“Basta ito lang ang mga bawal sa kaniya, bawal siyang kumain ng sobrang dami, kumain mostly ng mga fatty foods, matitigas at iwasan mo na ang mga karne. Make sure din na palambutin ng sobra ang mga karneng ipapakain niyo sa kaniya para hindi na sumakit pa ito,” paliwanag ng doctor habang tinitignan ang kalagayan ni Allessander. Ngayon kasing araw ang discharge niya at kailangan na namin siyang iuwi. Maayos na siya at wala na rin ang mga tube na nakatusok sa kaniya. Nilista ko rin talaga ang mga bawat at dapat lang niyang kainin para may maibigay ako sa ama niya na wala pa rin ngayon dito. Two days hindi dumalaw si Alejandro dito. Ni sumilip ay hindi sa loob ng dalawang araw na 'yon. Pinatawagan ko na rin siya kay Steven ngunit wala parin dahil hindi nito sinasagot ang bawat tawag namin. W

