong ay inaaksaya lang natin ang bawat segundong lumilipas." Aniya sa seryosong mukha. Namilog naman ang mga mata ng gererong ito at kaagad ding niyuko ang kaniyang ulo. "Paumanhin po, kamahalan." Ang tinuran niya sa reyna, subalit umiling lamang ito ng isang beses sa kaniyang ulo at hindi na lang pinansin ang kaniyang sinabi. Sinimulan na nilang palakarin ang kanilang mga kabayo at paunti-unti ay lumiliwanag na ang buong kapaligiran nila dahil sa pag-akyat ng haring araw. Namangha naman sila sa kanilang nakita, lalo pa't nung masilayan nila ang nagniningning na tubig mula sa batis. "Ngayon lamang ako nakarating sa lugar na ito. Hindi ko aakalain na may magandang batis pala rito." Ani ng isang lalaking gerero na biglang bumaba sa kaniyang kabayo at manghang-mangha sa bawat nakikita niya sa kapaligiran. Sumunod naman ang ilang mga kasamahan nito at nagsibabaan din sa kanilang mga kabayo, maliban lamang kay prinsesa Adena at kay Balati na tila ay nauusisa tungkol sa batis na kanilang natagpuan. "Hindi maganda ang kutob ko rito," mahinang sinambit nito sa kaniyang bibig na ikinalingon ni Balati sa kaniya. "Ganoon rin po ang aking palagay, kamahalan. Matagal na po akong naglalakbay sa iba't-ibang dako ng Hogon, subalit ngayon ko lamang po natagpuan ang batis na ito." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya na mas lalo nitong ipinagtaka. "Kahit mahaba-habang panahon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin sa aking mga alaala ang unang pagkakataon na pumasok ako sa kaharian ng Hogon. At masasabi ko na hindi kabilang ang batis na ito sa mga nakaraan ko. Ngayon ko lamang ito nakita rito at mukhang may lumalason sa ating imahinasyon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sabay naman silang napalingon sa ilan nilang mga gerero na kasalukuyang umiinom ng tubig mula sa batis na iyon. "Sinabi mo sa akin kanina na dati kang manlalakbay sa lugar na ito. Kung gayon saulo mo ang bawat daan pasilyo rito, tama ba ako? alam mo ba kung nasasaan tayo ngayon? O kung ano ang kasunod sa kagubatan ng mga ibong mandaragit? natatandaan mo pa ba?" sunud-sunod na usisa ni prinsesa Adena kay Balati habang nakababa ang tingin nito at tila nag-iisip ng malalim. "Kung hindi ako nagkakamali, nasa kagubatan pa rin po tayo ng mga mandaragit." Mahina niyang itinugon na ikinabigla nito sa kaniya. "Ano ang ibig mong sabihin?" aniya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. "Marahil ay nakatawid po tayo sa pulutong ng mga manananggal, subalit hindi po pa tayo lubos na nakakalabas sa kagubatan ng mga aswang. Ang batis po na inyong nakikita ngayon ay isa lamang pong ilusyon. Kung tama po ang aking pagkakaalala ay nasa lugar po tayo ngayon ng mga Bangkilan." Ang tinugon nito mas lalo niyang ikinagulat sa kaniya. Muling napatingin si Adena sa mga gerero niyang masayang sumasalok ng tubig mula sa batis na iyon, gamit ang mga lalagyan nilang bote na naubusan ng laman dahil sa lubos na pagkauhaw habang sila ay naglalakbay. "Kamahalan, pinagkuha ko po kayo ng tubig mula sa batis. Akin pong nababatid na natutuyo na rin po ang inyong lalamunan mula sa mahaba-habang paglalakbay.  Huwag po kayong mangamba sapagkat malinis naman po ang tubig na ito at ligtas din pong inumin." Isang lalaki ang biglang lumapit sa kanila at inaalukan siya ng isang boteng tubig na nagmula sa kahina-hinalang batis. Tumingin muna ito kay Balati at tila nagdadalawang isip siya na tanggapin ito. Ayaw sana niyang inumin ang tubig na inaalok sa kaniya rito, ngunit hindi naman niya magawang makatanggi sapagkat nakikita niya ang sinseridad nito. Dahan-dahan niyang inilapit ang isang kamay niya sa lalaki upang kunin yung tubig na inaalok sa kaniya. Kaunting distansya na lamang at mahahawakan na niya ito nang biglang hugutin ni Balati ang kaniyang espada at tsaka ito pinutulan ng kamay na ikinagulat naman ni Adena. Nang dahil doon kaya humiyaw ito ng malakas at nakuha nila ang atensyon ng lahat. Napalingon naman si prinsesa Adena sa kaniya na may bakas ng pagkagulat at pagtataka sa kaniyang mukha. "Anong nangyayari ro'n?" nausisa ang mga gererong kumukuha lamang ng tubig kanina at nagsilapitan sila sa kinaroroonan ng dalawa. "Anong problema? bakit niya ito pinutulan ng kamay?" lahat sila ay nagulat nang masaksihan ang duguang braso ng isang lalaking nakatayo ngayon sa harapan nina Adena at Balati. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mahina ngunit mariin na sinambit ng reyna sa binata. Tumingin naman si Balati sa kaniya na may bakas ng pangamba at guhit ng kunot sa kaniyang noo. "Ano na naman bang kahibangan itong naiisip mo?!" sa pagkakataong ito ay tumaas na ang tono ng boses niya habang galit na galit siyang nakatingin ngayon kay Balati. Bumaba ito kaagad sa kabayo niya at tinanggal ang panyong nakatali sa bandang pulsuhan niya at tsaka ito ginamit na pantakip sa naputulang kamay ng lalaki. Mas lalong nagulat ang mga nakasaksi sa ikinilos ng reyna, lalo na sa biglaang pagtaas niya ng boses. Tila hindi nila inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon nito pagkatapos maputulan ng kamay ang isa nilang kasamahan. Hindi nila lubos na inakalang may pakialam pala ito sa kanilang lahat. Ang buong pagkakakilala lamang kasi nila sa kaniya ay isa itong walang habag na reyna at sarili lamang ang kaniyang iniisip. Kung kaya't mas lalo pa nila itong hinangaan at paunti-unti ay nakukuha na rin nito ang kanilang kalooban at tiwala. Pasimple naman umismid ang dalaga sa gilid ng kaniyang labi habang nakayuko ang ulo niya at tinatali yung panyo sa kamay ng lalaki.                                                                                        Siguro naman sa pagkakataong ito ay hindi na nila ako pagsususpetsahan pa ng kung anu-ano. Ang paglalayag sa isipan ni prinsesa Adena habang panay ang pag-ngiti nito ng patago. Hanga rin naman ako sa isang ito. Dugtong niya sabay sumulyap siya kay Balati na nakatungo lamang ang ulo at may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha. Tinutulungan ba niya ako o sadyang inosente lang talaga siya? "Hindi niyo naman po kailangang gawin ito sa akin, kamahalan." Mahinang tinuran ng lalaki sa kaniya na ikinalingon naman niya. "Ha?" ang tangging nasambit lamang niya. "Kasalanan ko naman po talaga kaya nararapat lamang po ito sa akin," aniya pa na mas lalong ipinagtaka ni prinsesa Adena sa kaniya. Napailing tuloy siya sa kaniyang ulo at tila hindi niya maitindihan ang sinasabi nito ngayon sa kaniya. Nagkataon namang napalingon si Balati sa kanilang dalawa at kaagad din itong bumaba sa kabayo niya. Napansin kasi niya na parang may paulit-ulit itong binibigkas sa kaniyang bibig habang tinititigan niya ito sa kaniyang mga mata. "Kamahalan," tinawag nito ang reyna ngunit hindi siya narinig kaya nilapitan na lamang niya ito. Subalit natigilan at nahinto naman siya kaagad sa paglalakad nang bigla itong tangayin ng lalaki kanina. "Ang mahal na reyna!" sigaw ng isang gerero matapos itong tangayin ng hindi kilalang nilalang. "Hindi maaari." Bulong naman ni Balati sa kaniyang sarili. Muli niyang hinugot ang espada mula sa kaniyang likuran at hinabol ang misteryosong lalaki na dumakip sa kanilang reyna. Nawalan naman ng malay si prinsesa Adena matapos siyang sabuyin ng itim na usok mula sa kaniyang mukha. Karga-karga ito ngayon sa isang balikat niya habang tumatakbo ito ng mabilis. "Anong klaseng nilalang iyon? bakit ang bilis niyang tumakbo?" usisa ni Balati sa kaniyang isipan. Huminto siya sandali ang sumipol sa kaniyang kamay upang palapitin ang kabayo niya, pati na ang kabayong sinasakyan ni Adena. Sumunod din naman kaagad sa kaniya ang mga kasamahan nila at sabay-sabay nilang hinabol ang misteryosong lalaking ito. "Siguraduhin ninyong hindi siya masasaktan at hindi siya magtatamo ng kahit ano mang galos mula sa kaniyang katawan. Ibalik niyo siya sa akin ng ligtas." Ang winika nito sa mga kakampi niya na ikinasang-ayunan at ikinatango na lamang nila ng ulo. Pagkatapos non ay mas lalo pa nilang binilisan ang pagpapatakbo sa kabayo at inihanda ang kanilang mga armas para sa panibagong pagdanak ng dugo.                                                                                                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD