Chapter 80

1940 Words

HANNA’s POV ANG totoo, hindi naman talaga ako naiihi. Kinailangan ko lang pumunta sa banyo para doon ilabas ang emosyon ko. Dahil ayoko nang ipakita sa mga tao sa paligid ko na umiiyak na naman ako. Mas lalong ayokong makita nila mama at papa ang luha ko dahil lalo lamang magiging masama si Gino sa paningin nila. Pero kasi, hindi ko mapigilan maging emosyonal noong bumalik sa akin ang pangyayari kagabi na naging dahilan para mapaanak agad ako. Sinubukan ko naman. Ginawa ko naman ang makakaya ko. Nilakasan ko ang loob ko para sa anak namin. Pero ano'ng magagawa ko kung iyong takot ko sa kaniya ay hindi nawawala? Ayokong maging mag-isa sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak namin, pero ano'ng gagawin ko kung hindi ko na kayang tagalan na malapit sa akin si Gino? Gusto kong bigyan ng buo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD