Kabanata 21

1635 Words
Sabay-sabay na nagsilapitan ang mga prinsesa sa reyna habang nakahandusay ito sa lupa at naliligo sa sarili niyang dugo. "Prinsesa, ano pa ang iyong hinihintay? ito na ang iyong pagkakataon upang maisakatuparan ang lahat ng mga pinaplano mo." Ang binulong ni Boris kay prinsesa Adena habang nakatulala ito sa labi ng kaniyang ina at may bakas ng pagkabalisa sa kaniyang mukha. "Inang reyna, huwag mo kaming iwan pakiusap." Humahagulgol sa pag-iyak si prinsesa Hianor, ang ikalabing-isang prinsesa na tinaguriang, "Goddess of wind." Habang nasa tabi naman nito si prinsesa Haiji na panay din ang paghagulgol sa sinapit ng kanilang ina. "Prinsesa, ano pa ba ang hinihintay mo?" pagpupumilit ni Boris sa kaniya. Ngunit imbis na tumugon at sundin ang inuutos nito sa kaniya ay dinampot na lamang niya sa lupa ang itim niyang maskara at tsaka ito tinalikuran. "Prinsesa, saan ka pupunta?" usisa ni Boris sa kaniya na kaagad din namang sumunod sa kaniya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na nila muling nasilayan pa si prinsesa Adena at Boris sa kanilang kaharian. Basta ang pagkakaalam nila ay sumama ito sa hari ng kadiliman at piniling mamuhay sa kaharian ng mga kasamahan, kung saan naroroon ang mga imortal na may itim na mahika o taglay na kapangyarihan. Kabilang doon ang mga nilalang na katulad ng bampira, engkanto, ligaw na kaluluwa, aninong itim, demonyo, manananggal, mangkukulam at kung anu-ano pa. Tinawag na "Hogon," ang pangalan ng kanilang kaharian. Kung saan ang kasalukuyang namumuno roon ay si prinsesa Adena na siyang ginawang reyna nila at kalaunan ay pinakasalanan nito ang tinaguriang, "God of death and darkness," na si Boris. Samakatuwid ay napilitan lamang siya na magpakasal upang maisakatuparan nilang dalawa ni Boris ang mga pinaplano nila. Kailangan niya itong pakasalanan upang maging reyna siya sa kaharian ng Hogon at upang sundin siya ng mga alipin nila roon. Marami kasi ang tumutol noong siya ay pinakilala ni Boris bilang bagong pinuno ng kanilang kaharian, marahil ay dahil sa isa siyang dugong maharlika at nagmula sa kaharian ng Drima. Kung kaya't napagpasyahan na lamang nilang dalawa na magpakasal para wala ng humadlang pa sa mga binabalak nilang gawin. Lumipas man ang mahabang panahon, ang agenda ni prinsesa Adena para sa kaniyang sarili ay hindi pa rin naman nagbabago. Iyon ay ang maangkin ang trono ng hari at sakupin ang buong kaharian ng Drima. Tila mas lalo pa siyang naging matapang, sakim at marahas, magmula no'ng pinili niyang mamuhay kasama ang mga kampon ng kadiliman. Pagkatapos masawian ng buhay ang kaniyang inang reyna ay hindi na niya muling isinuot pa ang maskarang ilang libong taon na niyang ginagamit upang pangtakip sa kaniyang mukha. Hindi nagtagal ay nahanap din niya ang malakas at makapangyarihang mambabarang na naglagay ng sumpa sa kaniyang mukha. Nang matuklasan nito na isa na siyang reyna ng kanilang kaharian ay kaagad din nitong inalisan ng bisa ang sumpang matagal nang nakatali sa kaniyang buhay at pagkatapos non ay kinitilan niya ng buhay ang mga imortal na naging sanhi ng kaniyang paghihirap sa libong taon. Hindi na niya kailangan pang gamitin ang itim na maskarang ibinigay ng hari sa kaniya upang itago ang kaniyang sarili sa lahat ng nilalang. Kaya walang pag-aalinlanganan niya itong itinapon sa kung saan-saan na lang at tsaka siya tumungo pabalik sa palasyo ng Hogon. Habang nakasakay siya sa maharlikang karwahe ay panay naman ang pagsunod ng tingin at pagtitig sa kaniya ng bawat kalalakihang imortal na kanilang makakasalubong sa daan o madadaraanan. Maraming leeg ang pumipilit sa kakalingon at kakasunod ng tingin sa kaniya. Mayroon pa nga'ng naglalakad na biglang napapahinto kapag siya ay nakikita. Pagkarating nila sa tapat ng malaking tarangkahan ng Hogon ay laking gulat naman ng mga tagapagbantay nila sa labas nang makita ang napakahaba at napakaraming kalalakihang nakapila mula sa likuran ng karwaheng sinasakyan ng dalaga. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ito ng palasyo at nagpakita sa publiko na walang suot na kahit ano mang panakip sa kaniyang mukha. Malakas lamang ang kaniyang loob na ilantad sa lahat ang sarili niyang kagandahan dahil malaya na siya sa sumpang binitawan ng mga mangkukulam sa kaniya. Kaya naman ang kaniyang kagandahan at pangalan ay mas lalo pang nakilala at mas lalo pang kinabaliwan ng mga kalalakihan. Isa si Boris sa mga hindi nakaligtas sa nakakahumaling na kaanyuang taglay ng dalaga. Hindi niya itatangi sa sarili na habang tumatagal ay mas lalo itong gumaganda sa paningin niya. At mas lalo pa niyang nakikita ang mukha ng reyna sa dalaga, kung saan namana nito ang kaniyang kagandahan sa kaniyang ina. Kung minsan ay nagugulat na lamang siya sa tuwing napapalingon ito sa kaniya, lalo na kapag nakatayo ito sa harap ng bintana na madalas ginagawa ni Nara o ng reyna nuon. Si Nara ang unang nakikita niya ngunit sa oras na siya'y magsalita ay bigla siyang napapayuko o napapaiwas ng tingin sa kaniya dahil tsaka lamang niya naaalala na si prinsesa Adena nga pala ang kaharap niya. "Bakit parang gulat na gulat kang makita ako? may kakaiba sa aking mukha?" usisa ng dalaga sa kaniya habang hinahawakan nito ang sarili niyang mukha. "Wa-wala naman." Nauutal na tinugon ni Boris sa kaniya habang nakatingin lamang ito sa sahig. "Sigurado ka ba?" aniya sabay dinampot nito ang kaniyang katoptikos, na siyang ginagamit niyang salamin upang tignan ang sarili niyang mukha. "Mukhang maayos naman ang aking mukha ngunit bakit nabibigla ka na lamang sa tuwing ako ay iyong nasisilayan?" ang winika ng dalaga habang tinitignan pa rin ang kaniyang sarili sa harap ng katoptikos. Hindi naman nakatugon kaagad si Boris sa sinabi ni prinsesa Adena sa kaniya. Panay pa rin ang pagsasalita at pagtatanong nito sa kaniya habang paunti-unti naman siyang tinitignan ni Boris sa kaniyang mukha. "Ano kaya sa tingin mo ang dapat kong isuot para bukas?" ang tinanong ni prinsesa Adena kay Boris na nakatulala at nakatitig lamang sa kaniya. "Boris?" binanggit pa nito ang kaniyang pangalan ngunit parang hindi pa rin siya natatauhan at lumulutang sa kung saan ang kaniyang  isipan. "Boris!" sa pangalawang pagkakataon ay nakuha rin niya sa wakas ang atensyon nito at bigla na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata. "Tinatawag mo ba ako?" tanong niya na ikinataas naman ng isang kilay ng dalaga. "Ano ba ang nangyayari sa'yo at bakit parang napakalayo naman yata ng iniisip mo riyan? may problema ba tayo, Boris? o baka naman," huminto ito sandali sa kaniyang pagsasalita at binaba sa katabing lamesita ang paborito niyang katoptikos. "Alam ko na maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa akin. Subalit nagtataka pa rin ako magpahanggang ngayon kung bakit hindi ka man lang nahuhulog sa akin, gayong araw-araw na ikaw ang kasama ko?" Ang dinugtong pa ng dalaga habang dahan-dahan itong lumalakad papalapit kay Boris na nakasunod lamang ng tingin sa kaniya. Huminto lamang ito sa harapan niya at pinatong ang kaniyang kanang kamay sa balikat ng binata na may malagkit na titig sa kaniyang mga mata. "A-ano ang iyong i-ibig na sabihin?" nauutal niyang sinambit sa dalaga habang sinusundan ng tingin ang malikot at mapaglarong darili ng dalaga na umaakyat ngayon sa leeg niya pataas sa kaniyang mukha. Hindi niya itatanggi na nakakaramdam siya ng matinding nerbiyos ngayon at parang sasabog na ang kaniyang puso dahil sa palakas ng palakas na pagtibok nito. "Umamin ka nga sa akin, Boris." Nakangiwing wika ni prinsesa Adena sabay inilapit ang kaniyang mukha sa binata. "Hindi mo ba talaga ako nagugustuhan?" pabulong niyang dinugtong na nagpangilabot kay Boris dahil naramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa kaniyang mukha na mas lalong nagpainit sa kaniyang katawan. Imbis na magsalita ay umiwas na lamang siya ng tingin sa dalaga habang parang kitikiti na hindi mapakali ang kaniyang leeg at hindi alam kung saan ba siya titingin. Napansin naman ito ni Adena at hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti nang makita ang naging reaksyon ng binata nung siya ay lumapit sa kaniya at bumulong sa kaniyang tainga. Nakita niya na hindi pala siya iba sa lahat ng lalaking nakilala at nakaengkwentro niya, dahil natuklasan niya na pinipigilan lamang ni Boris ang kaniyang sarili na mahulog sa kaniya kung kaya't ganoon na lamang ang pag-iwas ng tingin nito sa dalaga. "Tumingin ka sa akin," mahinang sinaad niya sabay inangat niya ang mukha ni Boris habang nakahawak siya sa baba nito. Subalit umiwas pa rin ang binata sa kaniya at nasa ibaba pa rin ang tingin nito. "Tumingin ka sa aking mga mata," aniya sa seryosong mukha. Sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan naman siyang inangat ng tingin ni Boris at muli itong nanghina nang masilayan ang mga mapupungay niyang mga mata. "Palagi mo itong tatandaan. Sa akin ka lang dapat titingin at hindi sa ibang mata, naiitindihan mo ba?" mahina niyang sinambit na ikinatango na lamang sa ulo ni Boris. Pagkatapos niyang makita ang itinugon nito sa kaniya ay tsaka naman niya dinampian ng maikling paghalik sa labi ang binata na ikinabigla nito. Namilog ang mga mata nito sa sobrang gulat at mas lalo pa siyang napatitig sa mga mata ng dalaga. Muli lamang napangisi sa labi ang pilyang dalaga at tsaka niya ito marahang itinulak sa balikat upang mas lalo itong pasabikin sa kaniya. Hindi na nagpapigil pa si Boris sa init ng pagmamahal na nararamdaman niya para sa dalaga. Mapangahas niya itong nilapitan at hinapit sa kaniyang bewang na ikinabigla at ikinatahimik ng dalaga. "Hindi mo dapat hinahamon ang isang halimaw na katulad ko." Ang salitang binigkas nito sa sarili niyang bibig habang tinititigan niya ang maliit at mapula-pulang labi ng dalaga na mas lalong nagpagising sa pagkakalalaki niya. "Ano ang binabalak mong gawin sa akin?" kinakabahang tanong ni prinsesa Adena sa kaniya. "Aalilain kita sa gabing ito at sa akin lamang ang buo mong kaluluwa." Ang tinugon lamang niya at pagkatapos non ay sinungaban niya ng mapusok na paghalik sa labi ang dalaga na mas lalo nitong ikinabigla sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD