ANONYMOUS POINT OF VIEW Sa isang madilim na silid kung na saan ang isang babae na parang demonyo kung ngumiti habang hawak ang larawan ang isang binatang matagal na niyang kinababaliwan. Puno ng saya ang mga mata nito at hindi maibaklas ang malawak ng pagkakangiti dahil sa wakas ay nagbunga na ang matagal niyang pinlano. Umabot ng limang taon ang hinintay niya upang maisagawa ng maayos ang lahat ng plano niya. At isa na rin ang katauhan niya. Nakawin ang mukha na hindi naman niya pagmamay-ari. Dahil sa okupado ang isip ng babaeng ito sa pagtitig sa laranawan ng iniibig hindi niya namalayan ang pagpasok ng kaibigan. Ang kaibigan niya na matagal ng kinakain ng matinding kunsensiya dahil pumatay siya ng bata dahil sa kagustuhan ng matalik na kaibigan. Payat na payat ito at maitim ang paligi

