Mabigat ang pakiramdam ko ng imulagat ko ang mga mata ko. Mabilis akong ginapang ng pagkalikot ng sikmura kaya mabilis akong bumangon at nanakbo papunta sa loob ng banyo. Suka ako ng suka ngunit wala naman akong sinusuka. Halos mamalipit ako sa tindi ng sakit ng sikmura ko. Napaiyak na lamang ako dahil pakiramdam ko ay gustong ilabas nito ang lahat-lahat ng laman loob ko. Nang kumalma ako ay dahan-dahan na akong tumayo. Humawak ako sa pader upang makapunta sa lababo dala na rin ng panlalambot ko. Nang masilayan ko ang sarili sa harap ng salamin, putlang-putla ang buong mukha ko. Pinilit kong inaalala kung ano bang nakain ko kagabi at ganito na lamang ang pagsusuka ko. Hindi naman ito morning sickness dahil hindi rin ako buntis at dumating rin naman noong nakaraang linggo ang dalaw ko kaya

