“Sure ka ba hindi na kayo magdi-dinner dito?” pang-apat na tanong ko na ata ito kay Steven. Oo, Steven, ayaw niyang tawagin ko siyang Sir kasi magkaibigan naman daw kaming dalawa. Hindi ako magaling magluto pero nakakahiya naman kung hindi ko siya aalukin ng dinner dito. Pero tulad ng ginawa niya kanina pa umiling ito sa akin. “Hindi na, uuwi na talaga kami at baka maabutan kami ni Sandeval dito. Allergic pa naman ang isang iyon kay Cianne.” Umiling-iling pa siya. “Bakit naman?” pagtataka ko. Kung ako magju-judge sa anak niyang si Cianne ay napakamaldita nito at arte. Hindi na ako magtataka kung bakit allergic si boss sa batang ito. Kebata-bata kasi namumutok sa pula iyong labi niya. “Maarte daw at ma-attitude,” sabi niya. Napatango na lang ako dahil sumasang-ayon ako sa sinabi

