Pumasok na rin ako sa office. Hindi kami sabay pumasok ng lalaking iyon dahil maaga siyang nagising at umalis. E, eight o'clock pa naman ang pasok ko. Hinding-hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin kanina. Pilit ko mang kalimutan kaso nagpo-pop up talaga sa utak ko, e! Ramdam na ramdam ko pa nga ang kiliti sa baba ko. Hayst. Pagkarating ko sa office ay wala doon si Sir Nash. Nasa San Isidro pa yata sila ni Ma'am Kara. Siguro ay gumagawa na sila ng baby! Ayts, sana all talaga sa kanila. Deserve rin naman nila ang isa't isa. Tiningnan ko na lamang ang schedule ni Sir Nash ngayon. Inayos ko na rin ang mga paper works niya. May meeting kasi siya dapat mamaya. Well, ako na naman ang makakapunta nito. Nasaan kaya ngayon si Neil? Nasa office na rin kaya siya? Ayts, ano ba, Ca

