HANNA’s POV “Hanna,” he whispers. His face full of panic nang humagulgol ako. Nang makita niyang pinipilit kong bumangon ay agad niya akong tinulungan. Nang makaupo na ako, akala ko ay gagaan ang dibdib ko at makakahinga na ako nang maayos. Pero hindi pa rin. Kaya pinilit kong bumaba sa kama habang humahagulgol. Ngunit sa oras na makatayo ako, hindi ko nagawang humakbang dahil sa kakaibang sakit na naramdaman ko sa aking tiyan. Sa sobrang sakit, kahit umiiyak ay napasigaw ako habang hawak ko ang tiyan ko, sapo ko iyon. “AAHH!” “Hanna!” Lalong nag-panic si Gino. Mariing nakapikit ang mga mata ko kaya hindi ko siya nakikita. Pero naramdaman ko ang pagtayo siya sa gilid ng kama at ngayon ay nasa harap ko na siya at nakaalalay sa ‘kin. “What’s wrong? Hanna. What’s happening? Halika, dadal

