Kabanata 15 : (Adena's Pov)

1656 Words
"Nakikiusap ako sa'yo, Prinsesa Adena. Iba na lamang ang iyong mahalin at huwag ang aking anak." Kasalukuyang nakaluhod sa aking harapan si ginoong Lik, ang ama ni Hyrim at panay ang pagsusumamo nito sa akin na lubayan ko ang kaniyang anak. "Hindi mo rin pala ako maiitindihan. Kahit anong salitang bumigkas sa aking bibig ay hindi ninyo paniniwalaan." Ang tinugon ko sa kaniya habang nakayuko ang aking ulo. "Ano pa bang pagmamakaawa ang gusto mong gawin ko upang layuan mo lang ang anak ko?" saad pa niya sa akin. Hindi ako nakatugon kaagad sa sinabi niya at panay lang ang pag-iling ko sa aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata. "Paslangin mo siya. Ang isang mababang uring nilalang na katulad niya ay walang karapatan upang tumutol sa'yong mga kagustuhan, kamahalan." Kanina pa may bumubulong sa aking tainga at hindi ko maitindihan kung saan nanggagaling ang boses na iyon sapagkat sa tuwing lilingon naman ako sa aking paligid ay wala namang ibang nilalang doon maliban lang sa aming dalawa. "Parusahan mo siya, aking prinsesa." Ang sinaad pa nito sa akin hanggang sa napatakip na lamang ako sa aking tainga at patingin-tingin sa paligid. "Prinsesa Adena?" tawag sa akin ni ginoong Lik. Subalit sa mga sandaling iyon ay wala roon sa kaniya ang aking atensyon, bagkus hinahanap ko ang boses na kanina pang bumubulong sa aking tainga. "Tumigil ka na. Tumigil ka na, pakiusap!" ang paulit-ulit kong pagsusumamo sa kaniya. "Papaslangin mo siya o ako ang papaslang sa kaniya?" pagkasabi niya ay natigilan naman ako at nahinto sa aking ginagawa. Nagmistula akong bato na nanigas mula sa aking kinatatayuan at tangging ang mga mata ko lamang ang naigagalaw ko. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong isang lalaki na nakaitim at nakatakip ang kaniyang mukha ng itim na maskara na may pagkakahawig sa maskrang suot ko ngayon. Napatayo naman si ginoong Lik sa kaniyang nakita at bakas sa mukha niya ang lubos na pagkagulat nang makita ang lalaking iyon. Sino siya? at bakit parang nakikilala siya ni ginoong Lik? ang paglalayag sa aking isipan na may bakas ng pagtataka sa aking mukha. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya habang naglalakad ito papalapit sa akin. "Lumayo ka sa kaniya," ani ni ginoong Lik, matapos niya akong hawakan sa braso at hatakin papunta sa likuran niya. "Anong ginagawa niyo?" usisa ko sa kaniya ngunit hindi niya ito sinagot. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon at muli tayong pinagtagpo ng tadhana, Lik. Ang matapang at tapat na kanang kamay ng hari, tama ba ako?" ani ng misteryosong lalaki sa nakakapangilabot na boses. "Magkakilala kayong dalawa?" ang tinanong ko sa ginoo na ikinatingin lang niya sa akin ngunit kaagad din binalingan ng tingin ang nilalang na nasa harapan namin ngayon. Pinagmasdan ko ito mula ulo hangggang paa at pabalik. Napansin ko na nababalutan siya ng itim na anino sa buong katawan niya kaya natuklasan ko rin kaagad na isa siyang alagad ng kadiliman. "Paano ka nakatakas?" ang tinanong naman ni ginoong Lik sa kaniya na ikinahalakhak lamang nito. "O bakit parang gulat na gulat ka yatang makita ako? hindi ka ba makapaniwala na nasa harapan mo na akong muli?" ang tinugon nito sa kaniya na walang halong pangamba o pag-aalinlangan. "Sino ang tumulong sa'yong makatakas, Boris?" mariin niya binanggit ang pangalan nito na ikinagulat ko naman. Boris? tama ba ang aking naring na tinawag niyang Boris ang nilalang na ito? ang paglalayag sa aking isipan habang nakatingin ako sa lalaking tinutukoy niya. Si Boris ang tinaguriang, "God of death and darkness." Sa madaling salita siya ang kinikilalang hari sa kaharian ng kadiliman o kasamaan. Siya ang pinuno ng mga nilalang na may taglay na itim na mahika at sumpa. Dating matalik na magkaibigan ang mahal na hari at si Boris, ngunit dahil pinagtaksilan siya ng ama kong hari at pinakasalan ang babaeng wagas niyang iniibig (si inang reyna,) ay naghasik ito ng kasamaan at kadiliman sa buong kaharian ng Drima. Mula sa pagiging magkaibigan ay naging isang malakas at makapangyarihang kalaban na siya ngayon ng kamahalan. Subalit sa unang paghaharap nilang dalawa ng hari ay natalo siya nito at ikinulong sa isang madilim at nakakatakot na bangin. Pinagsamang lakas at kapangyarihan ng mga diwata at bathala ang ginamit sa bangin na iyon upang masiguradong hindi na muling magigising at makakalaya roon ang mapanganib na halimaw na si Boris. Subalit laking pagtataka at pagkagulat na lamang ni ginoong Lik nang bigla itong sumulpot at magpakita sa aming harapan. Buong-buo ang katawan at mataas ang kumpiyansa sa kaniyang sarili na animoy kahit anong oras ay kaya nitong pumaslang ng bawat nilalang na haharang sa kaniyang madadaraanan. "Sa wakas nagkita rin tayo, kamahalan." Ang sinabi nito sa akin sabay lumuhod sa aking harapan at niyuko ang kaniyang ulo upang magbigay pugay sa nakakataas. Napalingon naman si ginoong Lik sa akin na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Napakunot noo naman ako sa ginawa ni Boris at nakaramdam ako ng pangamba na baka maisipan ni ginoong Lik na ako ang tumulong sa kaniyang makalaya. "Ano ang ibig sabihin ng mga ito?" ang sinabi ng ginoo sabay umatras ito at lumayo sa akin. "Nagkakamali kayo ng iniisip, ginoo. Hindi ko kilala ang lalaking 'yan." Todong tangging sambit ko sa kaniya na ikinangisi naman ng Boris. Napatingin kaming dalawa sa kaniya habang tumatayo ito sa puwesto niya at panay ang pagbubungisngis niya. "Bakit? ngayon ka lang ba nakakita ng hari na lumuluhod sa harapan ng kaniyang reyna?" wika niya na mas lalo naming ikinagulat. Napatingin muli sa aking si ginoong Lik na magkasalubong ang dalawa niyang kilay at bakas sa mukha niya ngayon na naghihinala siya sa akin. "Lapastangan! alam mo ba kung ano ang iyong sinasabi?!" galit kong isinaad kay Boris habang nakakuyom ng madiin ang dalawa kong kamao. "May mali ba akong nasabi, aking reyna?" nakangiwing aniya na mas lalo kong ikinagalit sa kaniya. "Tama na!" sigaw ko. "Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa ngunit gusto kong umalis ka na ngayon din at kung maaari lang ay huwag na huwag mo ng ipapakita sa akin muli ang pagmumukhang 'yan!" sabay tinalikuran ko na siya. "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit nakatakip din ng maskara ang aking mukha?" ang tinuran niya na ikinahinto ko sa aking paghakbang. "Huwag kang makikinig sa kaniya, prinsesa. Umalis ka na at bumalik ka na sa palasyo ngayon din!" utos ni ginoong Lik sa akin, ngunit hindi ko siya pinakinggan at lumingon pa ako sa kaniya. "Hindi ka ba nauusisa kung ano ang nasa likod ng maskarang ito?" ang dinugtong pa ni Boris na mas lalo kong ipinagtaka. Aaminin ko kanina pa nga hindi mapalagay ang isipan ko sa tuwing napapatitig ako sa maskarang suot niya. Iniisip ko kung ano kaya ang itsura ng mukha niya o kung bakit nakatakip din ng maskara ang kaniyang mukha? ang paglalayag sa aking isipan habang nakatingin si ginoong Lik sa aking kinaroroonan. "Hindi, prinsesa Adena. Huwag kang makinig sa kaniya, pakiusap." Ang sinambit ng ginoo ngunit binabalewala ko lamang. "Halika, prinsesa. Lumapit ka sa akin at ikaw mismo ang tumuklas kung ano ang nasa likod ng maskara kong ito." Malumanay na ani ni Boris sa akin. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay para bang kusang humahakbang ang aking mga paa patungo sa kaniya. Nakatitig ako sa mga mata niya at may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko maitindihan kung bakit ganito na lamang kagaan ang pakiramdam ko sa kaniya ngunit sa kabilang banda ay alam ko naman na hindi ko siya dapat na paniwalaan dahil isa siyang mapanganib na kalaban. "Tama, ganiyan nga aking prinsesa." Mahinang sambit niya. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa harapan niya at sobrang lapit ko na sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinala sa kaniyang mukha. "Alisin mo ang maskara ko, prinsesa." Pagkasabi niya ay kaagad niyang binitawan ang aking kamay at hinayaan lamang ako na tanggalin ang suot niyang maskara. Dahan-dahan ko naman itong inalis at nagulat na lamang ako nang masilayan ko sa wakas ang kaniyang mukha. Hindi ko itatanggi ang kagandahan ng kaniyang itsura at hindi maipagkakaila kung bakit nabihag niya ang puso ng inang reyna. Subalit sa kabila ng nakakahali niyang panlabas na anyo ay may nakamarka namang mahabang guhit mula sa kilay niya pababa sa kaniyang kaliwang mata hanggang sa pisngi niya. Nanginginig kong hinawakan ang pilat sa kaniyang mukha at sinundan ang guhit pababa gamit ang isa kong daliri sa aking kamay. Natigilan at napatitig na lamang ako sa kaniyang mga mata nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay kong iyon. "Ikaw at ako ay hindi nagkakaiba ng mundo. Katulad mo ay pinagkaitan din ako ng kaligayahan at inilayo rin sa akin ang babaeng lubos kong minamahal." Pabulong nitong saad sa akin habang nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. "Huwag kang makikinig sa kaniya, prinsesa Adena!" ani ni ginoong Lik, subalit sa mga sandaling iyon ay tangging si Boris lang ang aking nakikita at naririnig. Pakiramdam ko ay sa aming dalawa lang ni Boris tumatakbo ang bawat oras at habang tumititig ako sa kaniya ay para bang paunti-unti na rin niyang nalalason ang aking isipan at puso. "Sino ang gumawa nito sa'yo?" usisa ko sa kaniya na may bakas ng pag-aalala sa aking mukha. "Gusto mo bang malaman kung sino ang sumira sa aking mukha?" aniya at tumango na lamang ako sa aking ulo. "At bakit gusto mo namang malaman?" ang dinugtong pa niya na may guhit ng ngiti sa gilid ng kaniyang labi. Sa mga sandaling iyon ay nabaling naman ang aking atensyon at tingin sa nakakaakit niyang labi. "Gusto kong paghigantihan ka." Ang tinugon ko na ikinabigla naman niya. "Anong sinabi mo?" gulat niyang sabi na may guhit pa rin ng ngiti. "Gusto kong parusahan ang sumira sa iyong mukha at nagkait sa iyo na lumigaya." Sabay inangat ko siya ng tingin sa kaniyang mukha at hinawakan ko ang pisngi niya na mas lalo niyang ikinangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD