Pasado-alas onse na kami ng gabi umuwi ni Neil. Hinatid niya ako sa apartment ko. "Salamat sa paghatid sa akin. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng ngiti. Nakatayo siya ngayon sa may pintuan. Tinaasan niya naman ako ng kilay na siyang nagpataas rin ng kilay ko. "Who said i'm going home?" "Huh?" Nilampasan niya ako at pumasok siya sa loob ng apartment ko. Agad ko namang siyang sinundan at napanganga ako ng dumiretso siya sa kwarto at padabog pang huminga sa kama ko! "Hoy! Bat ka humiga dyan?!" Agad akong nakaramdam ng gigil sa kanya. Dumapa siya at kinuha ang unan ko at inilagay sa ulo niya. Aba't! "Pagod ako sa byahe. Come here," Itinaas pa niya ang kamay niya. Tinabig ko naman iyon at hinila siyang paalis ng kama ko. "Ahh! Umalis ka dyan! Madudu

