Kabanata 25

1668 Words
"Isang kahibangan ang ninanais nilang mangyari!" malakas na sambit ni prinsesa Adena habang palakad-lakad ito sa kung saan. Kasalukuyang nasa loob sila ng kanilang kuwarto at panay ang kaniyang pagtutol ukol sa sinabi ng matandang babae sa kaniya kanina sa labas ng palasyo na sinang-ayunan naman ng karamihan. "Napapanahon na siguro upang lusobin natin muli ang kaharian ng Drima," ang isinaad naman ni Boris na ikinatigil at ikinalingon ng reyna sa kaniya. "Nahihibang ka na ba?" aniya na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. "Mahaba-habang panahon na rin ang nakakalipas, Adena. Marahil ito na ang ating pagkakataon upang sakupin ng tuluyan ang buong kaharian ng Drima. Hindi ba't ito rin naman ang iyong layunin nuon pa man?" wika niya habang bakas sa mukha ng dalaga ang lubos na pangamba. "Sapat na ang ilang taong nakalipas upang maipagpatuloy natin muli ang ating mga nasimulan, hindi ba?" dugtong nito. Imbis na tumugon ay tumalikod na lamang ito sa kaniya. Tumungo siya sa katabing bintana at bumuga ng malalim na paghinga. Lumapit naman si Boris sa kaniya at niyakap siya nito sa bandang likuran niya at tsaka ipinatong ang sariling mukha sa balikat ni Adena. "Ito na ang iyong pagkakataon upang mapatunayan sa kanila na higit kang mas makapangyarihan sa lahat," bulong niya sa tainga ni Adena, "At ito na rin ang aking pagkakataon upang magampanan ko ang mga ipinangako ko sa iyo nuon." Dahan-dahan niyang pinaharap sa kaniya ang dalaga at hinawakan ito sa kaniyang pisngi habang direkta niya itong tinititigan sa kaniyang mga mata. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Adena. Hindi ka lang basta isang reyna ng Hogon, kun'di reyna ng buong kaharian. Walang sino man ang makakapagpapigil sa ating dalawa at hindi ko hahayaang may humadlang sa ating mga pinaplano, sapagkat isusugal ko pati ang sarili kong buhay para lamang sa iyo, aking mahal na reyna."  Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinapit niya ito sa kaniyang bewang at marahang hinalikan sa kaniyang labi. Tinanggap naman iyon kaagad ni Adena at ipinatong pa ang dalawa niyang braso sa balikat ni Boris, pagkatapos non ay pinikit na niya ang kaniyang mga mata at naging mapusok pa lalo ang mga sumunod na pangyayari. Hingal na napahiga sa kama ang dalawa. Nasa ibabaw niya si Boris na walang saplot na damit sa kaniyang pang-itaas habang tinititigan nila ang isa't-isa. Walang salitang bumibigkas sa kanilang mga labi, tangging ang mga nangungusap lamang nilang mga mata ang siyang nagsisilbing bibig para sa kanilang dalawa. Banayad niyang sinimulang halikan ang labi ng dalaga, pababa sa kaniyang leeg. Halos napapatingala naman si Adena sa bawat senyasong dulot ng ekspertong mga labi nito. Saglit na napatigil si Boris at napatitig sa mukha niya. Tila mas lalo pang tumindi ang init na nararamdaman niya ngayon sa kaniyang katawan, lalo pa nang masilayan niya ang nagpipigil at nasasabik nitong mga mata. Gumuhit lang ang maikling ngiti sa gilid ng kaniyang labi at pinatakan niya ng dalawang halik sa noo ang dalaga at tsaka muling umatake ng nagaalab na halik sa kaniyang labi habang naglalakbay naman sa kung saang bahagi ng kaniyang katawan ang isang kamay ni Boris. Sa pagkakataong iyon ay hindi lamang labi at leeg niya ang narating ng kaniyang dila, dahil pababa ito ng pababa patungo sa pinakamaselang bahagi ng kaniyang katawan. "Boris," ang