"Come here." Hinapit niya ang beywang ko at binuhat ako. "Neil!" Bahagya ko pang nakita ang ngisi sa labi niya. Manyakis talaga! "Ibaba mo ako!" Nagpupumiglas ako ngunit kinuha niya ang aking kanang hita at iniharap sa kanya. Napulupot ko naman kaagad ang aking mga hita sa baywang niya at napakapit na rin sa leeg niya. "Neil!" sigaw kong muli ngunit hindi niya ako pinansin. Ibababa ko sana ang kanang paa ko ngunit mabilis niya naman itong nahawakan ng mahigpit. Sinamaan ko siya nang tingin at binulyawan ulit. "Bababa ako!" "No." "Neil! Umhppp!" Sandaling nanlaki ang aking mata ng angkinin niya ang aking labi, ngunit agad ring napapikit ng mariin. Hayst! Agad ko namang tinugon ang halik niya. Mag-iinarte paba ako? "Uuhm.." Napaungol ako sa bawat galaw ng labi niya. Naramdaman ko

