“Baby, kumusta na ang pakiramdam mo?” kausap ko kay Allessander kahit na nakapikit lamang ito at payapang natutulog. Hanggang ngayon may guilt pa rin akong nararamdaman. Tatlong araw na rin simula ng mangyare ang pangyayareng ayaw ko ng isipin pa. Hindi parin kami maayos ni Alejandro ngunit sa awang ng diyos hindi na niya ako pinalayas pa. Wala akong matandaan sa mga nangyare matapos ang pagsakit ng ulo ko. Basta ko na lamang naramdaman ang malambot na dumampi sa labi ko noong gabing iyon. Kinabukasan paggising ko nakahiga na ako sa kwartong tinutuluyan ko. Hindi ko na rin mahagilap si Alejandro basta na lamang dumating si Steven at sinundo ako upang bantayan si Allessander. Malaking pasasalamat ko dahil wala naman matinding nangyare sa bata, sumobra lamang ito sa pagkain dahil sa pagigi

