Isang oras lang ang lumipas ay dumating rin si Sir Nash at ma'am Kara. Napahinto pa ako ng makita ko ang kanilang mga mukha na tila binagsakan ng kay bigat na problema.
Ibinigay ko rin kay Sir Nash ang envelop. Basi sa reaction niya, halatang alam na niya ang laman doon.
Kaagad rin silang umalis ni ma'am Kara. Ginamit nila ang helicopter patungong San Isidro. May importanteng tao raw kasi silang pupuntahan doon.
May iniwan lang siya sa akin na trabaho. Pinaresched niya lang naman ang lahat ng appointments niya para mamaya at para bukasan rin.
Tinapos ko na lamang ang lahat ng gawain sa opisina. Maaga rin akong makakauwi dahil wala na rin namang mag-uutos sa akin.
***
6:00 p.m ay kaagad kong pinuntahan si Bell na nasa kabilang gusali lamang.
Nakita ko siya sa see through window na nagpupunas ng mga table. Napangisi ako.
Ang totoo niyan. Pagmamay-ari talaga nila itong coffee shop. Grounded kasi siya ngayon dahil sa kagagahan niya kaya pinatrabaho siya ng daddy niya. E, wala siyang magawa, lahat ng bank account niya nakahold. Kaya ito siya nagsusumikap makahanap ng pera. Puro kasi gala, e.
Napansin niya naman ako. Kaagad akong kumaway sa kanya at pumasok sa coffee shop.
Nakangisi ako habang nakatitig sa kanya. Ang sipag talaga nito. Tinaasan niya naman ako ng kilay na siyang nagpabusangot sa akin.
"Maganda ang mood mo, ah? Ikaw babae, ha, hindi ko na talaga malaman, baka may sayad kana talaga ."
"Grabi ka naman!" Mabilis akong napaismid at umupo sa may window seat.
Rinig ko pa ang pagtawa niya. Bumaling muli ako sa kanya. Bumalik siya ulit sa pagpupunas. Ang sipag!
"Oh, ano na?!" sigaw ko sa kanya habang nakangisi ulit.
"Anong ano na?!" sinigawan niya naman ako pabalik at sinamaan pa ako ng tingin. Napabungisngis na lamang ako.
"Gumala na tayo habang may time ako ngayon! Manood tayo ng sine!"
"Hoy, ano mo ako? jowa?! Baka pagkamalaman pa akong bisexual, no!" Nalaglag naman ang aking panga sa kanyang sinabi. Aba-t!
"Kahit babae walang papatol sayo." Sinamaan ko siya ng tingin. Kaagad akong napabungisngis nang makita kong nanlaki ang kanyang mga mata.
Umaksyon pa siyang tila nasasaktan sa dibdib na siyang lalong nagpahagikhik sa akin.
"Aray! Ang sakit no'n, ah!"
"Sige na kasi! Buti nga ngayon, oh! Free ako!"
"Bakit, nasaan naman ba ang boss mo?"
"Gumala, e, kasama ang asawa niya."
"Aba, Iba rin 'yang boss mo, no." Bumalik na rin siya sa pagpunas.
"Mukhang may problema nga yata sila, e."
"Ano naman?"
Nagtaas-balikat ako. "Ewan. Ayts! Bakit ko ba sila pino-problema, ha? Tara na kasi!" Pangungulit ko pa rin.
"Mamaya pa ang out ko, babae ka." Tumalikod siya at nagtungo sa ibang lamesa at doon muling nagpunas.
Pinagcross ko naman ang aking legs.
"Mamayang?"
"Seven!"
"May nagkakape pa pala sa mga oras na 'yon?"
"May hating-gabi pa nga, e. At teka bakit hindi mo alam? Hindi kaba nagkakape sa gabi?"
"Hindi. Pagstress lang. At hindi kaagad ako nakakatulog. Baka mapuyat pa ako."
"Try mo rin ulit."
"Ayaw ko. Ayaw kong mag-emote sa gabi." Busangot ko namang sagot at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko alam pero sandaling bumigat ang dibdib ko.
Nakita ko naman sa gilid ng aking mata ang paghinto niya. Muli akong napalingon sa kanya. Napa-irap naman ako ng nginisihan niya ako.
"Oh, namimiss niya na ang parents niya. Ang taas rin kasi ng pride mo, e. May pa I want to be free ka pang nalalaman. "
"E, ayaw ko ngang maagang itali! At baka panget pa ang ipakasal nila sa akin, no! No way!"
Napabuhakhak naman siya ng malakas.
"Kaloka talaga. Oh, siya maiwan na nga kita muna dyan. Hintayin mo ako kung kaya mo!" sigaw pa niya sa akin at nagsimula ng bumalik sa loob ng counter.
Napahagikhik ulit ako. "Kaya ko!"
PAGKA-out niya sa shop ay nagtungo kami sa condo niya dito sa Pasay. Sosyal di'ba? Grounded pero may pa condo pa rin.
Hinihintay ko siyang matapos magbihis. Unexpected kasi itong gala namin ngayon. Minsan lang rin kasi akong mag-aya dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw. Buti nga ngayon dahil medyo nakawala ako sa gapos.
"Let's go! Nakaready na ako! Oh, 'yan lang ba ang suot mo?"
Lumabas na siya sa kwarto niya at nagpose-pose pa sa harapan ko. Tsk, parang boyfriend niya akong naghihintay sa kanya.
Buti na lang talaga at maganda itong bestfriend ko. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa suot niya ngayon na fitted dress. Litaw na litaw ang makinis niyang kutis sa hita at braso. Hula ko sa bar ang bagsak namin nito mamaya.
Napaismid ako. "Oo, wala naman kasi akong dalang damit." Mataray kong sagot kanya.
"Ay, sos, napakakuripot na babae. Parang madadala sa langit ang damit."
Napanganga ako sa kanyang sinabi. "Malas talaga 'yang bunganga mo, no?"
"Hahahahah!" Bumungisngis naman siya ng malakas at napahawak pa ng tiyan niya.
"Ito na lang, pahihiramin na lang kita ng damit!"
Napataas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Madali siyang bumalik sa kwarto niya at maya-maya lang ay lumabas at may dala ng sleeveless mini dress na color white at black boots.
"Tadaaa!" Itinaas pa niya ang dress para ipakita ito sa akin ng buo.
"Ang iksi naman niyan!" Reklamo ko dahil sa liit nito
"Ay, gusto mong pang nanay?" Mahina naman akong natawa sa kanyang sinabi.
"Ang ganda kaya nito! Oh, white strap dress. Ito, may boots pa. Maganda 'yan!" Inabot niya ang mga ito sa akin.
Tinanggap ko naman ito at muling sinuri. Maganda nga naman. Ngayon pa lang siguro ako makakasuot ng ganito ulit sa hinaba-haba ng panahon.
"At hindi ko pa 'yan na gagamit. Kaya ano pa ang hinihintay mo, bihis na!"
Napailing na lamang ako sa kanya. Tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto niya. Kaagad akong nagbihis. Sandali kong tiningnan ang aking sarili sa salamin ng maisuot ko na ang dress at boots.
Napangiti ako.
Lumabas na rin ako ng silid. Nakita ko naman si Bell sa sala na agad ring bumaling sa aking gawi.
Kita ko pa ang pagnganga niya.
"Ang ganda mo, Caelynn Leah! Pak na pak!" Nabungisngis ako sa kanya.
"Mas maganda ka!"
"Sino pa nga ba ang magbubulahan, kundi tayo lang din!"
Nagbuhakhakan kami dalawa. Loko talaga ng babaeng 'to.
"Sira ka talaga!"
"Oh, tara na!" Nauna na rin siyang lumabas. Sumunod lang naman ako sa kanya.
"Let's ready to party!" Hiyaw pa niya ulit. Napabungisngis na lang talaga ako sa kanya.
"Magsi-sine tayo!" Bulaslas ko naman.
"Ah, oo nga pala."
NAGTUNGO na nga kami sa sinehan. Nanood kami ng dalawang movie. Una naming pinanood ay iyong movie na 'Fall' na halos hinila yata ang kaluluwa ni Bell sa takot. May fear of heights kasi siya. Napakagaling naman kasi ng pagkagawa ng movie.
Ang kwento kasi ay tungkol sa magkaibigan na nagtungo sa pinakataas na tower para daw i-face ang fear nila. E, mga tanga pala sila, e! Well, kahit sa kabobohan nila, nakaka-acknowlegde rin talaga ang determination nila. So, ayon nga, na stock sila doon sa itaas dahil nasira ang mga hagdan at isa na lang sa kanila ang naka-uwi ng buhay. Oh, di ba, spoil.
Iyak naman ng iyak itong kasama ko.
Ang sunod na movie naman ay 'Orphan' which is masasabi kong nag-enjoy akong panoorin. Iyong bida kasi ang villain. At ang ganda pa ng twist!
Halos matrauma naman si Bell, kaya kahit plano ko pa sanang manood pa ng isa pang movie ay kaagad na niya akong hinila palabas ng sine.
"Ano ba naman 'yong pinapanood natin! Nakakatakot!" Bulaslas niya kaagad ng makalabas kami.
"Ang ganda kaya no'n."
"Heh! Ikaw lang ang nag-enjoy! " Napangisi naman ako.
"Kain na nga muna tayo. Nagugutom na ako, e."
Nagtungo rin kami sa isang top restraurant at doon kumain. Nagsimula na rin kaming kumain.
"Alam mo, feeling ko tayo talaga ang nakatadhana." ani ko.
Naubo naman siya sa aking sinabi. Kaagad ko siyang inabutan ng tubig. Hindi ko panigilang mapangisi ulit.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Caelynn Leah! Kadiri ka!"
Mahina na akong napahalakhak.
"Kasi di' ba, Ilang years na rin naman tayong single-"
"Ikaw lang 'yon! May ex kaya ako," Ismid naman niya.
"May ex ka?" Intriga ko namang tanong.
"Oo, no! Kaso sabi niya, 'hindi ako ang para sayo, makakahanap ka pa ng lalaking mas higit pa sa akin at mas magmamahal pa sayo ng totoo. Di'ba, ang sakit kaya no'n! " Umaakteng na naman siyang tila nasasaktan at umiiyak.
Napangiwi na lamang ako. Ang OA talaga nito.
"Oh, 'wag ka nang umiyak. Sabi sayo tayo na lang, e."
"Hhe! Kadiri ka! "
Natawa na lamang ako sa kanya sabay irap.
PAGKATAPOS nga naming kumain ay kaagad kaming nagtungo sa isa sa expensive bar dito sa BGC.
"Let's party!"
Napangiwi ako sa lakas ng music nila dito. Alas-onse na nang gabi at mukhang natamaan na ng alak ang iba. May sobrang hype na. May super intimate at wild na ring nagsasayaw. Hays.
Sobrang lawak naman ngayon ng ngiti ni Bell at nagsisimula na rin niyang igiling ang kanyang katawan sabay sa beat ng kanta.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? May pasok pa ako mamaya." saad ko sa tainga niya.
"Ano ka ba naman! Minsan lang 'to, no! At ngayon lang ulit ako nakapasok sa club. Halika na!"
"Argh, Fine."
Tuluyan na nga niya akong hinila patungong bar counter.
"Baby, give me the finest drinks you have! 'Yong nakakalasing kaagad!" Naglean siya sa counter at tinitigan ng malagkit ang bartenders. Nakita ko namang tila nahiya itong lalaking sinisimulan niyang gayumahin.
Napangiwi ako sa kanya. There she goes again. She is using her deadly charm.
"There you go, ma'am." Mahinhin namang saad nitong lalaking bartender.
"Thank you, baby. Muwaahh!"
I can't help but to look at her with disgust in the face. May pa flying kiss pa siya sa lalaki. Iyong lalaki naman ay sobrang nahihiya na sa kanya. Pero mukha nag-e-enjoy naman ito. Pinagtutukso pa ito ng mga co-workers niya. Hays, babae na 'to talaga. Paasa naman.
Humarap siya sa akin at tinawanan lang ako bago niya nilunok ang hawak niyang baso.
Iniabot pa niya sa akin ang isang baso.
"Hindi ako iinom!" agad kong sigaw sa kanya. Tawa naman siya ng tawa. Alam niya naman na hindi ako umiinom sa labas. I prefer drinking alone.
"Ay, sos! Akin na nga lang 'to!" Kaagad niya ri nilagok ang pangalawang baso.
Napailing ako. Ayts, sino na lang maghahatid sa babaeng 'to! Lagot talaga siya ng kuya niya mamaya.
Luminga na lamang ako sa paligid. Mas dumami pa ang sumasayaw sa dance floor at sa stage. Doon ko naman napansin ang isang babae na nag-iisang sumasayaw sa isang stage.
I think she is having time to herself. Tinitigan ko ito. Parang may kamukha siya.
"Sino 'yang babae?" tanong ko kay Bell. Napalingon naman siya at tiningnan ang direksyon kong saan ako nakatingin.
"Si Alena. Alena Reyes. She is known for a girl who party to much. Anak rin 'yan ng mayamang business tycoon dito sa bansa. Ang mga Reyes." Sandali akong napahinto sa kanyang binanggit na pangalan.
Reyes? So, kapatid siya ni Ma'am Kara? Kaya pala ang ganda niya.
"Ang ganda niya." Hindi ko naman mapigilang mapahanga rito.
Nakita naman ng gilid ng aking mata ang pagngiwi ni Bell. Tila hindi siya makapaniwala. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Can't believe this." Umiling pa siya. Napagtanto ko rin ang kanyang naging reaksyon.
"Hindi ba pwedeng humanga sa ganda niya? E, maganda naman talaga siya e."
"Well, she is." Nagpatuloy naman siya sa napag-inom.
Luminga muli ako sa ibang bahagi. Hindi naman sinadya na magtungo ang aking mata sa kabilang counter kung saan kumunot ang aking noo dahil tila may nakita ako doon na pamilyar sa akin na lalaking nakatalikod.
Nanlaki ang aking mata ng makilala ko ito. Paano ko naman hindi makikilala, e halos kabisado ko na yata ang presensya at katawan ng lalaking iyon kahit nakatalikod pa siya!