“Hello, po miss CM! Maari po ba namin kayo mainterview?” Hinarang ako ng isang paparazzi na ito ng subukan kong lagpasan ang mga nauna sa kaniya. Hindi ko siya nilingon basta lang ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maihalo na rin siya sa mga taong kanina pa ako nilalapitan at pilit na iniinterview. “Queen CM! Kayo po ang nagpalakas ng loob namin!” sigaw ng mga babae sa hindi kalayuan sa akin kaya nginitian ko sila ng matamis. “I love you! Queen CM!” Sa ilang buwan na puro trabaho ako at ito ang unang beses akong lumalabas upang makapasiyal lang sana sa labas ng tahimik. Makapamili na rin ng grocery. Ito lagi ang nangyayare sa akin. Gusto ko lang naman mag-grocery sa labas ng tahimik pero hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito. Pati ba naman dito sa amerika ay hindi ako tini

