Naalimpungatan ako dahil sa matinding sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Naiirita ko pang tinakpan ang pagmumukha ko sa kumot na nakayakap sa katawan ko. Kinapa-kapa ko pa ang kaliwang parte ng kama at napagtanto na wala na si Alejandro sa tabi ko. Kagabi matapos ang panonood namin ng pelikula ay dito na rin siya natutulog, buong magdamag tirik ang mata ko at nitong madaling araw na lang talaga ako naka-iglip dahil sa sobrang pag-iisip.
Kahit bigat na bigat pa rin ang pakiramdam ko pinilit kong makatayo, nakapikit pa ang mga mata ko ng magtungo ako sa loob ng banyo. Sandali akong naligo upang kahit papaano ay mawala ang antok na nararamdaman ko. Simpleng mini-skirt at polo-shirt ang suot ko na tinernuhan ko ng five inches pointed heels. Nag-apply na rin ako ng kaunting makeup at inilugay ang alon-alon kong buhok.
Wala na akong sinayang pa na oras at lumabas na ako ng silid ko. Naabutan ko pa si Toyang na papalapit sa akin habang dala niya ang suitcase ni Alejandro. Nagtaka ako dahil doon kaya ng tuluyan na siyang makalapit sa akin ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinanong siya.
“Si Alejandro?” pag-umpisa ko.
“Na sa baba po nagbabanyo,” sambit niya na nagpapataas ng kilay ko.
Why sa baba? I thought ang mga restroom sa baba ay para lang sa mga guest at ang mga restroom dito sa ikalawang palapag ang dapat na ginagamit namin. Iyon ang rules na binigay niya so why? Ganoon na ba kasakit ang tiyan niya upang hindi na makaabot sa banyo dito sa ikalawang palapag?
“Bakit?” usyoso ko pa.
“Nagtatae si Señorito Alejandro, Ma‘am.” puno ng pag-aalala na sagot niya sa akin na nagpa hinto sa utak ko.
Hindi ka-agad rumihistro ang sinabi niya sa isip ko dahil pakiramdam ko na mali ako ng dinig. Nagtatae si Alejandro? Iyon ba ang pagkakarinig ko?
“What?” pagkukumpirma ko sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay mali ako ng dinig.
“Nagtatae po si Sir.”
“Ptft... Fvck! Si Alejandro? N-Nagtatae?" malakas kong halakhak ng marealized ang sinabi niya sa akin.
I can't believe this! Si Alejandro ay nagtatae? Dahil ba iyon sa nilaklak niyang tsokolate kagabi? If yes, deserved.
Dalawang minuto akong tumatawang mag-isa hindi nga rin maipinta ang mukha ni Toyang habang pinapanood akong tumawa, nangungunot ang noo nito at hindi makapaniwala. Nang makamove-on ako sa pagtawa ay dahan-dahan ko pang pinunasan ang namuong luha sa gilid ng mata ko. Bago ‘to dahil for the first time si Alejandro ay hindi nag trabaho dahil sa kadahilanang nagtatae. Bumagyo na kasi ng signal number five or lumindol ng seven magnitude hindi iyan aabsent pero dahil lang sa pagtatae ay hindi siya nagtrabaho?
Dahil wala na rin naman akong kailangan ka‘y Toyang ay nilampasan ko na ito at dumiretso sa kusina. Pagdating ko doon ay nakahanda na ang almusal ko, simpleng pritong bacon, eggs, fried rice at isang basong gatas.
“Good morning, Ma‘am.” sabay-sabay ni lang bati sa akin.
“Yeah.” simpleng tugon ko at umupo na lang sa may mesa at sinimulan ng lantakan ang almusal.
Sa kalagitnaan ng pag-almusal ko ay ang paglabas naman ni Alejandro at dire-diretso lang ito papunta sa kinaroroonan ko. Akala ko ay pumunta siya sa akin hindi pala. Pinanood ko lamang siya dahil sa pawisin niyang itsura at namumutla niyang mukha. Mukhang nagtatae talaga siya. Uminom ito ng isang basong tubig ngunit hindi pa niya ito nauubos ng mapansin ko ang paninigas niya. Nagtaka ako sa naging kilos niya dahil bigla na lamang niya hinawakan ang tiyan niya at mabilis na naglakad paalis. Natatawa na lang ako dahil mukhang tinawag na naman siya ni kalikasan.
“Ma‘am, baka po madehydarate si Señorito,” pag-umpisa ni Nanang Chona. Sandali ko si lang binalingan ng tingin at naroon ang sobrang pag-aalala sa mga mukha nila.
“Oo nga, Ma‘am kanina pa siyang 6:00am pabalik-balik ng banyo,” dagdag pa ni Nanang Tibo.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko ng marinig ang sinabi nila. Wala sa sarili din ako napatingin sa suot kong relo. Kung ganoon ay dalawang oras ng pabalik-balik ito sa banyo. Hindi ko sila pinapansin bagkus tinapos ko ang pag-aalmusal at walang pasabing tumayo at naglakad paalis.
Hindi na ako nagpaalam ka‘y Alejandro dahil pinayagan naman niya ako na magtrabaho ngayong araw. Paglabas ko pa lang ng pinto sumalubong na sa akin ang tirik na tirik na araw napangiti ako ng wala sa oras dahil pagkalipas ng mahigit isang linggo nasaksihan ko na ang ganda ng mundo. Dahil may kailangan pa akong gawin ay diretso na ako kung saan nakapark ang mga sasakyan. Naabutan ko pa si Mang Alberto na nililinis ang sasakyan ni Alejandro.
“Magandang umaga po,” bati nito sa akin na kinatango ko na lang.
Huwag ninyong isipin na attitude ako actually yes, ganito talaga ako ngunit na-appreciate ko ang bawat pagbati nila sa akin hindi lang talaga ako sweet na tao. Mabilis kong sinakyan ang baby ko na isang linggo kong hindi nakita, mabilis ko itong pinaandar paalis.
Habang nagmamaneho ay naisipan kong kalkalin ang cellphone ko sa loob ng bag na dala ko ngunit wala ito doon lang pumasok sa utak ko na itinago pala ni Alejandro ang cellphone ko.
Kalahating oras lang ginugol ko sa byahe at mabilis na nakarating sa maliit kong shop. Isa akong fashion designer, isa ang shop ko sa pinaka-kilalang shop na may pinaka-luxury tindang damit na sa shop ko lang makikita. Kadalasan ang mga sikat na artista, asawa ng presidente ng pilipinas o kung sino pang sikat o makapangyarihang tao ang pagpapagawa sa akin o dumadayo para lang bumili.
Nakalimutan ko rin pala na ang katabi nito ay ang shop naman ng magaling kong kapatid. Nagtitinda naman siya ng mga mabaho niyang pabango. Mabilis lamang ang naging paggalaw ko dahil may kailangan pa akong gawin.
Pagpasok ko pa lang sa shop ay bumungad na sa akin si Shiela at Berna na may nagluluhang tingin.
What the hell?
“Bakla!” sabay ni lang tili at mabilis akong dinaluhan at niyakap.
“Akala namin hindi kana muling babalik, bakla!” madramang sambit ni Shiela. Napairap na lang ako dahil sa kaOA-han ni lang dalawa.
“Sira! Hindi lang ako pinalabas ng asawa ko—”
“Iyong asawa mong ubod ng yummy at kagwapuhan? Swerte mo bakla!” saad ni Berna.
Hindi na lamang ako kumibo bagkus dumiretso ako sa opisina ko. Ramdam ko ang pagsunod nila sa akin dahil understood na ito kailangan ko ang report sa isang linggo na wala ako.
Umupo ako sa swivel chair ko at binuksan sandali ang computer sa harapan ko. Base din sa peripheral vision ko ay dinakpot nila sa mga sarili ni lang desk ang isang puting documents
“Naging maayos ang sales sa loob ng isang linggo, may mga bagong dating din na mga tela na galing ng Europe.” umpisa ni Sheila. Patango-tango lamang ako habang kinakalikot ang computer sa harapan ko.
“Na-check ko na at maayos ang mga ipinadala ni lang tela at so far na sa kalahati na ang natatapos sa mga bagong design na inilabas mo last week.” pagtatapos naman ni Berna.
Silang dalawa ang pinaka pinagkakatiwalaan ko pagdating sa business na ito dahil matagal na kaming magkakakilala. Inilapag din nila ang mga report documents sa harapan ko, sinuri ko ang mga iyon at tulad nga ng sinabi nila maayos ang naging sales ng shop sa loob ng isang linggo na wala ako.
Sandali pa ni lang pinapirma sa akin ang ilang designs na natapos nila at ang bagong ilalabas sa susunod na buwan. Abo‘t tainga pa nga ang ngiti nila dahil matapos ang ilang buwan na pagdedesign nila ngayon lang ako na-satisfied sa gawa nila.
“Oo nga pala, aalis na ako baka mawala ako bigla kayo na bahala sa shop huh? Ipapakulong ko kayo kapag pinabayaan niyo ito.” pagbabanta ko sa kanila.
“Tagal mong hindi pumasok, bakla! Tara bar mamayang gabi.” alok ni Berna ngunit sinapak lamang siya ni Shiela.
“Kilala niyo ang asawa ko.” iyon na lamang ang sinabi ko bago ko muling kinuha ang bag ko.
Ngumuso na lamang sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Nagpaalam na ako at muling pumasok sa sasakyan ko at pinaandar ito. Tumigil muna ako sa isang pharmacy upang bumili ng gamot.
Nabili ko na ang dapat kong bilhin at muling umuwi sa bahay. Dumiretso agad ako sa kusina, naabutan ko pa si Nanang Linda na nagluluto ng sopas sa palagay ko ay para ito kay Alejandro.
Nagulat pa siya ng i-abot ko ang isang plastic na puno gamot para sa sakit ng tiyan at pagtatae dahil wala naman akong alam sa ganun kaya lahat ay binili ko na. Hindi na ako nag-abala pang hintayin ang sasabihin niya dahil naglakad na ako patungo sa ikalawang palapag at pumasok na sa kwarto ko.
Hindi ko naabutan si Alejandro sa silid ko bagkus na sa kabilang silid siguro siya at nagpapahinga. Galit ako sa kanya ngunit hindi ako ganun kasama para mawalan ng pakialam kahit bwisit siya sa buhay ko.
Masasabi kung maayos naman ang relasyon meron kami may mga pagkakataon lang talaga na nagkakasalubong ang init ng ulo namin. Ayoko kasi sa lahat ay ang pagiging teritoryal niya ang pagiging possessive niya na wala na sa lugar. At kung hindi ako magiging mabait hindi ko na makikita ang mundo dahil panigurado ikukulong na naman niya ako.
“Ma‘am!” malakas na tili at pagkalampag ni Toyang sa labas ng pintuan ko. Dahil naiirita na ako sa ginagawa niya ay pinagbuksan ko na ito.
Sumalubong sa akin ang humahangos at pawisin niyang mukha, tinakbo na naman niya siguri ang unang palapag patungo rito. Pinag-taasan ko lamang siya ng kilay, senyales na dapat lang na importante ang ibabalita niya.
“Pinapatawag ka ni Señorito,” aniya.
“Busy ako sabihin mo.” bored kong sambit.
“Pero po... Kasi—”
Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at pinag-sarhan ko siya ng pinto. Kung may sasabihin siya, siya dapat ang pumunta sa akin at hindi ako dahil siya ang may kailangan.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng pinto ng kasabay ng pagbukas nito ay ang pag dagundong ng boses ng demonyo. “Fvck! Cassandra!” pakiramdam ko nabingi ako sa lakas ng boses niya ng tawagin niya ang pangalan ko idagdag mo pa ang echo sa loob ng silid na ito, sobrang nakakairita.
“Bakit hindi mo ako pinuntahan! I told her na sabihin sayo na puntahan ako pero ano? Nandito ka lang tapos—”
“Shut up!” naiirita kong putol sa sasabihin niya. Napasinghap pa siya at nanlalaki ang dalawang asul niyang mata.
“Bakit ba kasi?” tanong ko ngunit sa malumanay ng boses.
“D-Did you bought those medicine?” nahihiya pa niyang tanong sa akin.
Napansin ko ang dalawa niyang tainga na namumula pati na rin ang gilid ng leeg niya. Napansin ko rin na kinurot-kurot niya ang laylayan ng suot niya ng damit at hindi rin ito makatingin sa akin. Nahihiya ba siya? Tanong ko sa sarili ko.
Dahil mataas pride ko at ayaw kong isipin niyang maging mabait na ako sa kanya ay sinagot ko siya ng hindi nauutal. “H-Hindi!” fvck! Nautal talaga ako piste!