"Daan muna tayo sa shop." wika ko. Nasa loob na kami ng kotse niya ngayon. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin at hinahalik-halikan pa ito habang ang mga mata ay nasa unahan. "Why?" Kinabig niya ang kotse at tuluyan na nga kaming nakalabas sa underground. "Babayaran ko 'yong utang ko." "What the-" Mahina naman siyang natawa. Huminto rin kami sa labas ng coffee shop. Agad akong lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng shop. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Neil. Agad na hinanap ng aking mata si Bell. Ngunit napakunot ang noo ko ng hindi ko siya makita sa loob. Nasaan naman kaya ang babaeng 'yon? Nalipat naman ang paningin ko sa may hagdan. May bumaba doon na isang magandang babae na kaagad ko ring nakilala. Nagtungo siya sa loob ng counter. Mabilis naman akong lumapit doon. "Hi

