Kabanata 18

1570 Words
Sa hindi kalayuan ay tahimik namang nanunuod ang hari sa kaniyang trono habang nasa bandang likuran naman niya ang ilan pa niyang mga anak na prinsesang nakatingin din sa kinaroroonan ni prinsesa Adena. "Nasaan ang reyna?" mahinang tanong niya kay prinsesa Aurora na mas malapit sa kaniya. Napalingon tuloy ang dalaga sa paligid nila at tinanong ang ilan pa niyang mga kapatid kung napansin ba nila ang kanilang inang reyna ngunit walang nakapagbigay sa kaniya ng maayos na sagot. "Bakit hindi ninyo alam? hindi ba kayo magkakasamang lumabas kanina ng palasyo?" ani ng hari sa kaniya na may halong poot sa tono ng kaniyang boses. "Ang totoo po niyan ay kanina ko pa po siya hinahanap magmula no'ng nasa palasyo pa lamang po kami ngunit hindi ko po napansin ang inang reyna." Ang tinugon ng dalaga na ikinakunot noo ng ginoo sa kaniya. Kaagad itong sumenyas sa isa niyang kawal na kaagad din namang lumapit sa kaniya. "Mahal na hari," sabay niyuko nito ang kaniyang ulo upang magbigay galang sa kaniya. "Hanapin niyo ang reyna at huwag na huwag kayong babalik ng palasyo hanggat hindi niyo siya nakikita." Ang inutos ng hari sa kaniya na ikinabigla naman ni prinsesa Aurora. "Ano po ang inyong ibig sabihin, amang hari?" usisa ng dalaga na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. "Malakas ang aking pakiramdam na isa sa kanila ang inyong inang reyna." Aniya habang nakatanaw siya sa kinaroroonan ni prinsesa Adena. Sinundan naman ito ng tingin ni prinsesa Aurora kung saan may mga nagkukumpulang imortal na galit na galit sa kaniyang kapatid. "Imposible," ang mahina niyang sinambit sa kaniyang bibig. "Walang imposible sa reyna. Kilala mo naman ang iyong ina, gagawin niya kung ano ang nasa isipan niya kahit ikapapahamak pa niya ito." Ang tinugon ng hari sa kaniya na direkta lamang nakatingin kay prinsesa Adena. "Kung ganoon, paano kayo?" ani ni prinsesa Aurora na ikinatingala at ikinalingon ng hari sa kaniya. "Ano ang iyong ibig sabihin?" usisa nito sa kaniya. "Hindi lang kayo basta hari ng inyong kaharian, ngunit isa ring ama sa aming magkakapatid. Uupo na lamang ba kayo riyan at papanuorin ang pagpaslang sa inyong anak?" ang tinuran ni prinsesa Aurora na may pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. "Hindi mo naiitindihan ang iyong sinasabi. Mabigat na kasalanan ang nagawa ng inyong kapatid at ginagawa ko lamang ito para sa ikabubuti ng ating kaharian." Ani ng hari sa dalaga. "Tama kayo. Ginagawa niyo lamang ito bilang isang hari at hindi bilang isang ama sa amin, tama ho ba ako?" wika ni prinsesa Aurora sa kaniyang ama. "Prinsesa Aurora!" saway ng hari sa kaniya na bigla namang napatayo. Tumulo naman ang luha sa mga mata ng prinsesa at tsaka ito nilayuan. "Hahanapin ko po ang reyna." Ang sinabi lamang niya sabay tumalikod na siya at lumakad papalayo sa hari. Sinundan naman siya ng ilan pa niyang mga kapatid hanggang ang hari na lamang ang naiwan doon kasama ang ilan pa niyang mga kawal. Napabuga na lamang siya ng malalim na paghinga at pabagsak na umupo sa kaniyang trono habang sinasapo ang sariling noo gamit ang isa niyang kamay. "Maghiwalay-hiwalay tayo. Kailangan nating mahanap ang reyna bago pa man may manyaring hindi maganda