“Steven?” banggit ko sa pangalan niya ng makababa ako ng sasakyan. Tinignan lang niya ako ng may lungkot at bumaling din ito kay Alejandro na nasa tabi ko na pala. May dala na rin itong isang malaking maleta na hindi ko alam kung saan niya kinuha. “Kayong dalawa! Late na kayo! nakiusap pa ako sa lintek na piloto na g*gong iyon para lang hintayin kayo!” singhal niya kay Alejandro pero ramdam ko pa rin ang lungkot roon. Ano bang pinlano ng dalawang ito na hindi ko alam. Bakit pakiramdam ko sila ang may itinatagong dalawa sa akin at hindi ako? “You can't blame me! Gusto kong makasama ang asawa ko! Sabihin mo sa kaibigan mong piloto na papatalsikin ko siya bukas na bukas rin!” malamig na sambit ni Alejandro na nagpakabog sa loob ko. Gusto niyang makasama ang asawa niya? Ako lang naman an

