Sinulit namin ni Neil ang oras na magkasama. Ni hindi matanggal- tangal ang ngiti sa mga labi namin. Nakakataba ng puso ang dinner date na inihanda niya para sa amin. Napaka-effort, e. Hindi ko inakala na ganito siya ka romantic. Nang matapos rin kaming kumain ay nagtungo naman kami sa balcony at doon dinama ang masarap na simoy ng hangin at tinanaw ang naglalakihang building sa Makati. May sofa doon kaya doon kami naglalambingan at nagbubulahan. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapahanga sa kalawakan. Sobrang dami ng mga bituin sa langit, na parang nakikisalo rin sa date namin. "Thank you, Neil, sa date. At sa foods. Nabusog ako." ngiti kong pasasalamat sa kanya. Nasa likod ko siya at nakasandal ako sa dibdib niya. Nakapulupot din ang braso niya sa tiyan ko. "You're welcome."

