Chapter 3

1664 Words
Pagkatapos ng mapusok na umaga na iyon ay umalis din ito upang magtrabaho. Hanggang ngayon ay namumula parin ako tuwing naalala ko ang nangyare kanina sa pagitan namin. Naibigay ko ang sarili ko sa kaniya, nadala din ako sa init ng nararamdaman kaya hindi na nakapag-isip pa ng tama. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa ang bawat halik at haplos niya sa katawan ko. Pati na rin iyong bagay na iyon na unang beses kong naramdaman. Napa kasakit talaga n‘on sa una, hindi ko mabilang kung ilang beses din namin ginawa. Ipinaspas ko na lang ang ulo ko upang mawala ang alaala na yun at alam ko rin na naging talo ako dahil ang sabi ko sa sarili ko ay hinding-hindi ako bibigay sa kanya ang sarili ko pero nagawa ko na. Nagpabaling-baling pa ako sa higaan at hindi ko makapa ang pagsisisi sa ginawa ko. Payapa ang loob ko at wala akong pagsisisi dahil aaminin ko na nagustuhan ko ang ginawa namin. Nawala ang mga ngiti ko ng biglang pumasok ng walang pahintulot ang munchacha na ito. May dala itong tray ng pagkain at nakayukong nagtungo sa mini living room. Inilapag nito ang tray roon at payukong umalis ng pigilan ko siya. “Sinabi ko bang dalhan mo ako ng pagkain? Hindi ba hindi naman ako nanghihingi? Ilabas mo 'yan." malamig na utos ko kay Toyang. Nagsimula ng rin mangatal ang mga kamay niya, namunutla na ang mukha dahil alam ni Toyang na naiinis na ako. Kahit na duwag at takot sa akin si Toyang ay hindi pa rin niya iniiwan ang trabaho. Bukod kay Alejandro, siya lamang ang nakakatagal sa ugaling meron ako. “U-Utos po kasi ni Senyorito na hatiran kayo ng breakfast,” sagot niya kaya naman mas lalong tumaas ang kilay ko. Bakit ako kakain dito sa loob ng kwarto? Bakit hindi sa kusina? Nakakulong pa rin ba ako? Hindi ko parin ba nakukuha ang loob ni Alejandro? Nakaramdam ako ng inis. “Ibaba mo yang tray sa dining area at doon ako kakain,” utos ko ngunit hindi ito sumunod. "Bingi ka ba? Ang sabi ko kunin mong muli ang tray at ibaba sa dining area at doon ako kakain." "Hindi po talaga pwede madam dahil magagalit po si senyorito," nagmamakaawa ang mga mata niya pero wala akong pakialam. Hindi ako mapapalambot ng ganiyan. Tumayo na ako upang maglakad papuntang pintuan ng humarang siya bigla. Pinanlakihan ko pa siya ng mata ngunit umiwas lamang siya ng tingin. "Move." "Patawarin mo ako madam pero ako talaga ang mananagot kay senyorito," "Wala akong pakialam at umalis kansa harapan ko, Toyang." pagbabanta ko na. “Ma‘am, hindi po pwede!” “At bakit? Ikaw ba ang amo? Hindi ba ako? Manahimik ka kung ayaw mong sesantihin kita!” Bubuksan ko na sanang muli ang pinto ng muli ako nitong pigilan. “Hindi po talaga pwede, pinagbabawal iyon ni Senyorito, hintayin mo na lang daw siyang makauwi!” Naitaas ko ang kilay ko ng sabihin niya sa akin iyon. Si Toyang na buong tapang na nakaharang habang nakahiwalay ang dalawang kamay. Nakaramdam ako ng awa lalo na ng makita ang pasa niya na galing siguro sa pagtulak ko sa kanya. “Please po, magagalit ang Señorito,” nagmamakaawa niyang bulong. Masakit man sa pride ngunit pinagbigya ko siya sa gusto niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang umatras na lamang at maglakad patungo sa maliit kong living room.Kahit papaano ay natuwa ako sa hinanda ni lang pagkain sa akin. Hindi rin talaga nawawala ang isang basong gatas at iilang mga hiwa ng prutas. Sinimulan ko ng lantakan ang pagkain na ito dahil gutom na rin talaga ako. Hindi ako gaanong nakakain simula pa kahapon dahil sa pag-iinarte at pare-rebelde ko. Lumabas na rin si Toyang ng silid at narinig ko ang paglock nito sa pinto na kinaismid ko. Hindi naman ako makakatakas kahit na makalabas ako sa kwartong ito dahil nagkalat ang mga gwardiya sa labas. Wala din akong pera at cellphone kaya bakit pa ako aalis ng bahay hindi ba? May plano din ako at ito ay makuha ang tiwala ng magaling kong asawa upang magawa ko parin ang gusto ko. Namimiss ko ng makabalik sa dati kong buhay, iyong wala akong problema at asawanh demonyo. Nang matapos na akong kumain ay hinayaan ko na lamang ang pinagkainan ko dahil maya-maya naman ay lilinisin iyan ni Toyang. Dahil burong-buro na ako sa silid na ito naisipan kong bulat-latin ang silid. Sa isang malaking kabinet napansin ko ang malaking box na nasa ibabaw nito. Dahil kinakain ako ng kuryosidad sinubukan ko itong kunin. "What the hell!" naisambit ko dahil hindi ko talaga ito maabot. Kaunti pa at nagawa ko ito g maabot ngunit dumulas ang box sa kamay ko at nahulog ito sa mismong mukha ko. "Ahhh!" malaka kong hiyaw ng tumama ito sa may kilay ko. Akala ko ay ayos na subalit na ramdaman ko ang pagpatak ng likidong bagay sa hita ko. Nang makita ko ito ay pulang likido. Saka naman pumasok si Tonyang na umaangos pa. "O-Okay kalang ba madam? Nakarinig kasi ako ng malakas na—" “Hindi ako multo bakit ba gulat na gulat ka?” naiirita kong sambit dahil hindi talaga maipinta ang itsura niya ngayon. “D-Dugo…” bulong niya. “Ano?” pag-uulit ko. Namumutla nitong itinuro ang mukha ko at sinundan ko naman ito ng pagkapa. Basang-basa nga ng dugo ang kalahati ng mukha ko at nararamdaman ko na rin ang pagkahilo. “S-Si… S-Sir…. Tatawagan ko…” Nanakbo ito palabas ng kwarto. Hindi ko na siya napigilan pa, napatampal na lang ako ng sariling noo ng mapagtanto ang kagagahang ginawa niya. Sigurado at uuwi na naman si Alejandro na umuusok ang ilong. Naupo na lang ako sa sofa habang hinihintay na bumulaga sa akin ang dragon na iyon at tulad nga ng inaasahan ko ay malalaking yapak ng sapatos ang naririnig ko sa labas palan. “What happened?!” Nangungunot noo nitong bungad ng makalapit sa akin. “Nasugatan lang ako,” walang gana kong sagot. “What? Can you see it? Puno ng dugo ang mukha mo! Anong ginawa mo huh? Ano ito!” naghehesterikal niyang sabi. Inirapan ko na lang siya dahil sa kadramahan niya. Ang liit lang naman ng sugat na ito at kaunting betadine lang naman ay maayos din ito. “Stop rolling your eyes, damm*t! Hindi na ako natutuwa! Noong una ang pagtakas ngayon naman ay p*******t sa sarili mo? I can't tolerate this anymore for goddamn sake!” singhal niya. “Ang OA mo kasi sugat lang naman iyan, napakalayo sa bituka! “Kahit na paano kung naubusan ka ng dugo! F*ck! What if ma-inffection ito? Paano kung magkaroon ng pilat huh? Nag-iisip ka ba!" Hindi ko na talaga kinaya ang kadramahan niya kaya ako na lang ang kumuha ng tissue at pinunasan ang sugat ko. Nawala ang tapang ko ng maramdaman ang matinding sakit. Namumutla akong napatingin kay Alejandro na ngayon ay madilim ang mukha. “I told you! Bakit mo kasi kinuskos ng tissue! Mas lalo lamang maiiritate ang sugat kapag ginawa mo 'yan!” iritang-irita niyang sabi sa akin sabay agaw sa tissue sa kamay ko. Hindi ako nakasagot at lumuha na lamang, sobrang sakit nito at mas lalo lamang lumakas ang pagdurugo. Sandali niya akong iniwan at mayroong kinausap sa selpon Pagkuwan ng dalawang minuto isang lalaking doctor ang pumasok Hindi pa ito tuluyan nakakalapit sa akin ng dumagundong ang boses ni Alejandro. Sa lakas ng sigaw niya ay maski ako ay napalundag. “Sinong nagsabi na lalaki ang pinadala ko huh?! Get out! Hindi ikaw ang gagamot sa asawa ko!” sigaw niya, kaya kumaripas ng takbo ang binatang doctor. Gusto ko siyang sapakin dahil nagawa pa talaga niyang unahin ang pagiging seloso kaysa unahin ang sugat ko. Naging aligaga din ang lahat ng nasa loob ng mansiyon dahil sila ang sinisinghalan nito dahil sa kapalpakang ginagawa nila. Matapos ang limang minuto ay muling dumating ang doctor pero sa pagkakataong ito ay babae na. May katandaan na siya, ito ang gumamot sa sugat ko. Hindi ko gusto ang alcohol kaya nag-request ako ng betadine na lamang. Matapos niyang gamutin ang sugat ko ay mabilis din itong umalis at naiwan kaming dalawa ng dragon na ito. Seryoso ito habang nakatingin sa akin kaya nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang mga titig niya. “What did you do?” malamig niyang tanong kaya napaangat ang tingin ko. “Anong ibig mong sabihin anong ginawa ko?” tanong ko pabalik. “Ganiyan mo ba ako kinamumuhian para gawin mo ito?” “Gawin ang ano?” hindi ko na napigilan pa na hindi siya sungitan. Hindi ko alam ang sinasabi niyang ginawa ko. “Pakiramdan ko mamatay ako sa takot noong malaman kong may sugat ka sa noo!” “What?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Ganoon mo ba talaga kaayaw sa akin? Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo?" . Nairita na rin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakatira ba siya ng katol? Ganoon na lamang ba katindi para yanigin din nito ang utak niya? “Aksidente ito okay? Hindi ko sinaktan ang sarili ko.” “No you hate me!” pagpupumilit pa rin niya kaya hindi makapaniwalang tinignan ko siya. “Yes, I f*cking hate you pero hindi ko sasaktan ang sarili ko dahil lamang sa hate na sinasabi mo.” Dumaan ang sakit sa mga mata niya bago ito yumuko. Huli na ng mapagtanto ko ang sinabi. F*ck again! Mag-aaway na naman kami. “Yeah, you really hate me and I know that. I'm sorry.” Naglakad na ito palabas matapos sabihin iyon. Pipigilan ko pa sana ito ngunit dahil na rin sa sugat ko sa ulo hindi ko nagawa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa pagtalikod nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi panoorin ang papalayo niyang bulto. Damn you, Alejandro. Damn you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD