Isang oras na akong pabalik-balik ng lakad dito sa living room ngunit wala pa rin balita kung kumusta na si Allessander. Gusto ko man siyang puntahan ngunit hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Gusto ko man silang tawagan ngunit wala akong cellphone. Hindi ako mapakali, nangangatal ang mga labi ko at nanginginig ang mga kamay ko. Segundo lang ng biglang bumukas ang pinto ng elevator inuluwa nito si Alejandro na may madilim na mukha. Malalaki ang mga hakbang nitong nagtungo sa akin. Dahil sa takot napaatras ako ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang bigla na lamang ako nitong sinakal. “Anong pinakain mo sa anak ko!” sigaw nito sa akin. Napangiwi ako ng tumama ang likod ko sa pader. Dinamba ako ng matinding takot dahil mas idiniin nito ang pagkakahawak sa leeg ko. Kinapos ako ng hininga at

