KABANATA 14

1165 Words

Nandito ako ngayon sa condo unit ni Cloud. Hanggang ngayon namamaga pa rin ang mata ko kaiiyak. Sobrang sumama kasi talaga ang loob ko kay Mama. Ganito na lang siya palagi sa akin kapag nasasaway ko siya dahil sa pagsusugal niya. Mabuti sana kung pera niya mismo ang ginagamit niya sa pagsusugal niya pero hindi eh. Perang pinaghirapan ko. Sa dami ng pera na nabibigay ko sa kaniya, naipapatalo niya lang ito sa sugal. Kung sakali man na manalo siya, hindi naman siya nagbibigay ng panggastos sa bahay. Pinagbibili niya ng alak tapos maglalaklakan sila ng mga kaibigan niya. Naiirita rin ako sa mga kaibigan niya dahil hindi man lang nila masabihan si Mama na mali na ang ginagawa niya. Para ngang walang anak si Mama kung umasta. Parang naging buhay dalaga siya. Naiintindihan ko naman kung bakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD