Masaya akong ipinakita sa kanya ang niluto ko na nakalagay sa isang mangkok. Napangiwi pa ako ng makita iyon dahil sa namumutok nitong kulay.
“Kaldereta? Wow this is ac—”
“Adobo, hindi kaldereta!” inis kong putol sa sasabihin niya sana. Pagpintig ng dalawa kong tainga ng marinig ang sinabi niya.
Nakaramdam ako ng inis dahil doon, nagkamali kasi ako ng nilagay na isang sangkap kanina dahil ang dapat na ilalagay ay paminta ngunit ang nilagay ko ay atsuete daw. Malay ko ba same kasi sila ng kulay at saka hindi naman talaga ako nagluluto ngayon pa lang kaya wala akong alam.
“But, why red?” pagtataka niyang tanong sa akin at itinuro pa talaga ng magaling ang luto ko. Pero dahil badtrip na ako ay inismiran ko lamang siya.
Napansin ko rin sina Nanang Chona, Nanang Tibo at Nanang Linda na nangingiti habang pinapanood kami. Napansin ata nila ang masama kong tingin dahil kusa silang nag-iwas ng tingin at bumalik sa kanya-kanyang gawain maliban kay Nanang Tibo.
“Atsuete kasi ang nilagay niya Señorito kaya iyan ay nag kulay pula.” singit ni Nanang Tibo na inirapan ko dahil bakit niya kailangan sabihin ‘yun bakit hindi na lang siya bumalik sa gawain niya.
Muli kong binalingan ng tingin si Alejandro habang sa ulam pa rin ang titig niya. Hawak pa nito ang baba na tila‘y kinikilatis ang ulam na para bang lalasunin ko siya.
“I see, let me taste it, honey,” ani nito ng matapos niyang kilitasin ang ulam at ayun nga dahil walang pagdadalawang isip siyang nanghila ng isang upuan at preskong naupo.
Kusa niyang kinuha ang isang kutsara at tinidor sa hindi kalayuan sa kaniya. Sinundot-sundot pa niya ang manok nito at napansin niya ata na hindi niya matusok ng tinidor ang manok at doon na unti-unting nangunot ang kilay niya. “Bakit matigas? I thought manok ito?” nagtataka ng tanong niya sa akin habang ang atensyon niya ay sa manok pa rin na hindi niya na tusok-tusok ng tinidor.
Hindi agad ako nakasagot at pinamulahanan agad ng maalala ang kapal-pakang nagawa ko na naman kanina maliban sa atsuete.
“Ahhh... Si Ma‘am kasi ibang manok ang nakuha niya hindi namin agad napansin dahil magkakamukha lang naman kaya hindi ko rin talaga inakala na karne ng tandang na manok ang nakuha niya.” si Nanang Linda na ang sumagot.
Napakagat ako ng labi dahil sa mga sinabi nila, malay ko ba na iba ang manok sa manok na tandang ang alam ko pareho silang manok. Hindi ko naman alam na pagkain pala ng alaga niyang bulldog ang manok na iyon. Tsked.
Dahil sa inis ko ay inagaw ko na ang mangkok at naglakad na patungong malapit sa lababo at padaskol hinila ang trash can. Akmang ibubuhos ko na ito ng pigilan ni Alejandro ang kamay ko. “Hey, bakit mo itatapon? Niluto mo ito para sa akin hindi ba?” he said.
“Panay reklamo ka diba?! Kung ayaw mo pala edi itatapon ko na lang!” naiinis kong sigaw.
Pero ang walangya kinurot lang ang pisngi ko at inagaw sa akin ang mangkok na iyon. Pinanood ko lang siyang muling bumalik sa kinauupuan niya kanina at walang pagdadalawang isip na tinikman ito. Tahimik ako at naghihintay ng sasabihin niya at miski rin sina Nanang na nanood din sa magiging ekspresyon ni Alejandro. Napalunok pa ako ng tumigil ito sa pag nguya at ipinilig ang ulo nito pakanan na para bang kinikilatis talaga niya ang lasa ng pagkain na sa loob ng bibig niya. Bumaling din ang ulo niya sa pwesto ko, seryoso ang bawat tingin niya pero kalauna‘y sumilay ang malapad nitong ngiti.
“Delicious,” aniya na kinaliwanag ng pagmumukha ko.
Dahil sa tuwa mabilis akong nakalapit sa kaniya at umupo na rin sa katapat niyang upuan. Miski sina Nanang ay lumapit na rin. Dahil sa kuryosidad nila sa lasa ng pagkaing inihanda ko.
“Seryoso ka ba, Señorito? Hindi namin iyan natikman kanina dahil nga sa kulay niya,” prangkang sambit ni Toyang ka‘y Alejandro.
“Mabuti kung ganun because this food is mine.” sagot naman nito ka‘y Toyang. Napanganga na lang kami dahil sa lamig ng pagkakasambit niyang iyon. Gusto kong ngumiwi dahil miski sa pagkain ay teritoryal siya.
“Really? Masarap talaga?” pag kukumpirma ko sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala.
“Yes, thank you, Honey.” puno ng lambing nitong sabi sa akin.
Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya sa akin iyon, nanoot talaga sa utak ko ang pag ngiti niya sa akin na kina-init ng magkabilang pisngi ko. Dahil sa kahihiyan ay mabilis akong tumayo at nagtungo sa silid ko. Tinakbo ko ito dahil hindi ko na kaya pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa tuwa. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwang puro pag-aaway namin ay ngayon lang ako natuwa ng ganito. Simula na ito para makamtan ko na ang kalayaan na gusto ko.
Hindi pa ako nakakalapit sa kama ng marinig ko ang pagbubukas ng pintuan, niluwa nito si Alejandro na may seryosong mukha. Nagtaka ako dahil bago pa ako makapag-react ng mabilis ako nitong nilapitan at siniil ng mapusok na halik na nag-patuod sa akin. Mapusok iyon n‘ong una ngunit kalauna‘y naging banayad na. Nadala na rin ako sa bawat halik niya kaya hindi ko namalayan ng sabayan ko na rin ang bawat halik niya.
“Hhmm...” haling-hing ko ng pisilin nito ang kaliwang dibdib ko.
Hindi ko na nakayanan pa ang tensyon kaya napayakap na rin ang mga braso ko sa batok niya at mas lalong diniinan ang halikan namin.
Napangiti ako ng marinig ko ang impit niyang ungol ng kagatin ko ang ibabang labi niya. “Ahhh!” gusto kong matawa dahil para siyang nauubusan ng pasensya at naiinis?
Dahil naging malikot na ang mga kamay niya ay ako na ang pumutol ng halikan namin. Naroon ang pagrereklamo niya at ang frustration niya.
“Let's continue!” ani pa nito at pilit akong hinahalikan ngunit itinulak ko lamang ito at sinamaan siya ng tingin.
“Meron ako.” sabi ko.
“So what?” presko niyang sambit at ngumisi pa talaga sa akin. Dahil sa inis ko ay kinurot ko ito ng manipis na kina-aray niya.
“Para saan ‘yun?!” reklamo niya habang hinihimas ang braso niyang kinurot ko.
“I do love you, okay? At wala akong pakialam kahit meron ka, hindi ako nandidiri gusto mo kai—”
“Shut up! Bunganga mo!” sita ko sa kaniya dahil hindi ako natutuwa sa susunod niyang bibigkasin. Nakakadiri iyon, gross.
“I'm just joking, honey grabe ka naman sa akin. So, I need to take shower first tapos may pag-uusapan tayo mamaya.” ani nito.
Tumungo na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya, hindi na ako nag-abala pa na panoorin siya sa paglabas niya ng pinto. Dumiretso na ako sa banyo at sandaling naligo. Matapos kong gawin ang lahat ng seremonya ko ay lumapit ako sa isang maliit na cabinet pero mini fridge talaga siya, sa hindi kalayuan sa akin at inilabas ang lahat ng nakatagong chocolates at ice cream ko. Lihim ko itong binili noon kaya marami akong stock ngayon.
Dumating na naman kasi ang red flag ko ngayong buwan kaya nag-crave na naman ako sa matamis at malamig. Nakalimutan ko rin palang ikwento may tv na ako sa loob ng kwarto ko, pinabili ko siya kahapon ka‘y Alejandro at hindi ko talaga siya tinigilan hangga‘t hindi niya binibili. Excited akong umakyat sa kama at naghanap ng pelikula sa mga dvd na nandito. Habang nanonood ay kasabay nito ang paglamon ko sa mga tsokolate na sa harapan ko.
Nadatnan ako ni Alejandro sa ganoon. Napahinto pa nga ito sa pagpunas ng buhok ng makita ako pero hindi ko ito pinansin.
“Hey, baka naman sumakit tiyan mo niyan?” sita niya sa akin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at niyakap pa ang mga snacks ko. napailing na lamang siya bago siya tuluyang lumapit sa kama kung nasaan ako. Sandali ko pa siyang kinilatis mula ulo hanggang paa. Suot nito ang isang pajama at shirt in cotton. Bakat na bakat pa nga ang biceps niya na nagpalunok sa akin ng magkakasunod.
“Magta-tae ka niyan.” dagdag pa niya pero sa tv na ang tingin niya.
“Okay lang na sa bahay lang naman ako.” proud ko pang sambit. Bahala siya kung anong isipin niya kung may ibang meaning ba ang sinabi ko.
Matapos kong sabihin iyon ay wala ng nagsalita pa sa amin. Tahimik lang namin pinapanood ang pelikulang pinili ko at paminsan-minsan ay kumukuha ito ng isang tsokolate sa kandungan ko dahil yakap-yakap ko ang mga pagkain ko, hindi ko na ito sinisita dahil masyadong marami ang tsokolate na ito. At alam ko din na mahilig siya sa sweets.
Sa kalagitnaan ng panonood namin isang alaala ang pumasok sa isip ko. Tinapik ko pa ito sa braso niya ng dalawang beses. “What?” reklamo niya.
“Sabi mo may pag-uusapan tayo?” tanong ko sa kanya.
Hindi siya ka-agad nagsalita bagkus dumampot pa ito ng isang tsokolate at isinubo.
“Yeah, you can go to your work—”
“T-Talaga?!” pagputol ko sa sasabihin niya dapat.
Dahil sa sobrang tuwa napalapit ako sa kaniya.
“Y-Yes, but—"
“Wala ng but! Sabi mo pwede na ako magtrabaho bukas hindi ba? Yey!” malakas kong tili at dahil sa sobrang saya ko ay hindi ko mapigilan ang yakapin siya at paliguan ng halik ang buong mukha niya.
“Thank you! I won't do it again—”
“What?” putol niya sana sa sasabihin ko. Gusto ko pa sana magreklamo dahil ayaw na ayaw ko talaga ng pinuputol ang sasabihin ko.
Nakaramdam ako ng kaba ng matitigan ko na naman ang mga asul niyang mata. Hindi ko alam pero tuwing nakatingin sa akin ang mga ‘yan pakiramdam ko nakikita niya pati kaluluwa ko.
“U-Umalis ng hindi nagpapaalam,” pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon.
“Then? What more?” tanong niyang muli na kinataka ko. Napansin niya ata iyon kaya siya na ang huminga ng malalim bago muling binalik ang tingin niya sa akin at seryoso ang bawat tinging ipinupukol niya.
“Huwag kang makipag-usap sa mga lalaki at lalo na ang hahawakan ka nila, nakapatay ako. You know me, Cassandra. Mine is mine, ayoko ng may nakakahawak lalo na ang tumitingin sa pag-aari ko.” puno ng lamig ang pagbigkas niyang iyon.
Hindi ako agad nakapagsalita bagkus nakayuko lamang ako, nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi niya at kaunting lungkot? Why? Bakit ganoon siya? It was sounds creepy. Dahil ayoko ng isipin pa iyon tumango na lamang ako biglang pagsang-ayon.
“Good.” aniya at mabilis akong pinalatakan ng halik sa labi bago muling bumalik sa panonood.
Hanggang matapos ang panonood naming movie ay hindi ako nakapag-enjoy, siya na rin ang umubos ng kinakain ko at sa buong magdamag ay hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na nagre-replay pa rin sa utak ko ang sinabi niya. May parte sa puso ko na takot at the same time nasaktan. Why am I feeling this kind of disappointment? Bakit pakiramdam ko isa lamang akong bagay na pag-aari niya? This why I hate him! Dahil para sa kaniya isa lamang akong bagay na bawal maagaw, mahawakan o tignan ng iba.
And for the third time you disappoint me, Alejandro. You're seeing me as your toy not your fvcking wife.