JAKE’s POV HATINGGABI nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang ospital sa probinsya. Ang lugar na ‘yon ay ang probinsya nila Hanna. Alam ko ‘yon dahil minsan na akong niyaya ni Phoenix sa kanila. Naaksidente raw si Gino sabi ng nurse na kausap ko at ako raw ang nasa emergency contact ni nito kaya ako ang pinapupunta sa ospital. Pero parang ayokong maniwala. Aksidente? Kahapon lang sobrang saya niya pang nag-send sa ‘kin ng picture ng baby niya noong nanganak si Hanna. Nambubuwisit pa si gago. Iniinis niya ‘ko sa pagsasabi na mas maganda raw ang anak niya kaysa sa anak namin ni Phoenix. Tapos ngayon naaksidente siya? “Is this prank?” tanong ko sa nurse na kasalukyan pang nasa kabilang linya. “Hindi po, sir.” Nagsimula na siyang magpaliwanag at sinabing kritikal ang lagay ni Gino ka