ungol ni Adena. Halos mapaliyad siya sa sensasyong nararamdaman niya, lalo pa nung abutin nito at sakupin ng buong kamay niya ang kanang dibdib ng dalaga. Isang kamay lamang ang ginamit ni Boris upang tuluyan niyang mahubaran ang dalaga. Walang kahirap-hirap niya itong winasak at itinapon na lamang sa kung saan. Pagkatapos non ay huminto siya sandali upang alisin ang natitirang saplot sa kaniyang katawan. Nang maitapon na niya ito sa sahig ay muli niyang binalikan ang labi ng dalaga at mas lalo pang lumalim ang pagkakahalik niya rito na halos malunod na si Adena sa mapusok niyang halik. Muling binaba ni Boris ang kaniyang tingin patungo sa puson ng dalaga. Doon pa lamang ay sumabog na ang makatirik matang sensasyong dulot ng kaniyang sistema. Napakagat siya sa ibabang labi at napasabunot sa buhok ni Boris. Maya-maya pa ay lumaki ang kaniyang mga mata sa pagyanig na naramdaman niya mula sa katawan. Mainit, mahapdi at nakakahumaling ang bawat paggalaw niya rito. Wala siyang ibang nabanggit bukod ang tawagin ito ng paulit-ulit sa kaniyang pangalan. Unti-unting tumutulo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata habang siya ay nakatingala sa kisame. Magkahalong sakit at ligaya ang dulot ng pagpatak ng kaniyang mga luha. Ilang sandali pa ay bumagsak na si Boris sa balikat ng dalaga. Hingal na hingal ito at pawisan ang buong katawan niya. Maging si Adena ay napagod din sa kanilang ginawa, kaya hindi niya namalayang napapikit na siya ng kaniyang mga mata at nakaidlip habang nasa ibabaw pa rin niya ito. Tatlong beses na pagkatok mula sa labas ng pinto ang nagpabangon kay Boris mula sa kama. Pinulot niya sa sahig ang puting tunika at mabilis itong isinuot sa kaniyang sarili. Lumingon muna siya kay Adena na mahimbing ang pagkakatulog at tinakpan ito ng kumot hanggang sa balikat niya. Tahimik at maingat siyang naglakad patungo sa pintuan upang hindi niya magising ang dalaga. Nang marating na niya ito ay dahan-dahan naman niya itong binuksan at lumabas siya ng kuwarto. Bumungad sa paningin niya si Balati, ang tapat niyang kabalyero na siya rin namang kanang kamay niya sa palasyo. "Bakit ka naririto? natapos mo na ba ng mahusay ang pinapagawa ko sa iyo?" mahinang usisa ng hari sa kaniya. Tumango na lamang sa ulo si Balati at nilisan nilang dalawa ang silid na iyon. Nagtungo sila sa librerya ng palasyo na walang ibang nakakaalam, bukod sa kaniyang mga kawal. Huminto sila sa pinakadulong istante ng mga libro at lumingon-lingon sa kanilang paligid upang kumpirmahin na walang ibang nakasunod sa kanilang dalawa. Tumingin muna si Boris kay Balati, pagkatapos ay tumango ito ng dalawang beses sa tatlong kawal na kasama nila ngayon. Inikot naman ng tatlo ang isang istante ng mga libro at tsaka tumuloy sa loob sina Boris at Balati. Sikretong silid iyon ng palasyo. Tangging si Boris, Balati at ng ilan pa niyang mga kawal ang siya lamang nakakaalam tungkol sa siketong silid na iyon. Ginagamit lamang nila iyon kapag may importante at sikreto silang pagtitipon ng mga iba pa niyang kakampi. Isa na roon si Gord, ang tinaguriang "God of underworld," na siya namang pinakamatalik na kaibigan ni Boris. Si Gord ang dahilan kung bakit nakalaya si Boris mula sa gubat na pinagtaguan sa kaniya ng hari ng Drima. Siya rin ang tumulong sa kaniya na makabalik sa dating trono niya bilang hari ng Hogon. Si Gord din ang pansamantalang namalakad sa buong kaharian nila