Muli na namang nag-init ang pisngi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. Pero panaka-naka ko rin siyang tinitingnan. Para na siguro akong pusa ngayon na nagpapacute sa kanya. Napapakagat-labi pa ako para pampadagdag cuteness. Eeeeekk! Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Mukhang nag-eenjoy pa nga siya sa pagtitig sa akin. Enebe, Neil! Pinapakilig mo ako lalo, e! Ang nakaka-init pa ng puso sa mga titig niya ay wala itong halong pagnanasa o kalokohan. Gentle talaga siyang nakatitig sa akin na parang ako lang ang babaeng pinakamaganda sa paningin niya. Patuloy pa rin ako sa pagpacute dahil alam kong nakatitig siya sa akin. Ngunit sa muling pag-angat ko ng tingin sa gawi niya ay nahagip naman ng mata ko si Sir Nash na nakatitig sa akin ng may pag-tataka. Nakataas pa iyong kilay niya.

