"So, ano ngang nangyare kagabi? Saan mo siya inuwi?" tanong sa akin ni Bell. Buti na lang at natigil na ang panghahampas niya sa akin. Nagdadalawang-isip naman akong sagutin ang tanong niya lalo na at katabi ko ang asong nasa gilid ko na sumisipsip na ng kape. Bahala na nga. "Sa apartment ko." agad kong sagot. "What?! Bakit doon?" "E, hindi ko maalala kung saan ang condo niya, e." "Hindi maalala o gusto mo lang talaga siyang i-uwi sa apartment mo?" Kita ko naman ang ngisi sa labi niya. "Hindi, ah! Hindi ko lang talaga matandaan." Pagra-rason ko pa rin. E, hindi ko nga kasi matandaan. "Tss, palusot mo. So, may nangyare?" Hindi kaagad akong makasagot sa tanong niya. Naiwang nakaawang ang labi ko. Naalala ko naman ang ginawa niya kanina. Ang paghagod ng dila niya at pagkuskos ng

