TWO YEARS LATER . . . HANNA’s POV TWO years old na si Rain. Sobrang dami ng pagbabago hindi lamang sa kaniya kun’di pati na rin sa akin. Sa aming mag-ina. Dahil ang plano ko sanang ipagpatuloy ang pag-aaral ko ay napurnada dahil kay Phoenix. Last year kasi kasi ay nai-launched na niya ang sarili niyang clothing brand. At si gaga, dahil kilala raw ako ng mga customers niya dati dahil sa pagli-live ko, aba, ako ang kinuhang model para sa mga tinda niyang damit. Akala ko noong una ay basta na lamang niya iyon ipasusuot sa akin tapos pi-picture-an ako gamit ang phone niya at iu-upload sa page niya. Pero hindi. Hindi basta-basta gano’n ang nangyari. Nagkaroon kami ng bonggang photoshoot. May mga professional make-up artist na nag-ayos sa akin at nagulat na lamang ako na makalipas ang ilang

