Chapter 4

1449 Words
Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na kamay na nakapulupot sa maliit kong baywang. Naiinis ko pang inalis ito ngunit muli din bumalik at mas hinigpitan ang pagkakayapos sa akin. Napamulagat ako ng biglang mapagtanto kung sino ang lalaking na sa tabi ko. Sinubukan kong bumangon pero muli lamang ako nitong pinahiga. “Five minutes please,” bulong niya at mas isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg ko. “Anong five minutes ka diyan! Gabi na at hindi umaga!” Tinampal ko ang kamay nito ng magsimula itong maglikot. Pumisil kasi iyon sa dibdib ko na para bang ginawang stress ball ang mga ito. Hindi ata nito alam na napakasakit ng ginagawa niyang paglamutak sa malulusog kong dibdib. Ngunit makulit si Alejandro dahil ipinasok niya ang kamay sa blusa ko papuntang dibdib ko at pinisil iyon. Napanganga ako sa ginawa niya dahil sinabayan pa nito ang paghalik sa gilid ng balikat ko papuntang leeg. “S-Sandali nga! Akala ko ba umalis ka? Nagwalk out ka nga hindi ba?” tanong ko bigla upang kahit papaano ay mawala ang atensiyon niya kung ano man ang naiisip niya. “Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal.” Pinisil na naman niya ang dibdib ko kaya pinilit ko talagang tumayo palayo sa kaniya. “D*mn! Bakit ka umalis? Can you see it? Minamasahe kita!” naiiritang sabi niya at muli akong inaabot pero lumayo lang ako. “Masahe? Sa dibdib ko?” “Para lumaki,” bulong niya pero hindi iyon nakaligtas sa sa pandinig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinaas na lang niya ang dalawang kamay at ngumiti ng pilyo sa akin. “Their too small but their gorgeous,” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa lait na may kasamang papuri niya. Napatingin na lang ako sa dibdib kong kita kahit papaano dahil sa suot kong manipis na blusa. Malaki naman ang mga ito, mabibilog at higit sa lahat kulay pink ang tuktok at maganda talaga ang pagkakatayo. “Kapal ng mukha mo huh!” hindi ko na napigilan pa na hindi siya bulyawan pero ang loko tinawanan lang ako. Gusto ko pa sana siyang awayin ng maalala ko ang problema naming dalawa. Ang mga kinahaharap namin. Tumigil na rin ito sa pagtawa ng mapansin ata niya na naging seryoso na ang ihip ng paligid. “Can we talk?” pag-uumpisa ko. Malumanay ang bawat tingin na ipinukol niya sa akin bago tumango at umayos ng pagkakahiga. Seryoso ang bawat tingin niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay kung paano ako tignan ng mga asul na mata na niya. Tagos na tagos, pakiramdam ko nababasa niya ang na sa isip ko. Huminga muna ako ng malalim bago inumpisahan ang sasabihin. “Bakit ako?” seryoso kong tanong sa kaniya. Nagtitigan kaming dalawa ng mata sa mata. Ang tinging ipinupukol niya ay kakaiba. “Bakit nga ba?” balik pagtatanong niya. “Bakit nga! Bakit ako? Ang daming iba diyan iyong kaya kang tangapin at—” “Hindi mo ako kayang tanggapin? Alam ko sa simula palang naman. Pero umaasa ako na balang araw matatanggap mo na ang pagmamahal ko sayo.” Yumuko na lamang ako dahil sa sinabi niya. Pinangungunahan talaga ako ng galit, hindi ko alam paano ako makikipag-usap ng matagal na hindi siya sinisinghalan o sinasaktan. Sino ba kasi ang matutuwa kung bigla na lamang niya ako kinuha at pinakasalan. Kung sa ibang babae ay isang biyaya iyon pwes sa akin ay isang bangungot. Hindi ko pinangarap ang makasal sa ganitong paraan. Hindi sa ganitong dahilan at iyon ang dahilan kung bakit ako nagagaliy sa kanya. “Bakit ikaw? Kasi ikaw ang nagpatibok nito,” Turo niya sa puso niya. Ito na ang tamang oras upang mag-usap kami ng maayos. Wala ng iwasan, wala ng pambabalewala sa mga bagay-bagay. “Bakit mo ako kinukulong kung mahal mo pala ako?” dito na siya napatahimik. Naging blanko ang mga mata niya ng muling bumaling sa akin. Naroon ang sakit at lungkot, dumaan ang mga iyon ng magkakasunod pero ka-agad din nawala at napalitan ng pagkablanko. “Because takot ako, takot akong iwanan ulit. I know hindi tama ang ginawa ko, pero natakot ako. Kasi si Mama ay ilang beses niyang iniwan si Papa and guess what? Namatay si Papa dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kaniya.” Nasupil ang bibig ko wala akong masabi sa nalaman. Sa tagal naming magkasama sa iisang bubong ngayon lang ako may nalaman tungkol sa buhay niya. “I'm sorry,” “It's okay, kaya hindi kita pakakawalan kahit ilang beses mo pang hilingin sa akin. I can't, ikaw ang buhay ko ngayon Cassandra.” Pagsusumamo niya sa akin. Gusto kong maniwala na mahal niya ako ngunit walang pagmamahal sa ginagawa niya. Baliw lamang siya sa isiping pag-aari niya ako at hindi ang babaeng mahal niya. Kahit alam kong mapupunta sa away ang pag-uusap na ito ay nilakasan ko na ang loob ko. “Hindi mo ako mahal, Alejandro.” Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita ko. Kumunot bigla ang mga kilay niya, saka binitawan ang pagkakahawak ko. Hindi muna siya agad sumagot bagkus ipinatong niya ang braso sa mukha at naging mabilis ang bawat paghinga niya. “Hindi mo ako mahal, obsessed ka lang,” dugtong ko pa. Iyon ang masakit na dahilan kung bakit hindi ko rin matanggap ang pagmamahal niya. “Shut up.” Pero hindi nito nagawang pigilan ako sa dapat niyang malaman. Hindi niya ako totoong mahal, mahal lang niya ako sa ideyang mahal niya ako. Mahal niya ako dahil iyon ang sinasabi ng isip niya. Mahal niya ako kasi madali sa kaniyang kontrolin ako. “Believe me hindi mo ako mahal, mahal mo lang ang—” “I said shut the hell up!” sigaw niya. Tumayo na rin ito sa pagkakahiga at dismayadong tinignan ako na para bang isa lamang akong malaking kalokohan. Ito na ang sinasabi ko na mauuwi na naman sa awayan ang simpleng pag-uusap. “Wala kang alam! Mahal kita at hindi ako obsessed lang! Mahal kita kaya naging aso ako sa paghahabol sayo! Kung hindi kita mahal wala ka sa kama na 'yan! Wala kang kahit na ano!” Pakiramdam ko ay natapakan niya ang ego ko sa sinabi niya. Wala akong kahit na ano? Dahil sa pagsisikap ko mayroon akong business na shop. Napa-aral ko ang sarili ko dahil sa sipag at tiyaga ko. Ni minsan hindi ako humingi ni kusing sa demonyo kong ama. “Alam mo ba kung bakit gusto kong makawala sayo? Kasi hindi mo ako totoong mahal,” “Mahal kita,” Umiling na lamang ako at hindi ko na napigilan pang hindi maiyak. Isa ito sa dahilan kaya lalo lamang akong nagagalit. Dahil ang lahat ng ito ay dahil lamang sa ideyang mahal niya ako. Iyon lang 'yon. “Simula ng binigay mo ng buo ang sarili mo sa akin wala ka ng kaparatan para iwanan ako. Mahal man kita o hindi sa akin kalang. Minarkahan ko na ang bawat sulok ng katawan mo kaya walang ibang aangkin sayo kung hindi ako. Ako at ako lang.” Napanganga na lamang ako sa sinambit niya. “Hindi mo pa rin makukuha ang puso ko,” hindi ko alam saan ko iyon hinugot. Dumilim lalo ang mukha niya ng marinig mula sa akin iyon. Hindi dapat ako nagsasalita ng tapos dahil ramdam ko na nagugustuhan na siya ng puso ko. “Nakuha ko na hindi mo lamang iyon matanggap sa sarili mo. You know what, Cassandra…” Kumabog bigla ang dibdib ko sa naging tono niya. Hindi ko ma-explain pero kakaiba ng banggitin niya ang pangalan ko. “Ayoko na balang araw bibigkasin ko ang pangalan mo na parang wala lang,” “Ano?” “Ayokong umabot sa puntong titignan kita na parang wala lang,” Hindi ko mahanap ang tamang isasagot sa kaniya. Para niyang binuksan ang ilaw sa madilim kong utak na para bang kahit anong oras ay magagawa niyang hindi na ako matignan tulad ng ngayon? Bumigat bigla ang pakiramdam ko. “What do you mean? Hindi kita maintindihan,” muling pagtatanong ko. “Nothing, let's sleep tapos na ang pag-uusap na ito. Saan na napupunta ang usapan natin.” sambit niya. “Nag-uusap pa tayo,” reklamo ko. “Ayoko ng away please, pagod ako. Hayaan mo ako makapagpahinga habang yakap ka.” Wala na akong nagawa ng muli niya akong inakay pahiga. Kusang sumunod ang katawan ko, niyakap din niya ako ng mahigpit at sa buong magdamag na iyon ay paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang mga sinabi niya hanggang sa tuluyan na akong kainin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD