“Just like what I say a while ago, Mrs. Sandeval normal ang lahat ng test na ginawa namin sayo. Wala kaming makitang dahilan para sumakit ang tiyan mo at magsuka ka ng ganoon,” dalawang beses ng paliwanag sa akin ng doctor ngunit hindi pa rin ako mapalagay. “How is that possible na nagsusuka ako ng ganon at mahihimatay? Hindi ba sintomas iyon ng babaeng buntis?” ani ko pa. Matalim na ngayon ang bawat tingin sa akin ng babaeng doctor. Wala akong pakialam kahit magalit pa siya at ireport ako gusto kong malaman kung bakit ko naranasan 'yon. Biglaang paghalukay ng sikmura ko at pagkawalang malay ko bigla hindi ba sintomas iyon ng babaeng buntis? “I am not a gynecologist, Mrs. Sandeval.” Binaba pa niya ang suot na salamin matapos sabihin 'yon. Napatahimik ako pero hindi ako tanga alam ko k

