Lumipas ang dalawang araw ay balik na naman kami sa dati ni Neil. Bwesit siya! Akala niya naman gwapo siya! Kung maka-ignore sa akin WAGAS! Wala naman akong ginawa sa kanya! Lintek na lang ang walang ganti! Pumasok ako sa opisina ni Sir Nash. Nakita ko naman siyang nakaupo doon sa sofa. Hmp! Ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Wala ba siyang opisina?! Papansin! "Hmp!" Hindi ko siya pinansin o binalingan man lang. Akala mo, ah. Inilagay ko sa table ni sir Nash ang mga documents. Sa dalawang araw ring lumipas ay hindi na nga umaabsent pa si Sir Nash. Mukhang hindi na rin sila nagkikita ni Ma'am Kara. Hindi na rin kasi siya napadaan dito e. Kamusta na kaya ang kapatid niya? Nakauwi na kaya si Alena? Wala kasing lumabas na balita tungkol sa nangyare sa kanya. Pinanatili talaga ni