sa kaniya nagkakaitindihan ba tayo?" utos ni prinsesa Aurora sa mga nakababata niyang kapatid. "Sandali, saan naman namin siya hahanapin?" usisa ni prinsesa Gai sa kaniya, ang pangwalo nilang kapatid at ang tinaguriang, "Goddess of Love." "Maaaring kasama siya roon." Turo ni prinsesa Aurora sa mga nagkukumpulang imortal na ikinasunod naman nila ng tingin. "Ano?!" gulat na sabi ni prinsesa Glius, ang "Goddess of rain." "Sinasabi mo ba na naroroon ngayon ang ating inang reyna?" tanong ni prinsesa Hianor kay Aurora, ang panglabing-isang anak ng hari at tinaguriang, "Goddess of wind." "Maingat kayo at huwag niyong ipapahalata sa kanila ang tunay niyong pagkatao, naiitindihan niyo ba ako?" ani ni prinsesa Aurora na ikinatango na lamang nila ng ulo. "Sandali lang," tipong magwawatak-watak na sana sila nang bigla silang pigilan ni prinsesa Ceel, ang binansagang "Goddess of dawn." "Bakit, anong problema Ceel?" tanong ni prinsesa Ceer sa kaniya, ang kakambal niya na tinawag namang "Goddess of moon and war." "Nakukutuban ako ng masama rito sa ating gagawin." Ang itinugon ni prinsesa Ceel sa kaniyang mga kapatid na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha. Saglit silang natahimik sa sinabi ni prinsesa Ceel at nagpalitan sila ng tinginan sa isa't-isa na halatang kinakabahan. Alam kasi nila na hindi nagsisinungaling si prinsesa Ceel dahil isa ito sa mga kakayahan niya ang makita o maramdaman ang mangyayari sa hinaharap. "Ang reyna," nabasag na lamang ang katahimikan nila nang biglang magsalita si prinsesa Dima, ang ikapitong prinsesa na binansagan namang "Goddess of health." Sabay-sabay silang napalingong lahat sa tinutukoy ng dalaga at laking gulat nila nang matanaw ang ina nilang reyna na nabibilang sa mga nagkukumpulang imortal. Nakatalukbong itim na kapa ito at pasimpleng humahakbang papalapit kay prinsesa Adena. "Katulad ng sinabi ko sa inyo kanina, mag-iingat kayo." Ani ni prinsesa Aurora sa kaniyang mga kapatid na kaagad din namang naglaho gamit ang kakayahan niya sa bilis. Sumunod din naman kaagad sa kaniya ang ilan pa niyang mga kapatid at iisa lamang ang patutunguhan nila, iyon ay ang makalapit sa ina nilang reyna. Ngunit hindi iyon naging madali para sa kanila. Dahil napagtanto nila na sobrang dami palang nagkukumpulan doon, hindi 'gaya ng kanilang inaasahan. Nahinto sa isang gilid si prinsesa Aurora habang hinahanap niya ang ina niyang reyna. Subalit nahirapan siyang hagilapin ito dahil panay ang pagtulak sa kaniya ibang mga imortal at tila mas lalo pa siyang napapalayo sa kinaroroonan nito. Gustuhin man niyang sumigaw o tawagin ang kaniyang ina, ngunit alam niya na maaari niya itong ikapahamak. Lalo na kapag natuklasan nila isa siyang prinsesa at isa sa kanila ngayon ay ang reyna ng kanilang kaharian. Sa kabilang banda naman kung nasaan ang tatlong kambal na sina prinsesa Ceel, Ceer at Cei. Na patuloy rin sa paghahanap sa reyna ay hindi rin nakalagpas sa pagkukumpulan at kagulan ng mga nilalang na naroroon. "Cei!" sigaw ni prinsesa Ceer sa isa niyang kakambal nang bigla itong bumitaw sa kaniyang kamay at nahiwalay sa kanila ni prinsesa Ceel. "Nasaan ka, Cei?!" sigaw naman ni prinsesa Ceel habang hinahanap ang isa nilang kakambal. Naisama kasi