noong siya ay ikinulong sa pribadong lugar ni Hykos, ang pangalan ng hari sa Drima. Kung kaya't malaki ang utang na loob niya rito at malaki rin ang tiwala niya sa kaniya. Nuon pa man ay napag-usapan na nilang dalawa na gagamitin nila si prinsesa Adena upang sakupin ang buong kaharian ng Drima. Nakaplano na ang lahat bago pa man niya makilala ang dalaga. Subalit walang kaalam-alam si Boris na ginagamit lang din siya ni Adena upang pagharian ang buong kaharian ng imortal. Iisa lamang ang layunin nilang dalawa ngunit magkaiba sila ng pamamaraan sa paggamit ng isipan at puso. Unti-unti na kasing nahuhulog si Boris kay Adena at dahil doon ay nagugulo ang kaniyang mga pinaplano. Nalilito siya kung ano ba ang kaniyang uunahin o susundin, ang tinitibok ba ng kaniyang puso o ang sinasabi ng kaniyang isipan? Tila nakukutuban naman ni Gord na parang may kakaiba sa mga ikinikilos nito. Kung kaya't napagpasyahan niya na bisitahin ang matalik niyang kaibigan na walang ibang nakakaalam. "Kamusta na ang matalik kong kaibigan?" sumalubong si Gord sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Tila hindi naman nasiyahan si Boris nang muli silang magkitang dalawa at parang napipilitan pa itong ngumiti sa kaniyang labi. "Hindi ka ba natutuwang makita ako? mali bang pumunta ako rito ngayon?" dugtong nito. "Hindi sa ganoon, lubos lamang akong nasopresa sa muli mong pagbisita sa palasyo. Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong sinadya rito ngayon?" ang sinabi niya pagkatapos niyang makaupo sa dating puwesto. Sumunod naman ito ng tingin sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kaibigan. Nakarating sa akin ang balita na may balak siya, (si Adena) na lusobin ang nakangisnan niyang kaharian, ang palasyo ng Drima." Wika niya sa seryosong mukha. Sinandal naman ni Boris ang kaniyang likuran sa upuan at bumuga ng malalim na paghinga. "Hindi ko inaasahan na parang paglipat lamang ng agila ang pagdating sa iyo ng balita," aniya habang prente niya itong pinagmamasdan sa kaniyang mukha. Napangisi naman si Gord sa sinambit ng kaniyang kaibigan at nilingon niya ito sa mukha. "Ano ang nais mong iparating sa akin, kaibigan? pinagdududahan mo ba ang pagiging tapat ko sa iyo? o baka naman iniisip mo na may ipinapasok akong espiya sa loob ng iyong palasyo?" halos matawa-tawa pa siya sa kaniyang pagsasalita habang nililibot niya ng tingin ang bawat mukha ng mga kawal nito at isa na roon si Balati, na nasa bandang likuran lamang niya. Tumingin naman si Boris kay Balati, at tila ba'y pati siya ay pinagsususpetsahan na rin niya. Sensitibo kasi siya sa ganoong klaseng usapan, lalo kapag may kinalaman sa espiya. Isa kasi sa mga pinakaayaw niya ay yung sinasaksak siya ng patalikod o pinagkakampi-kampihan siya ng walang nalalaman. Bagamat nakukutuban siya ng hindi maganda ay pinili pa rin niya na pagkatiwalaan ang matalik niyang kaibigan na si Gord at pati na rin ang tapat niyang alipin na si Balati. Naisip kasi nito bigla na hindi niya kayang mapagtagumpayan ng mag-isa lang ang mga pinaplano nila, lalo na't si Gord pa naman ay may pinakamaraming nasasakupan na mandirigma. Kung kaya't isinantabi na lang muna niya ang mga balakid na gumagambala sa kaniyang isipan ngayon at pinagtuonan na lamang niya ng atensyon ang matagal na nilang pinaplanong gawin, iyon ay ang sakupin ang buong kaharian ng Drima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD