"Para sa iyo." Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang madaming pagkain na inilagay sa mesa ni Cloud. Kumunot ang noo ko. "Anong mayroon? Bakit may pagganito ka sa akin, Sir?" "Reward mo 'yan. Kainin mo lahat 'yan at kung hindi mo kaya ay iuwi mo. Nakaraang linggo kasi ay mataas ang sales ng store natin. Naisip ko na bigyan ka ng reward. At isa pa, natutuwa ako dahil palagi kong nadadatnan na malinis itong store at hindi mabaho ang amoy." "Wow! Bongga naman pala ang aking amo! Salamat po, Sir! Syempre naman magaling ako magbenta. Ginigilangan ko ang mga customers para matuwa sila sa akin." Ngumiwi siya. "Seriously?" Mahina siyang hinampas sa braso. "Ito naman si Sir! Syempre chariz lang! Baka mapag-isipan nila akong may sayad kung gagawin ko man 'yon. Salamat ulit dito, Sir! Kain po m

