Chapter 67

2293 Words

“Cassy, may isang oras na lang tayo para makarating na tayo sa photoshoot mo. Kanina pa tawag ng tawag si Beatrice sa akin bakit wala pa daw tayo,” nas-stressed na ng sambit ni Toyang sa akin. Dalawang oras na kasi akong nakaabang sa harapan ng loptop ko pero hindi pa rin nag-online ang anak ko. Three weeks ago na ata ng makausap ko siya, wala din message o kahit na anong nagsasabi na hindi niya ako makakausap. Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko may mali. Ako lang ba o napapraning na naman ako? “Nakikinig ka ba? Late na tayo,” sambit ulit niya. Isinara ko na ang loptop ko at pinilit itinayo ang sarili palayo sa loptop. Mamaya ko na siguro aalamin kung bakit hindi ako kinausap ng anak ko. Nawala ako sa sarili at napansin ni Toyang ito kaya siya na nagbitbit ng mga gamit na kailangan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD