Dito ba siya dumiretso pagkatapos niyang umalis kanina? "Neil?" Banggit ko sa pangalan niya habang nakatitig pa rin sa kanya. Walang ilang segundo niyang nilalagok ang basong hawak niya. May bote rin siyang kaharap niya. Halatang na siya lamang mag-isa ang nag-iinom. Akala ko pa naman chick boy ang lalaking 'to. Hindi naman pala. "Neil? Neil Smith?" sabat naman ni Bell at napalingon na rin sa gawi ni Neil. "Umalis 'yan kanina sa office, e. Dito pala siya nagpunta." "Ah, e'di hayaan mo na lang 'yan. Di'ba kaaway mo naman 'yan. " Hindi ako siya pinansin at na kay Neil pa rin ang aking paningin. Now I realize that I always see his bad side, and I'm completely missing what he really is. He is nothing I expected to be. Alam ko naman na mabait siya kaso sa ibang tao lang kasi siya mabai