ito ng ilang mga nilalang na umaatras at umaalis sa kanilang mga puwesto. Pero dahil siksikan sila roon at walang espasyo ay naitulak siya nito papalayo sa kaniyang mga kapatid. "Ina, nasaan ka na ba?" ang nagsalita naman ay si prinsesa Lorde, ang ika-anim na prinsesa at binansagang "Healer" sa kanilang kaharian. "Lorde, anong ginagawa mo rito?" biglang nalipat ang atensyon niya sa kaibigang nakasalubong niya roon. Kung saan hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao o na isa siyang maharlikang anak ng hari. "Na-naandito ka rin pala." Nauutal niyang sambit habang hindi mapakali ang kaniyang mga mata at panay ang pagtingin sa kung saan-saan. "Sino ba ang hinahanap mo riyan?" pabirong saad nito sa kaniya na nakikihanap din ng tingin sa kaniya kahit hindi nito sigurado kung sino ba ang hinahanap niya. "Ahh, wa-wala naman." Ang tinugon na lamang niya upang hindi na ito magtanong pa ng kung anu-ano sa kaniya. "Nga pala, gusto mo bang sumama sa akin?" nakangiting tanong nito sa kaniya. "Saan?" aniya. "Basta sumama ka na lang sa akin." Nang bigla siyang hawakan nito sa kamay at hinigit paalis doon sa kinaroroonan nila. "Sandali lang! saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha. "Malalaman mo rin." Ang tinugon nito sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay. Naisin man ni prinsesa Lorde na tumanggi sa inaalok niya ay hindi naman niya magawa dahil alam niya na masyadong matalas ang pag-iisip ng kaniyang kaibigan at mas lalo pa itong magtatanong sa kaniya kung mananatili lamang siya roon. Kaya sa huli ay sumama na lang siya sa kaniya kahit labag ito sa kaniyang kalooban. "Nakita niyo na ba siya?" ang nagtanong naman ay si prinsesa Dima, ang ikapitong prinsesa at ang "Goddess of health." Ang kasama niya ngayon ay si prinsesa Gai, ang "Goddess of Love." "Hindi. At hindi ko rin makita ang ilan nating mga kapatid." Mahinhin nitong tugon kay prinsesa Dima. "Ako rin. Hindi ko sila makita. Ano na ngayon ang gagawin natin? mukhang tama si Ceel, kinukutuban din ako ng hindi maganda rito." Pabulong na isinaad ni Dima kay prinsesa Gai. "Sandali lang," sabi ni prinsesa Gai sabay hinawakan sa braso si prinsesa Dima. "Bakit? anong problema?" usisa nito sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Sino ang lalaking 'yan?" ang tinugon niya na ikinalingon naman ni prinsesa Dima sa tinutukoy niya. "Bakit parang pamilyar sa akin ang kaniyang mukha?" ang dinugtong pa niya habang nakatingin silang pareho sa maliit na entebladong kinaroroonan ni prinsesa Adena, kung saan may isang misteryosong lalaki ang nakatayo roon ngayon na may hawak na matalas at malaking palakol na ginagamit nila sa pagpupugot sa ulo para sa mga nakagawa ng mabigat na pagkakasala sa kamahalan. "Tama ba itong nakikita ko ngayon?" ang nagsalita naman ay si prinsesa Glius na biglang sumulpot sa bandang likuran ng dalawa habang nakatitig din ito sa misteryosong lalaki. "Hindi maaari." Ang sinambit naman ni prinsesa Aurora sa kaniyang bibig nang mapalingon siya sa maliit na entebladong kinalalagyan ni prinsesa Adena. Maging si Nara, ang reyna ng kanilang kaharian ay nagulat din nang makita si Boris na nakatayo ngayon sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD