Chapter 5

2144 Words
“Toyang!” Tili ko sa pangalan ng magaling kong katulong na sobrang bagal na, tanga pa. Malaki ang pagkaka ngiti ko ng marinig ang yapak nito tungo sa harapan ng silid na kinaroroonan ko. Mabilis kong ini-ayos ang suot kong bistida at hindi na pinagtutuunan ng pansin ang magulo kong buhok basta ko na lamang itong pinusod, uso naman ang tinatawag nilang messy bond at diyosa ako dahil kahit hindi ako maligo ng isang linggo maganda pa rin ako. “Ma‘am! Tinatawag niyo po ako?” ani nito sa hinihingal na boses ngunit hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan. “Anong oras na?” wala sa loob kong tanong sa kaniya. “Wala akong relo, Ma‘am,” sagot niya sa akin na nagpasimula sa pagkirot ng sintido ko sa katangahang taglay niya. “God! May orasan diyan, Toyang! Please lang use your brain!” yamot kong sigaw dahil pinapainit na naman niya ang ulo ko. Napa-irap na lang ako sa kawalan dahil sa pagiging tanga niya pero masasabi ko na siya ang pangalawang tao na nakaka tagal sa ugali ko. Kaya naman sa mga katulong na nandito siya lang talaga ang kinakausap ko, well minsan si Susan na kilos pagong dahil sa bagal niyang gawin ang ini-uutos ko at si Cecil na laging nabubulol tuwing kausap ako. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita nila ako para silang natatae na ewan at laging kapalpakan ang ginagawa nila. “6:00 pm po,” dinig kong sambit niya. “Open this door, dahil magluluto ako ng dinner ni Alejandro,” saad ko at lumapit sa pintuan, kinalampag ko ito upang pumasok sa kokote niyang gusto kong buksan niya ang pinto. Ngunit dalawang minuto na ata ang itinatayo ko sa harap ng pintuan ay wala pa rin nagbubukas ng pinto kaya sa inis ko ay kinalampag ko ito. “I said! Open this door!” halos mapatid ang litid ko sa pag-sigaw hindi pa rin niya talaga binubuksan ang pintuan. “Nabingi ata ako, Cecil,” rinig kong sambit ni Toyang sa pangalan ni Cecil. “Bakit naman?” sagot naman ni Cecil pabalik. Seryoso? Nagsama pa talaga ang parehong tanga. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Cecil dito sa ikalawang palapag ngunit magkwentuhan sila na para bang hindi ako naghihintay na buksan nila ang pintuang ito ay nakakaletse lang. Ano makikinig na lamang ba ako sa tsismisan nilang dalawa? Kailangan ko makuha ulit ang tiwala ni Alejandro. Kailangan ko siyang mauto ulit para magawa ko ang gusto ko at ng makalabas na ako. Nakapag isip-isip na ako kanina na hindi na rin naman ako makakatakas sa kasal na ito. Gawin ko na lang ang lahat upang kahit kasal na kami ay nagagawa ko pa rin ang gusto ko. “Magluluto daw kasi si Ma‘am,” rinig kong pagtutuloy ni Toyang. Napa-irap ako sa pangalawang pagkakataon dahil sa pinag-uusapan nila. “Oo tama ka, bingi ka nga si Ma‘am bwisit magluluto? Ni hindi nga niya mahawakan ng maayos ‘yung walis tambo.” Napanganga ako sa inusal ni Cecil at hindi makapaniwala sa sinambit niya tungkol sa akin. At sa unang pagkakataon namula ako dahil sa matinding hiya dahil natandaan ko na naman ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Iyong walis tambo na tinatawag nila ay ginamit kong pang walis ng dumi sa labas kahit na kagagaling lang umulan. So ang nangyari hindi nalinis ‘ang sahig nabasa lang ‘yung walis. “Sira! Marinig ka ni Ma‘am!” suway ni Toyang. Narinig ko pang umangil si Cecil marahil ay nakatikim ng hampas ka‘y Toyang. Wala na akong narinig pa na sinabi ni Cecil basta ang yapak niyang papaalis lang ang narinig ko, natakot siguro dapat lang dahil wala siyang karapatan gawin sa akin iyon. Hindi na muling nagsalita si Toyang basta na lang niya binuksan ang pintuan. Hindi napigtas ang pagkaka ngiti ko dahil sa wakas nakalabas na rin ako sa letseng kwarto na ‘yun. Suot ang pangsapin ko sa paa masayang-masaya akong naglakad sa kahabaan ng pasilyo ng mansyon. Oo mansyon as in para siyang palasiyo sa laki kaya nakakatamad din talaga maglakad. Ikaw mismo ay mahihiyang maglakad sa mismong hallway dahil sa kinis at kintab ng sahig. Ang mga materyales na ginamit sa bawat sulok ng mansiyong ito ay mahal ang halaga. Katulad nitong malaking portrait na nadaanan ko ngayon ay bilyon ang halaga. Nadaanan ko pa ang ilang mga katulong na naglilinis sa paligid, yumuko lamang sila ng madaanan ko sila isa-isa. Si Toyang naman ay tahimik lang na nakasunod sa akin habang kagat-kagat niya ang mga daliri niya na kina-ismid ko. Iniisip kasi niyan na tatakas ako tapos siya malalagot kay Alejandro. Dahil hindi ko na makakaya ang ginawa niyang pag kagat sa daliri niya ay humarap ako dito at tinampal ang kamay niya na sa bibig. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Ma‘am...” natatakot niyang bulong. Napasinghap din ang ibang katulong na nakakita sa ginawa ko pero wala akong pake bagkus huminga ako ng malalim bago sinabayan ang tingin niyang nasasaktan. “Stop biting your nails, Toyang. Masusugatan ang mga kuko mo.” malamig kong sambit na nagpalaki sa mga mata niya. Dumaan ang saya sa mga naluluha niyang mga mata ng marinig mula sa akin iyon. Minsan nakokonsensya na talaga ako dahil kahit na napakasungit ko sa kanya ay hindi ko siya narinig na nagreklamo. Siguro dahil takot siya mawalan ng trabaho or talaga mabait lang siya at pagpasensyahan niya ako. Si Toyang ay mas bata sa akin ng dalawang taon pero mas mature pa siya kung tingnan kaysa sa akin and I hate that especially her huge boobies na talaga naman— ahh! I hate it bakit malaki ang kanya tapos ang akin ay hindi? “O-Okay... po...” nahihiya niyang bulong. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsimula na ulit maglakad. Matapos ang dalawang minutong paglalakad narito na ako sa wakas sa kusina. Sandali ko pang sinulyapan ang malaking orasan sa may living room at 6:30pm na pala. Maya-maya lang ay panigurado nandito na si Alejandro. Naabutan ko pa ang mga kasambahay na nagluluto ng dinner ko. Naroon ang pagkagulat ng masilayan nila ako. Tinaasan ko lang sila ng kilay dahil para silang nakakita ng multo. Sa bagay hindi ko sila masisisi dahil sa tagal kong narito ay ngayon lang ako tumapak sa kusinang ito at humarap sa kanila. Kadalasan ay pinagdadalhan lang ako ng pagkain sa kwarto dahil puro pagrerebelde ang ginagawa ko. “Ma‘am... M-Malapit na pong matapos ang hapunan niyo.” kinakabahang sambit ng pinakamatandang kusinera dito sa bahay. Bale, tatlo silang na sa harapan ko at kung hindi ako nagkakamali na sa 50‘s na sila. Hindi ko rin sila kilala kahit ilang buwan na ako dito dahil wala naman talaga akong planong kilalanin sila noon. “Name?” bored kong tanong sa kanila. Anong meron sa araw na ito at nagiging magugulatin sila? Nagtatanong lang naman ako hindi ko naman sila inaaway tsked. Nagkatinginan muna silang tatlo bago bumalik sa akin ang mga tingin nila na may ngiti sa mga labi. “Linda po.” sabi ng isa sa kanila at siya ang napansin kong pagtatalop ng mga sangkap. “Chona po ako, Ma‘am.” nakangiti naman nitong kuha sa atensyon ko na kinangiti ko pabalik. Siya naman ang napansin kong nagpipiga ng sariwang mansanas sa isang baso siguro siya ang gumagawa ng mga iniinom ko. OA kasi si Alejandro lahat ng kinakain ko puro fresh ayaw daw niya akong magkasakit. Sweet right? Pero demonyo pa rin siya. “Tibo naman ako, Ma‘am! Naku! Napakaganda mo naman, ikaw ay parang artista.” at ang panghuli ay itong napansin ko kanina na nanggigisa ng hindi ko alam. Lahat sila ay masasabi kong mababait. Wala akong masabi talagang pinili ni Alejandro ang the best kasambahay na makakasama ko sa pamamahay niya. Ang ayoko lang ay ‘yung isang batang katulong niya na madalas kong napapansin na malalagkit niyang tingin ka‘y Alejandro tapos pag sa akin siya nakatingin ay halos patayin na ako sa sama ng titig niya. Mabuti na lamang talaga at pinaalis na siya ni Alejandro dahil ang katulong iyon ay muntik na akong lasunin, mabuti na lamang at nakita siya agad ni Alejandro. Bumalik sila saglit sa mga ginagawa nila upang makuha ang atensyon nila sandali akong nagpanggap na nau-ubo. “Ehem! Ehem!” Tumingin naman sila sa akin at hinintay ang sasabihin ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Magluluto po ako, pwede niyo bang ipakita sa akin ang mga sangkap?” masaya kong sambit. Sandali pa silang nagkatitigang tatlo bago sila nag-unahan sa pagpunta sa malaking refrigerator. Ngunit nakahinto sila at sabay-sabay na lumingon sa kinaroroonan ko. “Anong lutuin mo po, Ma‘am?” sabay-sabay nilang tanong sa akin. Sandali pa akong nag-isip, ng maalala ko ang isang bagay na nakain ko isang beses sa isang cheap karinderya sa may labas ng school noon. “I don't know the name pero...” Napahawak pa ako sa baba ko at pilit inaalala ang pagkaing iyon. “...chicken siya tapos may sauce siya na color black na maanghang tapos matamis at maalat—Oh! It also has potatoes!” sambit ko. Napakamot pa si Nanang Chona ng ulo niya. “Adobong Manok.” ani niya sa mga kasamahan niya. Napansin ko ang pagtawa ni Nanang Tibo at ang pag-ngiti ni Nanang Linda pati na rin si Toyang. Nagtataka ako sa ikinilos niya dahil hindi ko maisip kung anong nakakatawa sa sinabi ko? Nakasimangot tuloy ako ng wala sa oras. “Halika at ikaw ay nagluluto na ng adobong manok,” aya sa akin ni Nanang Tibo. Lumapit naman ako dito at ako ang hinayaan niyang kumuha ng mga sangkap sa loob ng ref. Mabilis kong dinakpot ang isang buong manok, patatas, sibuyas at bawang. Isa-isa ko inilapag ang mga iyon sa may mesa sa gitna. Si Nanang Chona na ang napansin kong kumuha ng mga pampalasa dahil hindi ko din naman alam ang mga iyon. Si Nanang Tibo naman ang nagkusang hatiin ang manok sa katamtamang laki, nang matapos ang lahat ay isa-isa nila itong inilatag sa harapan ko. “Magluto ka na, Ma‘am.” saad ni Toyang sa ‘kin at siya na rin ang nagbukas ng stove. Kinabahan ako lalo na ng umuusok ang kawali na nasa harapan ko, napalayo agad ako dahil baka masunog ito bigla. “Jusko! Abahagin! Lagyan mo ng mantika,” ani ni Nanang Chona. Siya na ang naglagay ng mantika at in-explain na rin niya ang dapat kong gawin. Noong una ay talagang hinahagis ko ang mga manok papuntang kawali na kinatitili nila. Pana‘y tili din ako dahil sa tumatalsik na mantika. Tatlo-pung minuto din ang ginugol ko bago maluto ang adobong manok na niluto ko. “Tapos na!” masaya kong sigaw ng tuluyan ng maluto ang niluto ko. Ngunit napasimangot ako ng makita ang kay nito, binalingan ko din sila ngunit mabilis ni lang iniwas ang mga tingin nila at nagpanggap na may ginagawa. Sakto namang papalapit na si Alejandro sa kinaroroonan namin. Kunot ang noo nito na nakatingin sa akin, mabilis itong nilapitan ni Toyang at kinuha ang coat nito at ang suitcase niya. Napalunok ako ng magkakasunod dahil sa mataman niyang titig sa akin, hindi ko mabasa ang na sa isip niya ngunit nakaramdam ako ng hiya dahil pagpasok pa lang niya ay na sa akin na ang bawat tingin niya. “W-Welcome home... H-Honey,” nabubulol kong sambit at nakayuko na lang dahil piste! Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng hiya. “What are you doing?” sambit niya sa malamig na tinig. Naramdaman ko pa ang paglalakad niya patungo sa akin. “A-Ano... N-Nagluto ako...” nahihiya kong sagot. f**k! Umayos ka, Cassandra! Kailan ka pa nabubulol kapag kausap mo siya, huh! “Hindi mo kailangan magluto, Honey. Andiyan sina Manang Chona at ang iba kung may gusto kang kainin sabihin mo lang sa kanila.” mahabang salaysay niya at hinapit nito ang baywang ko at pinalatakan ako ng halik sa pisngi na kinapula ko. Pangiti-ngiti pa ang mga nakasaksi sa ginawa niya kaya mas lalo akong namula. Upang makaiwas sa kahihiyan ay pinakita ko sa kanya ang mangkok na may lamang pagkain. “Pinagluto kaya kita!” awkward kong sambit at alanganing ngumiti sa kanya dahil ito ang unang beses na ginawa ko ito para lamang sa kaniya. “R-Really?” hindi makapaniwala na sambit niya. May nakita akong kasiyahan dumaan sa mga asul niyang mata na nakatingin sa akin ngayon. Kung alam ko lang na ito pala ang ikakasaya niya sana pala ay dati ko pa ito ginawa. “Oo, heto oh, tikman mo,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD